Kabanata 41| Kira's

85 6 0
                                    

 Bonding

"Good morning." Salubong na pagbati sa akin ni Alyssa habang bumababa ako ng kanilang magarbong hagdan. Dito na kami sa mansion nila natulog kagabi. Hindi narin naman hinayaan ni Alyssa na mag check in pa sa mga hotel ang iba dahil may mga extra room naman daw dito at madaling araw na rin kasi kaming natapos. We were all wasted last night na kokonti na lang ang naalala ko sa mga pangyayari. Masakit din ang ulo at tiyan ko.

Despite being in pain, I’m happy that it happens at ngayong araw lang ako hindi magrereklamo o magsisisi at sasabihing bakit pa ako uminom. Everything that happened yesterday was like a victory for me, for all of us. And waking up in a mansion with my friends, na kasama sila Patricia at Eunice brings me a very good feeling.

The living room where we stayed last night is already clean. Walang bakas ng kahit anong kaganapan kagabi. Parang walang nangyaring inuman. I found Alyssa cooking breakfast for all of us in their wide kitchen. Siya ang pinaka naunang nagising sa aming lahat.

"Anong oras kang nagising?" Tanong ko rito na naroon sa harap ng kanyang niluluto. Ako ay dumiretso agad sa may fridge para kumuha ng isang bote ng Pocari Sweat saka ininom ang halos kalahating laman nito.

"7."

Pinagmasdan ko siya. Naka long dress ito hanggang tuhod at nakatali ng bagsak ang buhok niya sa likod. Kita ko rin ang makinang na earing doon sa kanyang tenga. I remembered that earing. Sa pagkaka-alam ko, 'yon yung bigay sa kanya ni Rios noon. Napangiti ako. Hindi naman niya katabi si Rios halata na sa kanya na may asawa na siyang tao.

"Alam kong maghahanap ng mga pagkain ang mga Adan lalo na ng mga Eva pag nagising kaya maaga akong tumayo."

"Ayos lang ba talaga? E, pinadala ka dito ng lolo mo para magrelax hindi para magluto ng pagkain para sa amin." Nakangusong tugon ko. Umupo ako sa isa sa mga high chair para panoorin siya sa ginagawa.

"Hindi pa naman ganon kalaki ang tiyan ko. Isa pa..." Tinakpan niya ang niluluto at humarap sa akin. "Andito na sila Patricia at Eunice. Ngayon lang ulit ako makakapag luto ng pagkain para sa kanila." She's really happy about it.

Kahit ako ay napangiti na rin sa tinuran nito. "They're really here. Parang kahapon lang, nag-aaway away tayo."

Pareho kaming natawa and I didn’t expect what she did next. Lumapit ito sa akin at niyakap ako. Hindi ako nakagalaw sa ginawa niya.

“B-Bakit?” Takang tanong ko.

Humiwalay siya sa yakap at napatingin na lamang sa akin.  “I shouldn’t just be saying thank you to them. Sa’yo rin dapat. You have all the means to leave us too right before it started…  I mean noong nahuli mo kami ni Rios, naalala mo? You have the right to tell them that you saw us kissed. But you didn’t. After 7 years of trying hard to forget my feelings for Rios in Nevada, with words that when I come back, everything will be back to what it used to be but you…  You knew something is going on again with me and Rios pero hindi ka nagalit. Hindi ka napagod na ganon uli ang nangyari.” Natawa siya. “Ako lahat ang naging ugat ng ito. And wala kang ibang ginawa kundi ang damayan lang ako kahit na may karapatan ka ring magalit lalo na’t dalawang beses kong ginulo ang kung meron tayo. For that, I, thank you. You’re such a good friend at hindi na ako makakahanap ng ibang katulad mo.”

Destroy The Golden Rule (Golden Rule Trilogy #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon