AUDREY
Ilang days na ang nakakalipas simula nang mangyari yon. I kinda miss her. Ewan ko ba, parang hinahanap hanap siya ng mga mata ko. Atsaka, hindi pa rin ako nakakapag-apologize sa kanya. Wala akong lakas na loob upang humingi ng sorry at the same time hindi ko alam kung paano ko s'ya patutungohan.
Attracted ba ako sa kanya? Or Crush lang naman 'to? Or na love at first lap dance ako? Eme. Nacurious talaga ako sa nararamdaman ko. I know na sa sarili ko straight pa ako sa ruler pero naalala ko may nababaliko rin palang ruler. Aaa. I don't know what to do.
Napabuntong-hininga ako.
" Lalim non ah."
Napabalik ako sa reyalidad at napatingin sa harapan hindi ko namalayang napatulala ako habang nagpupunas ng mesa dito sa shop.
Ang kanina ko lang iniisip ay nasa harapan ko na. Wtf.
Nanlalaking mga matang napaatras ako sa kinatatayuan ko pero napatid ako kaya napapikit nalang ako at inaantay ang pagbagsak sa sahig, pero ilang segondo akong nagantay ngunit ang naramdaman ko nalang ay mainit na mga brasong yumakap sa akin.
Kaya napadilat ako ng mga mata at umuwang ang mga labi.
Nagkatitigan kaming dalawa at tila'y may mga paro-paro sa aking tyan. Ang ganda at bango niya talaga. Ganon rin s'ya nakatitig rin saakin pero mas napansin ko ang tagal ng titig niya sa mga labi ko kaya na conscious tuloy ako, kaya binasa at napakagat ng labi nalamang ako.
Kita kong napalunok siya. Masyadong malapit ang aming katawan sa isa't isa. Unting tulak lang sa kanya ay mahahalikan niya na ako.
Wala sa oras din akong napatingin sa mga labi niya. Mapula ito at tila'y nangaakit na halikan ko ito. Kaya napalunok rin ako ramdam kong uminit ang aking mukha sa pangyayari.
"Ehem.." wala sa oras ko siyang naitulak nang may marinig na pekeng umubo sa likod niya at tuluyang bumagsak ako sa sahig dahil sa ginawa kong pagtulak rito. Napangiwi ako sa pagbagsak ko at ang sakit ng bewang at pwetan ko.
"Audrey!"
"Hala!"
Rinig kong mga sambit ng tao sa paligid. Sino ba kasi yung pekeng umubo. Kaya inangat ko ang aking tingin habang nakangiwi pa rin. Si Gelo lang pala kaya sinamaan ko'to ng tingin.
Habang si Bada ay tinutulungan akong makatayo ngunit masakit talaga.
"A-aray." Naluluha kong sambit
"Aud, ayos ka lang ba? Asan ang masakit?" Nagaalalang saad ni Bada kaya sa kanya naman bumaling ang masasama kong tingin.
"Seryoso ba 'yang tanong mo Bada? Nakita mo namang bumagsak ako ano? Bitawan mo nga ako!"
Tinabig ko ang kanyang kamay since inaalalayan niya ako pero napahawak din sa mesa ng pinilit kong tumayo ng tuwid. Ngunit, babagsak ulit sana pero nasalo ulit ako ni Bada at tuluyan ng napaiyak.
"Shit." rinig kong sabi niya at binuhat ako ng pabridal style at nagumpisa ng maglakad palabas ng shop nakaalalay rin samin si Gelo.
Nakarating kami sa kotse niya na nakapark pala sa labas ng shop at binuksan ni Gelo ang pintuan atsaka dahan dahan akong ibinababa ni Bada sa passenger seat. Kaya wala sa oras na napatuwid ulit ako ng upo dahil nilagyan niya ako ng seatbelt pero napangiwi ulit ako sa sakit.
Nagaalala naman siyang napatingin sa akin kaya napatingin ako sa mga mata niya, mababasa mo roon ang pagaalala, at parang sinisisi ang sarili niya sa nangyari pero wala sa sariling napahawak ako sa pisnge niya.
"Shh, wag mong sisihin ang sarili mo." at binigyan ko siya ng tipid na ngiti nagaalinlangan man pero tumango siya saka nagpaalam kay Gelo. Rinig ko pa ang paghingi ng sorry ni Gelo kaya sinabihan ko siyang okay lang.
BINABASA MO ANG
Love In This Club
DragosteGL Shortstory I'm finding it hard to believe! Why am I even here? Are these really my friends? They should know I'm not into this! It's embarrassing! They look so happy, laughing with flushed cheeks. This is my first time at the club, and I'm unsure...