IYA MARIE BALTAZAR
"WELCOME to our hotel, sir.." nakangiting bati ko sa AFAM naming customer. "We have a lot of rooms here, sir. Just fill this form and make your vacation relaxing."
Isa akong staff sa isang sikat na hotel dito sa La Union Urbiztondo Beach. Marami kaming customer na iba't iba ang lahi. Dinarayo talaga ang lugar namin dahil na rin sa surfing.
"Thank you," nakangiting sabi nito bago umpisahang sagutan ang form na ibinigay ko.
Sa Manila dati ang destino ko, pero nalipat ako dito sa La Union. Ayos na rin yun, gusto ko ring kalimutan ang mga nangyari sa'kin sa Manila. Lalo na ang isang gabi na yun.
"Iya, sabi ni manager ay ayusin mo ang isang kuwarto para sa special guest natin mamayang gabi. Yung room sa 5th floor, 050," sabi ng katrabaho kong si Peachy. "Ako munang bahala dito."
"Sige," nakangiting sabi ko.
Sumakay ako ng elevator at pinindot ang 5th floor. Nang bumukas ang elevator ay agad akong nagtungo sa room 050. Ito ang pinakamalaki at pinakamagandang room sa 5th floor, siguradong bigatin talaga ang magiging bisita namin.
Inayos ko ang kama at ginawang swan ang tuwalya. Naglagay rin ako ng rose petals para naman romantic. Sinigurado ko ring malinis ang C.R at ang buong room. Naglagay rin ako ng scented candles sa bed side table at nagpisik din ako ng special perfume namin. Nang masiguradong kong ayos na, ay lumabas na ako.
Bumaba ulit ako sa ground floor kung saan ako nakapwesto kanina.
"Lunch break ka muna," nakangiting sabi ni Peachy. "Masyado kang workaholic.."
"Salamat," nakangiting sabi ko.
Nagtungo ako sa locker ko at kinuha ang bag ko. Lumabas ako ng hotel at nagtungo sa favourite seafood restaurant ko. Nag order ako ng pagkain ko at nagsimulang kumain.
Masaya akong dito ako nadistino sa La Union. Mababait ang mga tao dito at payapa ang paligid. At isa pa, taga dito rin kasi ang mga magulang ko kaya nadadalaw ko sila. Halos dalawang buwan na rin ako dito, at sa dalawang buwan na yun ay puro kapayapaan lamang ang nararamdaman ko.
And I'm so thankful dahil sa isang gabing katangahan ko ay walang nabuo. Hindi naman sa ayaw kong magkaanak. Ang gusto ko kasi ay paninindigan ako nung lalaking makakabuntis sa'kin at magiging buo ang pamilya namin. Ayoko ng broken family kasi kawawa ang magiging anak ko.
About sa issue ko sa ex fiancé ko, hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng parents kong wala na kami. Hindi kasi ako maka-tiyempo na sabihin sa kanila ang pagloloko nito, at saka ayaw kong masermunan.
After I ate, I went back to my work. Inilagay ko muna sa locker ang mga gamit ko bago ako bumalik sa pwesto ko.
"Dumating na yung special guest natin!" kinikilig na sabi ni Peachy. "Kung nakita mo lang yung lalaki, siguradong mahuhulog din ang panty mo! Ang gwapo gwapo niya at ang matcho pa!"
Napangiwi na lang ako. "Alam mo? Tigilan mo 'yang ilusyon mo, baka makita ka ng manager nating masungit, mapagalitan kapa."
"Kasi naman ih! Ang guwapo guwapo niya at ang lakas ng dating!" kinikilig pa rin sabi nito. "Kahit masungit siya, iba pa rin yung dating niya. Yung feeling na kusang bubuka ang mga hita mo."
"Peachy!" saway ko sa dalaga.
Napahagikhik ito. "Kapag i-a-assist yung guest, ako ang mag-a-assist, ah? Pagbigyan mona ako, minsan lang naman ako lumandi."
Tumango na lang ako para hindi na siya mangulit pa. Nag-focus na lang kaming dalawa sa trabaho hanggang sa sumapit ang gabi.
"Iya, kailangang i-assist ng special guest natin," sabi ni Manager Lily. "Make sure na walang magiging problema, okay?"
BINABASA MO ANG
One Night with Ruthless Billionaire [ON HOLD]
RomansaGusto lang ni Iya ay makalimot kahit isang gabi lang pero mas malala pa pala ang nangyari dahil sa isang gabing pagkakamali. Isang gabi na pinagsisisihan ni Iya dahil naibigay niya ang sarili sa isang lalaking masyadong mataas ang tingin sa sarili a...