CHAPTER 12

149 8 18
                                    

"Buckle up, princess," dad said as he started the car's engine.

Nasa loob ako ngayon ng sasakyan ni daddy. Kinakausap niya ako pero 'yung utak ko ay nasa ibang bagay.

"Ano ulit 'yun, dad?"

Nakita kong kumunot ang noo nito. "What's wrong with you today? Are you not feeling well?

Mabilis akong umiling sa kaniya. "No, dad. I'm perfectly fine. I was just thinking about the project we have to present today in our class."

Another minus point na naman ako sa langit!

Hindi kasi ako masyadong nakatulog kagabi matapos magpaalam at umuwi ni Eiji. Ikaw ba naman ang halikan kahit sa noo lang ay kikiligin ka talaga and at the same time ay mapapaisip.

Halos magdamag na iyon lang ang nasa utak ko. Paulit-ulit na nagrereplay 'yun sa isipan ko at kahit ano'ng gawin kong isip ng ibang mga bagay ay pilit pa ring bumabalik sa tagpong iyon sa aming gate.

"Are you sure? Don't go to your class if you're not really feeling well. I'll just call your school."

"Hindi na kailangan, daddy. Okay lang talaga ako," pilit kong pangungumbinsi sa kaniya.

Kung hindi ako papasok ngayon sa school ay hindi ko masisilayan ang baby ko.

Gusto ko ring makita ang reaksyon nito matapos niyang gawin sa akin 'yung kagabi. Ang unfair naman yata na ako lang itong parang timang kakaisip sa mga nangyari kagabi.

"Alright, then. Buckle up so we can now hit the road."

Mabilis kong ikinabit 'yung seatbelt ko at maya-maya pa ay nakarating na kami sa school.

"Thank you, daddy!" I bid my goodbyes to dad before getting off his car.

"You're welcome, princess. Call me if you don't feel okay, alright?" Worry was written all over his face.

I felt bad for making him worry like this about me. "Don't worry, dad. I'm really okay, but if I were really sick, I would call you first."

Napanatag naman siya doon sa sagot ko kaya nagpasya na rin itong umalis papunta sa kumpanya. Habang papasok ako sa gate ng school namin ay hindi ko nakita ang isang pigurang nakatayo sa gilid nito.

"You're here," dinig ko sa pamilyar na boses na 'yun.

Nagdire-diretso lang ako ng lakad habang nakatingin pa rin sa dinadaanan ko dahil baka naghahallucinate na naman ako. Sobrang kulang kasi ako sa tulog kagabi.

Maya-maya pa ay nakarinig ako ng mga yabag at sunod nun ay ang pakiramdam na may humahawak at pumipigil sa kaliwang braso ko.

Agad kong hinarap kung sinuman 'yung taong pumigil sa akin at ganun na lang ang pagkakagulat ko nung nakita kong si Eiji iyon.

"E... E-Ejie?"

"Ako nga, hindi mo ba ako narinig kanina nung nagsalita ako?"

"Huh?" Kug ganun ay totoo ngang siya 'yung nagsalita kanina at hindi ako naghahallucinate lang.

"I was waiting for you," he said nonchalantly.

Sa ngayon ay hindi ko mabasa ang ekspresyon nito sa mukha. Teka lang, ang sabi niya ay hinihintay daw niya ako?

Pakiramdam ko ay nanghihina 'yung mga tuhod ko at anumang oras ay hihimatayin na din ako rito. Napakaaga naman niya kasi akong ginugulat at pinapakilig!

"Y... Y-You didn't really have to wait for me." Ngingiti sana ako pero nauwi sa pag-ngiwi. How embarrasing!

"Gusto kitang hintayin. You can't do anything about it," he said before he grabbed my arm again and walked side by side with me.

Long Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon