Sugat na Ikaw ang Peklat |11|

4 1 0
                                    

'SUGAT NA IKAW ANG PEKLAT'
By: _jing


Hinanay ang bawat salita,
Pinag dugtong dugtong ang talata,
Upang makabuo ng magandang tula,
Na tugma sa pag-ibig nating nasira...

Oo, ako ito mahal ko tanda mo paba ang ating kwento? na kahit iayos pa ang kabanatang binuo di parin ako ang pipiliin mo.

Nang ang langit ay magpaulan ng hinagpis
Tila ang buhay ay nagmistulang mabangis,
At sumabay sa ugong ng along nagtatangis
Kaya ba ang pighati ay ganito na lamang kalabis-labis?

Sapat na ang aking ginawa
Para pag-ibig mo ay 'di mawala
Sapat na ang aking binigay
Para hindi kana sa'kin humiwalay
Pero bakit hindi parin sapat
Bakit binigyan mo pa ako ng malalim na peklat,
Sa paglisan mo nanatili itong sugat
Na sa puso ko'y mananatiling nakabakat.

Gunita sa Tinta: Koleksyon ng aking mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon