IYA MARIE BALTAZAR
"UWI na ako," paalam ko sa mga katrabaho ko. "Good luck sa mga naka-night shift, hindi niyo sana makadaupang palad ang guest nating diyablo."
Natawa naman sila sa sinabi ko.
"Ingat ka," nakangiting sabi ni Cesar.
"Para paraan si angkol," sabi ni Peachy at kumapit sa braso ko. "Let's go na beshy ko."
Hinila na ako palabas ng hotel ni Peachy. Hindi pa rin naman ako uuwi agad. Mamimili pa ako ng stocks sa bahay at kasama ko si Peachy sa pamimili.
Sumakay kami ni Peachy sa tricycle. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa supermarket na madalas naming binibilhan. Pumasok kami ni Peachy sa loob at nagsimulang mamili.
Kumuha ako ng gulay at prutas. Namili rin ako ng mga karne at isda. Siyempre hindi nawala ang mga favourite kong inumin at mga snacks.
"Ang dami mo namang binili," sabi ko kay Peachy.
"Ganito ako katakaw," hagikhik na sagot nito.
Nagbayad na kami sa counter bago kami lumabas. Naghiwalay na kami ni Peachy ng sasakyan dahil magkaibigang direksiyon ang uuwian namin.
"Salamat po," sabi ko sa driver pagkatapos kong magbayad.
Pumasok ako sa apartment at natigilan ako nang makita ang isang lalaking nakaupo sa kama ko habang umiinom ng beer.
"Anong ginagawa mo sa apartment ko?" kunot noong tanong ko kay Sergio–ang lalaking may pinakamasamang ugali.
"Your place is not nice," sagot lang nito. "Especially your dog. She smells bad and she's fvcking clingy."
"Wag mong minumura ang aso ko!" Inilapag ko ang mga pinamili ko. "Umalis kana dito bago pa ako tumawag ng pulis at kasuhan ka ng trespassing."
Imbis na umalis. Tumayo lamang ito at lumapit sa mga pinamili ko. Kinalkal niya ang mga iyon at nang makita ang hinahanap ay kinuha niya iyon.
"Akin yan!" inis kong sabi.
Ngumisi lang ito bago buksan ang binili kong cookies at kainin. Ang mahal mahal ng cookies na iyon.
Hindi kona siya pinansin at sinimula nang ayusin ang mga stocks ko. Paglingon ko dito, iniinom na niya ang malaking chuckie na binili ko.
"Wala ka bang pera!?" bulyaw ko sa kaniya. "Ang mahal kaya niyan!"
Hindi ito sumagot at patuloy lang sa pagkain. Hindi kona siya pinansin dahil pakiramdam ko ay matutuyuan ako ng dugo dahil sa kaniya.
"Yung lalaki kanina..." Natigilan ako dahil sa sinabi. "Who is he? Is he your new boyfriend? Anak niyo yung bata?"
"Pinagsasasabi mo?" Kunot noong hinarap ko siya. "Kapatid ko yun at yung bata ay pamangkin ko."
Napakurap kurap naman ito dahil sa sinagot ko, para ding nakahinga ito nang maluwag na ikinataka ko.
"May kailangan kapa ba? Kung wala na ay pwede ka nang umalis," masungit kong sabi sa kaniya.
"Okay.." Tumayo ito bitbit pa rin yung cookies at chuckie ko.
Dire diretso itong umalis ng apartment. Hindi makapaniwalang napatingin na lang ako sa pintong nilabasan niya. Pumunta ba siya dito para lang burautin ang cookies at chuckie ko? Nababaliw na siya.
"Nakakapagod!" Humiga ako sa kama ko at niyakap ang aso ko. "Hindi ka naman mabaho, ah? Sabi nung diyablo, mabaho ka raw?"
Tumahol lang ito at dinilaan ako mukha. Napangiti na lang ako at pumikit.
BINABASA MO ANG
One Night with Ruthless Billionaire [ON HOLD]
RomanceGusto lang ni Iya ay makalimot kahit isang gabi lang pero mas malala pa pala ang nangyari dahil sa isang gabing pagkakamali. Isang gabi na pinagsisisihan ni Iya dahil naibigay niya ang sarili sa isang lalaking masyadong mataas ang tingin sa sarili a...