Sabi-Sabi

0 0 0
                                    

"SABI-SABI"

Noon, ikaw ay kakilala lamang
Ngunit sa mga arae na nagdaan
Ako'y nadala sa sabi-sabi lang
Pero, posible bang may katotohanan?

Bakit kasi umasa pa sa mga sabi-sabi
Na binibigyan ng kahulugan,
Kahit wala namang kasiguraduhan?
Madaliang paglimot... sana naman ay posible

'Di na lang sana naniwala
E'di sana, hindi na umasa
Hindi na sana nahihirapan
Wala pa rin sanang nararamdaman

Naniwala ako
Sa sinabi nila
Oh! Umasa ako
Kasalanan ko na

Bakit kasi umasa pa sa mga sabi-sabi
Na binibigyan ng kahulugan,
Kahit wala namang kasiguraduhan?
Madaliang paglimot... sana naman ay posible

Kaya sana naman ay linawin na
Oo. Oh! Linawin na ang sabi-sabi
Linawin na

(March 2, 2018)

Say ItWhere stories live. Discover now