Kabanata 36

586 16 1
                                    


Mahimbing pa ang aking pagkakatulog ng may maramdanan akong pagtapik sa aking pisngi, hindi ko ito pinansin ngunit sunod sunod parin ang kaniyang ginagawa, ang aga namang manggulo kung sino man ito. At dahil nga siguro hindi ako magising sa bawat tapik ay may biglang sumigaw sa harapan ng aking mukha, dama ko ang hininga nito.

"MAMAAAAA!"

Agad akong napabangon dahil sa sigaw ng batang pasaway na si Maliah, hayysstt itong anak ko Talaga ang kulit. Agad ko siyang niyakap at pinupog ng halik.

"Anong kailangan ng cute na bata na to hmmm?" Saad ko habang patuloy siyang kinikiliti sa aking mga halik, dinig ko naman ang kaniyang mga hagikhik

"Mama ayaw mo po babangon eh tanghali na po nandiyan na sina tita Janna, tito Jeff at tita Zolen dala po sila dami food at gagawa din daw po tayo ng super paborito nating Shanghai" labis na natutuwang sabi ni Maliah, itong anak ko Talaga pagkain ang kahinaan

"Naligo kana ba?"

Sunod sunod ang naging pag iling nito

"Kaya pala ang asim ng naaamoy ko, maasim na ang kilikili ni Maliah" tinawanan ko pa siya matapos sabihin iyon, kita ko naman ang naging pagsimangot niya

"Mama hindi po baho kili-kili ko, bango ito mamaya hmmmppp ligo na nga ako" matapos sabihin iyon ay nakapamewang itong umalis at pumasok ng banyo, natawa nalang ako sa inakto niya.

Lubos kong pinagpapasalamat na hindi na gaanong malungkot si Maliah, nagagawa na niyang tumawa at makipagkulitan. Ayon lang naman ang nais ko, ang makita siyang masaya at hinding hindi ko iyon ipagpapalit sa kahit ano mang bagay.

Matapos kong ligpitin ang aking hinigaan ay bumaba na ako upang batiin at tulungan sina Janna. Mukhang mapapadami na naman ang kain namin dahil sa dami ng kanilang dala, nakasanayan na kasi namin iyon na kapag may malungkot sa amin o nasasaktan ay nagsasamasama kami at ginagawa ang mga bagay na nais naming gawin ng magkakasama ng sa ganoon ay makatulong itong maibsan man lamang ng kahit kauntin ang sakit na dinadala. Kaya lubos akong nagpapasalamat na dumating sila sa buhay ko sapagkat sila ang tumayong aming pamilya ni Maliah, sila ang nagsilbing pader at ilaw ng aming tahanan.

"Hey Azulan don't tingin to us just like that, you tulong here in balot balot the Shanghai" ani Zolen na aking tinanguan, kung dati siguro ay hindi ko maintindihan ang pinagsasasabi niya ngunit ngayon ay kaya ko ng makaunawa at makipagsabayan

"Mukhang masarap ang tatanghalianin natin ah, nakakatakam naman" nakangiti kong sabi habang nakatitig sa mga pagkaing dala nila

"Syempre Azulan magsasaya tayo ng bongga ngayon kaya dapat fully charge ang tiyan natin" sabi ni Janna habang nagluluto ng paborito niyang spaghetti, ang bango naman

"Naayos ko narin ang pagtatayuan natin sa labas malapit sa dagat para presko ang hangin at maganda ang view" sabi naman ni kuya Jeff na nag luluto ng adobo, ang isa pa sa pinaka paborito ko.

Dahil sa sobrang pagmamahal nila sa akin ay ni minsan mula ng malaman nila ang tunay kong katauhan ay hindi na sila Kumain ng kahit anong lamang dagat dahil ayon sa kanila masasaktan daw ako kapag kinain nila ang mga nilalang na parte ng aking buhay.

"Guys picture muna tayo bilis pang IG lang" agad naman kaming nag pose sa harap ng camera ng kaniyang cellphone

"1,2,3 Smil-"

"Sali ako sandali" sigaw ni Maliah palabas ng kwarto, basa ito at balot na balot ng tuwalya. Natawa nalang kaming lahat sa kaniyang inasal

"Sige na halika, ikaw talaga hindi ka papahuli lagi" natatawang saad ni kut Jeff

***********

Nandito kami ngayon sa labas malapit sa dagat at nagkakasiyahan. Umarkila si kuya Jeff ng videoke na kasalukuyang kinakantahan ni Janna, saan kaya siya nakuha ng lakas ng loob? Dinaig pa ang lasing

The Mafia's Mermaid Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon