Kabanata 2

0 0 0
                                    

ERRORS AHEAD

-
-
Ang sabi nila natatakot daw silang gumawa ng masama kapag ako ang kaharap nila dahil nga daw kamukha ko ang santo niño, 'yan ang sabi ng mga nurse sa paligid ko noon.

Mahaba na kulot ang buhok ko pero hindi siya katulad ng pangkaraniwan na kulot, pa-spiral ang pagkakulot nito na kulay itim. Maliit na bilog ang mukha ko, Bilog na bilog din ang mga mata ko. Dark brown na may mahahabang pilik mata na kasing-itim ng buhok ko. Para nga raw akong naka-eye liner na sinabayan pa ng parang inaantok kong mga mata. Well, thanks to my ancestors. Maliit na matangos din ang ilong ko na bumagay rin sa hugis ng mukha ko, pero ang bibig ko ay maliit pero med'yo malaki ang nasa babang parte nito.

Maputi ako pero ang tamang describe siguro ay cream ang kulay ko. Hindi rin ako katangkaran, pero siguro tatangkad pa ako dahil bata pa naman ako. Hindi rin ako makinis. Kung hindi niyo kasi naitatanong, mabalbon ako. Makapal ang kilay ko na nagsasalubong sa may bridge ng ilong ko. May maliliit at manipis na balahibo sa gilid ng mukha ko at gano'n din sa baba ng ilong ko. Kumbaga parang bigote.

Kung titingnan nga sa repleksyon ko ay malaki ang pagkakahawig ko sa mommy ko, ayon sa picture na mayroon ako sa maliit na wallet.

Bumuntong hininga ako at tumalikod na sa salamin at nagsuot na ng puting bestida. Balak ko sanang maglakad-lakad habang maaga pa. iilan lang kasi ang naaalala ko sa lugar na ito kaya nagbabakasakali akong may maalala kahit konti lang.

Nilingon ko muna ang malawak na sala at ang hagdan bago ko ni-lock ang bahay. Sanay naman akong mag-isa pero ngayon, ramdam ko ang pangungulila. Mag-isa lang kasi ako sa magarang bahay na ito at tanging care taker lang na naghahatid ng pagkain ang nakakasama ko.

Ang sabi ni tita Gladys may pupunta raw dito para maglaba ng mga gamit ko at maglinis sa bahay pero the rest, ako nalang mag-isa.

Napabuntong hininga nalang ako tumalikod na. Hindi naman na ako naghahangad ng magulang dahil lumaki naman na akong ganito na wala man lang ni-isang magulang ang umantabay saakin, sapat na rin saakin ang iilang mga taong nag-aalala kapag ako ay may sakit at hindi ako kumakain ng marami.

Alas sais palang ng umaga kaya wala pang mga bata sa daan at hindi pa naman school days kaya malamang naghihilik pa ang mga iyon sa kanilang higaan.

Nginingitian ko ng tipid ang mga ginang na nagwawalis sa kanilang bakuran kapag napapatingin sila saakin.

Sinisipa ko lang ang bato na nadaanan ko kanina ng makita ko sa kalapit bahay namin ang batang walang damit at may hawak na tasa. Nasa labas siya ng maliit na gate nila habang kausap ang isa pang batang lalaki na nakasampay naman ang damit sa balikat.

'ke aga-aga wala silang mga damit? Hindi ba sila nilalamig?

Akmang lalampasan ko sila nang magsalubong ang mga mata namin ng batang may hawak na tasa.

Siya iyong bata na nahimatay pagkatapos kong kausapin!

Tipid ko lang siyang nginitian habang nanlalaki ang mga mata niyang nakasunod saakin.

"Insan, patay na ba ako?" Rinig kong tanong niya sa kasama niya.

Iniiwas ko ang aking paningin at nag-diretso sa paghakbang. Napanguso namang ako ng mahagip sa peripheral vision ko ang med'yo nakaawang niyang mga labi.

"Bakit?" Ramdam ko ang paglingon ng kausap batang lalaki saakin. 'Yong batang lalaki na nasa balikat ang damit.

"Nakikita ko na si Sto. Niño eh!" Halata sa boses nito ang pagkamangha na hindi maitatago.

Binilisan ko ang paglalakad. Siguro dahil sa suot ko ngayon, white floral dress ang suot ko at white wedge flip flops ang suot kong pang-sapin saakin mga paa.

DS #3: The Demon's EcstasyWhere stories live. Discover now