059

14 2 0
                                    

Nandito ulit ako sa room namin. Katatapos ko lang maligo kaya nagsusuklay ako ngayon.

Sumulyap ako kay Hannah na kapapasok lang dito sa k'warto. "Sis! Let's go na, dinner is ready."

"Just a minute."

Hindi naman sumagot si Hannah at bagkus ay umupo lang sa kama ko.

"Nakausap mo na ba si Johan? Nakita ko kayo kanina na nag-je-jetski," Hannah started.

"Not yet, I don't think it's the right time either."

"Bakit naman?" she asked.

"I don't wanna make this day about myself, Hannah. It's your day, we should be enjoying ourselves and doing what you want," paliwanag ko.

"Gusto ko jowain mo na kapatid ko."

"Huy!" agad na saway ko sa kanya, napatakip naman siya ng bibig. May ibang tao kasi rito sa k'warto.

"Ang ingay mo," reklamo ko. Tumawa lang naman siya.

Maya-maya'y natapos na ako sa pagsusuklay kaya itinabi ko na 'yong suklay ko sa bag.

"Tara," aya ko kay Hannah.

Lumabas na kami ng k'warto tapos dumiretso sa beach, do'n daw mag-di-dinner.

Tahimik lang kaming naglakad. Mga ilang sandali pa ay nakarating na kami. Once again, namangha na naman ako sa nakita ko. There were low-slung tables draped in white and earthy textiles, surrounding them were white pillows and cushions resting on vibrant rugs. Mayro'n ding mga string lights na nakapalibot, casting a soft glow on the surroundings.

Marami pa ring magagandang dekorasyon ang mapapansin, collectively creating a magical haven. Grabe, ang yaman talaga nina Hannah para ma-afford ang lahat ng 'to.

"Sa'n mo gusto umupo?" tanong ni Hannah.

"Ikaw bahala," sagot ko naman.

"Do'n na lang tayo sa mga kaklase natin, 'di ko sila masyadong nakasama kanina sa party, eh."

"Alright," sagot ko, tapos naglakad na kami papalapit sa table ng mga kaklase namin.

Sinalubong naman kami ni Tita Jhona. "Nandito na pala kayo. Hannah, kumuha na kayo ng pagkain do'n," sabi ni Tita Jhona tapos tinuro 'yong mahabang buffet table na puno ng pagkain.

"Okay po," sagot naman ni Hannah.

Pumunta na kami sa buffet at saka kumuha ng mga utensils. Natanaw ko naman sina Johan na nag-ja-jamming kasama ang mga kaibigan niya.

Ang galing kumanta ni Viviana. Umiwas na lang ako ng tingin at saka nagsimulang kumuha ng pagkain.

Matapos naming kumuha ng pagkain ay pumunta na kami ni Hannah sa table ng mga kaklase namin. Nagsimula na kaming kumain at makipagkwentuhan sa mga kaklase namin.

Lumipas ang oras at natapos na kaming lahat sa pagkain. Napagdesisyunan naman nilang maglaro ng truth or dare. Gusto ko sanang tumanggi kaso ayaw ko namang maging KJ, ako lang pati 'yong maiiwan sa'min.

Nagsimula na silang maglaro. Maya-maya'y sa'kin naman tumapat 'yong bote kaya bigla akong kinabahan.

"Truth or dare?" tanong ni Ashley.

"Mhmm, dare," sagot ko naman.

"Mag-holding hands kayo ni Charles for thirty seconds," Ashley dared. Naghiyawan naman 'yong iba kong kaklase. Napansin ko namang hindi natuwa si Hannah base sa reaksyon niya.

"Iba na lang, 'wag 'yan. That'll make Viv uncomfortable," sabat naman ni Charles no'ng 'di agad ako naka-imik.

Wala namang kaso sa'kin 'yon kasi magkaibigan lang naman kami ni Charles. Kaso, iniisip ko si...

Love Beyond Expectations (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon