Paglisan </3

5.6K 120 29
                                    

Paglisan 

Sa iyong paglisan,

Puso ko'y iyong iniwan.

Pagluha ay hindi ko naiwasan,

Araw at gabi, ikaw ang laman ng aking puso't isipan.

Ngayong ika'y lumisan,

Puso ko'y iniwan mong duguan.

Paghihinagpis ay hindi ko napigilan,

Ngayong tapos na ang ating pagmamahalan.

Mahal kita nang walang hanggan,

Kahit pa ako'y iyong nilisan.

Pag-ibig na tinapos ng luha,

Ano nga ba ang pagkakamaling aking nagawa?

Ngayong ika'y wala na sa aking tabi,

Hindi ko na nanaisin pang sayo'y maghiganti.

Ang nais ko ay ang iyong kaligayahan...

At ngayon, iyon ay sa kanya mo natagpuan.

Lahat ng ating pinagsamahan,

Masasayang kulitan at tawanan.

Ang lahat ay nagwakas sa isang pamamaalam.

nung ika'y umalis, at ako'y nilisan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

There you go. I suck in writing Tagalog poems.

Sorry for that. :)) I think this was the only Tagalog poem that I made.

As far as I know, I made this poem for our Filipino Project when I was still in my Junior level in HS. Hahaha! IDK! Just, well, i'll appreciate your comments! :)

Whether it's good or bad. :)

I'll accept it. :)

I'm open to criticisms. So feel free to say about what you think about this one. Haha! LOL! xD

-MHR29 

POEM COLLECTIONS. :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon