Chapter 3

2.5K 95 15
                                    

Miller's Series 2
Drown Me with Your Kiss
"Darlene"
By...emzalbino

Salubong na ang kilay ni Jake sa kahahanap ng ginagawa nitong blue print ngunit talagang hindi mahanap hanap ito. Kuyom ang mga palad niyang tinungo ang sariling opisina at pabalibag nitong isinara ang pinto...."I know na ikaw Darlene ang kumuha nito at walang ng iba!" tiim bagang na wika ni Jake sa sarili saka napapikit ito at hinilot hilot ang kumirot na sintido dahil sa sobrang pagngingitngit at kahit na itodo nito ang kasisigaw sa dalaga ay useless dahil mas malakas pa ang boses nito kesa sa kanya.

...

Samantala nakikiramdam si Darlene sa bawat kaluskos ng paligid lalo na kay Jake. Kunwari ay padaan daan siya sa buong gusali at tinitingnan ang bawat mga sulok nito at ng mapadaan siya sa mismong tapat ng opisina ni Jake ay pinakiramdaman niya ang binata. Nang walang marinig na anumang kaluskos mula sa loob ay sumilip ito sa may peephole ng pinto at nakita niyang nakahawak si Jake ng lapis, measuring triangle at ang skitch pad.

Biglang parang kinurot ang kanyang puso ng makita nito ang sa nakitang iyon dahil alam niyang gagawa na naman ng panibagong blue print si Jake....."I should give it back to him" nai wika ni Darlene sa sarili saka dahan dahang umikot ng hindi sinasadyang nabangga niya ang janitor na may dala dalang trolley na naglalaman ng panlinis nito hindi niya alam ay dadaan pala sa kanyang likuran at dahil doon ay lumikha ito ng ingay kaya dali dali siyang tumalilis dahil narinig niyang may mga yabag na papunta sa may pinto, ngunit bago siya tuluyang lumisan ay sininyasan niya ang janitor na manahimik at tumango naman ito.

Agad na binuksan ni Jake ang pinto upang alamin kung ano ang ingay na iyon at ng pagbukas nito ay nakita niya ang janitor na si mang Ponce.


"Ano po ba ang nangyari mang Ponce? Ano po ba ang ingay na iyon?" tanong ni Jake sabay tingin sa paligid ngunit wala namang indikasyon na natapon o natumba ang trolley na dala dala ng matanda.

"Ah eh wa-wala iyon Sir Jake, naibangga ko lang sa pader itong trolley na dala ko" pagkakaila ni mang Ponce ngunit hindi kumbinsido si Jake dahil wala namang palatandaan ng anumang gasgas sa pader kaya tiningnan niyang muli ang matanda at kitang kita nito sa mga mata ng matanda ang pagkabalisa dahil alam niyang hindi sanay magsinungaling ito.


"Mang Ponce kilala ko po kayo, alam ko po kung nagsasabi kayo ng totoo o hindi" ani Jake kaya mas lalong pinamulahan ng mukha ng matanda.


"Pa-pasensiya kana sir Jake, si mam Da-Darlene po ang may likha ng ingay na iyon. Nabangga niya ang aking dala dalang trolley dahil saktong liliko siya sana ngunit hindi niya namalayan ang aking pagdating kaya nga po nabangga niya itong dala dala ko" paliwanag ni mang Ponce na ikinakunot ng noo ni Jake.


"Anong ginagawa niya sa harap ng pinto ko mang Ponce?" tanong ni Jake sa matanda.

"Ang nakita ko po kanina ay nakasilip siya sa may peephole at pagkatapos noon ay iyon nga aalis na sana siya ng makabanggan niya ako" salaysay ni mang Ponce.


"Ah ganoon po ba? Okay mang Ponce, sige po at salamat" nakangiting turan ni Jake sa matandang janitor saka tumango tango ito.


"Ngayon Darlene tingna ko kung makakalusot ka pa sa akin!" buntong hiningang sabi Jake sa sarili. Nang makaalis na si mang Ponce ay maingat na naglakad sa pasilyo ng gusali ng walang ingay na anong naririnig saka nagkubli sa isang tabi kung saan ay natatanaw nito ang opisina ni Darlene.

....

Binuksan ni Darlene ang drawer kung saan niya itinago ang blue print ni Jake. Kinuha niya ito at muling inayos saka naglakad papunta sa may pinto. Palinga linga siya sa labas ng pinto ng kanyang opisina at tinitingnan kung may tao sa paligid at ng makitang wala ay nagmamadali siyang naglakad papunta sa may faculty room at ang hindi niya alam ay may nakakita pala sa kanya at sa dala niyang puting papel.

MILLERS SERIES 2....Drown Me with Your Kiss..."Darlene"....by...emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon