CHAPTER 38

103 4 1
                                    

A/N: This chapter is under Eiji's POV.

"What just happened, Eiji? You were all fine before you went to school this morning. What made you punch your wall?" Mom worriedly asked me as she tried to bandage my fist, which has been covered by wounds and bruises.

"I don't want to go to the States anymore, mom. Let me just stay here," I said, avoiding her question.

"But why? It's your dream that we're talking about here. What made you decide to drop your dream just like that?"

"I need to stay with her or else she will hate me forever."

I don't know but saying these things to Mom made me so emotional that tears already started running down my face.

"Whoever that is, I'm sure she would understand your actions."

"It didn't look like it, mom. I really messed it up this time," I said as I gripped my hair so hard.

Sobrang higpit ng hawak ko rito na naging dahilan na naman ng pagdugo ng mga kamay ko kahit may gasa nang nakatakip dito.

"Don't do that, Eiji. Why don't you give that person a time and a space in the meantime? You have to give yourself a time, too."

Katulad ng sinabi ni mommy ay naghintay ako. Kahit ang huli naming pagkikita ay ang pinal na nitong pakikipaghiwalay sa akin ay naghintay pa rin ako ng pagkakataong makausap ito.

Mula noong araw ding iyon ay itinigil ko na ang lahat ng komunikasyon ko kay Airi kahit naging makulit pa rin ito pagkatapos ng insidenteng iyon. Her taking her life doesn't concern me anymore.

Sobra naman na siguro ang naitulong ko at ng magulang ko rito. Hinding-hindi ko maibibigay sa kaniya ang hinihiling nito dahil isang kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya.

Ilang buwan na ang nakakalipas pero nasa parehas na sitwasyon pa rin ako. Hindi na mabibilang sa mga daliri ko 'yung mga pagkakataon na gusto ko itong kausapin at kapalan ang mukha para sabihing balikan na niya ako.

Ang lahat ng ito ay nawala nung napagtanto kong sa paglipas ng mga araw ay maayos at masaya pa rin ito kahit wala na ako sa buhay niya. Kabaliktaran ito ng nararamdaman ko ngayon.

"Eiji, ang sabi sa akin ng mommy mo noon ay ayaw mo na daw magpunta ng America kaya hindi na rin kita kinausap tungkol dito. Nagbago na ba ulit ang desisyon mo?" ani dad habang nasa opisina kami nito sa bahay.

"I'm going back not because I wanted to pursue my dream; I'm going there for another reason. Don't you want me to become an engineer?" I said to him coolly.

I don't think becoming one of the best NBA basketball players would make me happy anymore. Nung una ay nagpupursige ako sa larong ito para sa sarili at sa ambisyon ko pero katagalan ay 'yung taong iyon na ang naging inspirasyon ko sa mga bawat laro ko.

Naging pangalawang dahilan na lang 'yung pangarap ko umpisa nung nakilala ko siya nang husto.

Now that she's out of my life completely, what's the point of achieving that dream without her by my side?

Kumunot naman ang noo ni dad dahil sa naging sagot ko. "What do you mean? You can still study engineering in the country. Why do you still have to go to the States?"

"I need a better facility for me to build my own empire someday."

That was indeed true. There was no reason to stay here anyway so I might as well go to the States so I can achieve my other goals.

Kahit duda sa akin si Daddy nung mga panahong iyon ay napapayag ko silang dalawa ni Mommy. Hindi ko na tinapos ang buong school year dahil nakahanda na ang lahat tungkol sa pagtatransfer ko sa bago kong eskwelahan.

Long Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon