AUDREYNagising ako dahil sa alarm clock ng phone ko at napapikit ng mariin dahil sa liwanag sa kwarto atsaka dahil sa sakit ng ulo.
Gosh, Hindi na talaga ako iinom!
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nilibot ang tingin sa kwarto na sa guest room pala ako.
Kailangan kong uminom ng pampatanggal ng hangover, never na talaga ako iinom kahitanong okasyon pa 'yan.
Never again!
Dahan-dahan naman akong tumayo sa kama habang hinihilot ang sintindo ko atsaka binuksan ang pinto upang maghilamos sa kabilang cr kasi sira dito sa guestroom kaya pupunta ako sa labas.
Paglabas ko ay pikit-matang naglakad katabi ng kitchen kasi ng condo ni Kristen 'yong pangatlong cr dito. Nakarinig ako ng tawanan sa kusina.
"Kaya nga. Kung ako sa'yo Amber gora na! I-grab mo na 'yan." At nag-tawanan ulit sila nakarinig ako ng hindi pamilyar na tawa kaya napatingin ako roon.
Nanlaki ang mga mata ko parang bigla nawala 'yong sakit na nararamdaman ko ng makita ko si Bada na nagluluto kasama si Kristen na naghihiwa ng kung ano man.
Parang naistatwa naman ang mga paa ko ng maalala ang nangyari kagabi. Tila'y namutla dahil sa kahihiyan.
"Hey, Aud! G'morning." Bati ni Kristen ng mapansin akong nakatayo rito kaya nagsilingunan naman si Bada at Amber.
"Morning, Aud! Magayos ka nga!"natatawang sambit ni Amber
"Good Morning, Audrey." Matamis na ngiting bati sa akin ni Bada
Tinignan ko siya at nakasuot itong pink apron habang pangloob nito ay naka-big shirt na white at nakapuyod.
Namula ako sa hiya ng mapagtantong kagigising ko lang walang hilamos, toothbrush, pagsuklay ng buhok at most especially baka may muta pa! Kaya tumalikod ako ng ni isang walang binati at mabilis na tumakbo pabalik sa guest room.
Damn, It's so embarrassing!
Hindi ko alam kung ano pa ang mukhang maihaharap ko sa labas! Paano ba'to?
What to do?!
Maya-maya lamang may kumatok sa pintuan at bumukas ito bumungad sa akin ai Kristen.
"Gurl, wala ka bang balak lumabas dito? Handa na ang breakfast natin." Tila'y may pangasar sa tono ni Kristen kaya sinamaan ko 'to ng tingin.
"Oh, ba't ganyan ka makatingin?" Natatawang aniya
"Nandyan pa ba s'ya?"
"Aba'y oo siya na nga nagluto syempre dito 'yon magbbreakfast. Atsaka, need mo magapologize sa kanya since sa nangyari kagabi. Naalala mo ba?" Kaya napaismid ako
"Hindi ako kakain. Kayo nalang." Pagiinarte ko. Ano ba ayaw ko lang siya makita dahil nahihiya ako. Kainis.
"Na-uh. Magaalmusal tayong lahat ng sabay. Atsaka kagabi ko pa napapansin Audrey ah. Napaka-rude mo kay Bada." Biglang seryoso sabat ni Kristen. Kinabahan ako ang observant talaga ni Kristen. Lahat napansin niya. Anong gagawin ko?!
"Anong rude? Hindi naman." Deny ko.
Napailing naman ito.
"Umamin ka nga Audrey. May something ba senyo?" Agaran akong umiling sa tanong niya.
"Huh?! Wala. Walang something! Ano ba 'yang pinagsasabi mo! Kristen, mangilabot ka nga!"
Nauutal kong saad"Are you sure? Walang something? Or ikaw ang may something kay Bada?" Lumuwa ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Kristen havang umiiling iling sa kanya. Nanginig ang mga kamay ko at nakita iyon ng mga nanunuring mga mata ni Kristen.
BINABASA MO ANG
Love In This Club
RomanceGL Shortstory I'm finding it hard to believe! Why am I even here? Are these really my friends? They should know I'm not into this! It's embarrassing! They look so happy, laughing with flushed cheeks. This is my first time at the club, and I'm unsure...