AUDREYGabi na at patuloy pa rin kami nagb-bonding since ang last naming bonding is 'yong nagbar kami.
Nanood at nagkwentuhan ang ginawa namin maghapon pero may balak mag-inom sila Kristen gusto ko sana tumanggi kaso baka sabihin na naman nila ang kill joy ko.
Bakit ko nga ba ulit naging kaibigan 'tong mga ito?
"Guys, paki abangan 'yong ide-deliver na wine mamaya ah. Bathroom lang ako." Sumang-ayon kami at nagkanya kanya muna kami.
Sila Amber at Beatrice may kanya kanyang mundo habang ako pumunta sa terrace ng condo ni Kristen.
Since nasa 20th floor kitang kita kung ano ang nasa baba mula dito.
Habang nagmumuni-muni ako nakarinig ako ng doorbell kaya nilingon ko kung may nagbukas naba ng pintuan pero busy pa rin 'yong dalawa kaya no choice ako. Kaya pumunta nalang sa pintuan upang buksan.
"Here's the wine to Miss Kristen, Ma'am. Are you Kristen DelaVega?" May ngiting sambit ng lalaki kaya ngumiti at umiling ako rito.
"I am not Kristen po but I'm her friend." Tumango ito at binigay na sa akin ang wine napabuntong hininga ako. Buti nalang sabado bukas.
Papasok na sana ako sa pintuan ng makita kong bumukas 'yong pintuan sa harapan at bumungad sa akin si Bada may kasamang babae at nagtatawanan.
Napataas ang kilay ko dahil sa bumungad saakin nawala naman ang ngisi ni Bada ng makita niya ako.
Tinignan ko sila mula ulo hanggang paa. Nakaakbay dito si Bada habang namumula naman 'yong kasama nitong babae. Inalis naman niya yung pagkakaakbay nito sa babae ng makitang doon ako nakatingin kaya mas lalong tumaas kilay ko.
"Oh, tingin-tingin mo dyan? Happy? Happy kayo?" Singhal ko
Napakamot naman sa batok si Bada at tumukhim bago magsalita.
"We're just you know.. talking with something. Wala naman masama doon?"
"Tsk, Tinanong ko ba anong pinaguusapan niyo?"
Napailing ito sa tinugon ko at tinitigan ako ng mabuti.
"Eh ano naman sa'yo kung masaya kami?Are you jalosi?" napaismid ako sa sinabi niya ngunit nalito sa huli.
"Anong jalosi? Pinagsasabi mo? Atsaka wala akong pakialam kung masaya kayo."
"Tsk, wala 'to. Hindi alam. Jellyace? Jealous in tagalog nagseselos." Kibit balikat niyang saad tapos kinausap saglit 'yong kasama niya at umalis na ito humalik pa talaga sa pisnge niya, atsaka ganoon din ito kaya mas lalo sumama pagmukmukha ko sa nakita.
"Anong selos? Ako nagseselos? Sino kaba? Tsk. Akala mo kung sino. D'yan na nga kayo! Magsama kayong dalawa. " at padabog na sinarado ang pinto
Geez, bakit ganon ka umasta Audrey? Nakakahiya.
Napaface palm ako sa inakto ko nang marealize kung ano ang ginawa ko.
Ang rude ng ginawa mo Audrey!
"Oh, nandito na pala 'yong inorder kong wine! Mamaya meron pa akong inorder hindi sapat sa atin 'yan." Masayang sambit ni Kristen
Kinuha niya na sa'kin 'yong wine at nagsimila na kaming magayos para sa inuman mamaya anong oras na rin eh.
"Btw, guys I invited someone! Guess what?" Kinikilig niyang sambit kaya nagtataka kaming tatlo dahil tila'y parang kiti kiti ito
"Sino?"
"Who?"
"Is it a boy?"
Ngunit umiling lang ito
BINABASA MO ANG
Love In This Club
RomanceGL Shortstory I'm finding it hard to believe! Why am I even here? Are these really my friends? They should know I'm not into this! It's embarrassing! They look so happy, laughing with flushed cheeks. This is my first time at the club, and I'm unsure...