053

17 2 0
                                    


Napatigil ako sa pag-scroll sa phone ko no'ng may nag-doorbell. Nand'yan na si Johan, and that realization caused a rush of emotions to sweep over me, a heady mixture of excitement and nervousness.

Mabilis akong tumayo tapos kumaripas ng takbo papuntang bathroom. Pagkapasok ko sa loob, agad kong binuksan 'yong ilaw at tiningnan 'yong sarili ko sa salamin.

Okay naman 'yong itsura ko; naka-low ponytail lang ako tapos suot ko ang isang brown na apron. Sa ilalim naman nito ay isang white t-shirt.

Nang makumbinsi na ako sa itsura ko, pinatay ko na 'yong ilaw tapos mabilis na tumakbo papunta sa pinto. Huminga ako nang malalim at saka ito binuksan.

Nagpalit lang ako ng slippers na panglabas tapos naglakad na papunta sa gate. Habang naglalakad, nakita ko naman si Johan na nakatingin sa ibang direksyon. May hawak siyang paperbag ng McDo tapos nakasakbat naman sa likod niya 'yong kanyang gitara at bag.

Ang cool niya lalong tingnan pag may nakasakbat na gitara sa likod niya. I said at the back of my mind.

Napatingin naman siya sa'kin nang mapansin niyang papalapit na ako.

Binuksan ko 'yong gate, and as Johan came into full view, a warm smile graced his face. "Hey."

I smiled back. "Hi! Tara, pasok ka." Tumabi ako sa daan para makadaan siya.

After niyang pumasok ay isinara ko na 'yong gate. Tapos, nagsimula na kaming maglakad papalapit sa bahay.

Tumingin ako sa hawak niyang paperbag. "Ano 'yan?"

"Fries. For you," sagot ni Johan.

Kumunot 'yong noo ko. "Ha? 'Di naman ako nagpabili sa'yo, eh."

He shrugged. "Wala lang, baka lang gusto mo. If ayaw mo naman, sa'kin na lang," Johan replied then flashed a comforting smile.

Tumango-tango ako. "Okaaay."

"Kuha lang kita slippers," paalam ko after naming makarating sa porch.

Pumasok ako sa loob tapos kumuha ng slippers. Agad ko naman 'tong binigay sa kanya pagkalabas ko.

After isuot ni Johan 'yong slippers, pumasok na kami sa loob ng bahay tapos isinara ko naman 'yong pinto. Napansin kong luminga-linga si Johan.

"Nasa'n parents mo?" tanong niya.

"Nag-grocery. Actually, kaaalis lang nila. Alam din naman nilang pupunta ka dito," sagot ko.

Tumango-tango si Johan. "Mhm."

"So, tara na sa kitchen?" I asked, motioning in that direction with my thumb.

"Yeah, sure. Tara," sagot naman niya tapos pinatong 'yong mga dala niya sa sofa.

I then made my way to the kitchen, Johan following behind. And as we arrived, everything we needed was already arranged on the preparation table.

"What will I do pala?" tanong ni Johan while looking at the ingredients.

I smiled playfully. "Ikaw mag-be-bake."

Napalingon naman siya sa'kin dahil sa gulat. "Me?" tanong niya habang nakaturo pa sa sarili niya.

Napatawa ako. "Oo. Don't worry, i-ga-guide naman kita, eh."

"Sabi mo sasamahan lang kita?" natatawa niyang tanong then playfully pinched my right arm.

Napatawa ako, inalis ko naman 'yong kamay niya sa braso ko. "I changed my mind, eh. Dali na! Para mas masaya. I-video rin natin," suggest ko tapos kinuha 'yong phone ko sa pocket ng suot kong apron.

Love Beyond Expectations (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon