Kabanata 40 | Kira's

78 5 2
                                    

Forgive

Nakatanga kaming lahat ng tingin sa mag-asawang Montrevan matapos malaman ang katotohanan. Na hindi totoo ang mga pinagsasabi ni Chairman Marcus tungkol sa apo nitong si Alyssa at sa pagiging suicidal nito. May iba palang dahilan at 'yon ay sa kadahilalang nagdadalang tao na. Lahat ng kaba at pag-aalala ko ay nawala pero napalitan ng halo-halong emosyon. Hindi ko alam kung dapat mainis ba ako. But I'm happy she's pregnant. This is a blessing. Dinaan pa kasi sa drama, e!

Pero sa bagay, kung hindi niya siguro dinaan sa drama ‘yon, hindi sasama ang dalawang Eva. Hindi sila magp-panic. Grabe talaga ‘yan si Chairman Marcus. Bilib na talaga ako sa kanya.

Oo nga't naging masaya kami sa iilang sandali matapos ianunsyo ang masayang pangyayari ay nanahimik rin kaming lahat, nangangapa lalo na't kasama sila Patricia at Eunice na hindi madalas mangyari. Alyssa is not here in the living room. Nagtungo ito sa room ng lolo niya para icheck daw ang mga bagay na dapat niyang trabahuin dito. Si Rios naman ay nasa kusina, nagluluto for our early lunch.

Naiwan kaming tatlong Eva dito sa sala. Hindi na ako maka-imik. Punong puno ng kasiyahan ang puso ko. Hindi ko maipaliwanag. Gusto kong umiyak, magsisisigaw at magkwento ng mga bagay-bagay tungkol sa mga pangyayari sa buhay namin noong hindi namin sila kasama pero kahit alin don sa mga 'yon ay hindi ko magawa. I'm just sitting here in the corner, appreciating the fact that both of them came because they were also worrying and they want to check up on Alyssa.

Nakaupo lang silang dalawa sa mahabang sofa, magkatabi at hindi rin nag-iimikan. Ganon din ako sa pang isahang sofa. Gusto kong mag usap kami. Kahit 'Hi' man lang. Marami akong gustong tanungin, gustong malaman, gustong sabihin pero parang hindi pa ito ang tamang pagkakataon para magsabihan ng nararamdaman. Pero kailan ba dapat? Hindi pwedeng ganito kami palagi.

Alam kong marami ring gustong sabihin sila Rios sa kanila lalo na tungkol sa hindi namin pagkakaunawaan pero parang hindi pa ito ang perfect timing para doon. Basta, I trust Rios and the other adans into this.

Ako na sana mismo ang unang magsasalita pero hindi natuloy nang makita naming bumababa sa magarbong hagdan si Alyssa dala ang isang folder. Ang paningin nito ay na kay Rios agad na siyang pinuntahan niya. We saw her show the folder to Rios and after a moment, they both laugh na ipinagtaka naming lahat.

"Anong meron?" Tanong ni Justin na gustong sumilip sa folder. Alyssa gave it to him pagkatapos ay nagsunuran ang dalawa pang Adan para makita din 'yon. Patricia and Eunice were just looking at them, hinihintay kung sasabihin ba sa amin ang dahilan ng pinagtatawanan nila.

Napa-iling si James nang mabasa rin ang nasa laman ng folder saka ito nagtungo kay Eunice para ibigay din ang folder na sinilip na rin ni Patricia. I was waiting for someone to tell me what is happening hanggang sa lapitan na rin ako ni Zenry.

"Chairman Marcus really planned everything." Sambit nito.

Destroy The Golden Rule (Golden Rule Trilogy #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon