Chapter 4

4K 124 65
                                    

Miller Series 2
Drown Me with Your Kiss
DARLENE
by...emzalbino
Chapter 4...

Nakabusangot ang mukha ni Darlene na naupo sa may sofa sa sala habang yakap yakap nito ang Mr. Bean booster niya. Wala siyang katulog tulog dahil umaga na sila umuwi ni Kate galing sa gimikan.

Iidlip na sana siya ng makita nitong paparating sa sala ang kanyang daddy Duane. Napasapo nalang siya sa kanyang ulo dahil alam niyang hinding hindi na naman siya makakatulog nito ng maayos.

"Daddy, hindi pa ba tapos ang pang se sermon niyo sa akin?" iritadong tanong ni Darlene sa ama.

"Anak, kailan ka ba magbabago? Your not kid anymore! Dalagang dalaga kana at anytime ay mayroon nang manliligaw saiyo but still you acting like a kid!" nag aalalang sermon n Duane sa bunsong anak nitong kambal.

"Daddy, I'm matured enough at alam ko ang ginagawa ko kaya wag na kayong mag alala ng masyado. And I'm not acting like a kid, I'm just enjoying my life! Diba sabi nga nila na maiksi lng ang buhay natin kaya dapat nating i enjoy habang  may pagkakataon pa. So, i did it! At kung sakaling mayroon akong mga taong nasasagasaan, maybe they just affected sa presensiya ko. And what was happened about Jake and me, ay isang bagay lang na nagpapatunay na hindi lahat ng mga babae ay kayang kayang paikutin ng mga lalaki sa kanilang palad. Remember, daddy that I'm big enough para pag alalahanan niyo ako ng ganyan!" sumbat ni Darlene sa ama nito.

"Iha, we're just worried about you! Hindi mo ba naiintindihan iyon?" maagap namang wika ni Margaux na noon ay naroroon narin at nasa likod nito si Darylle na iiling iling dahil sa katigasan ng ulo ng kakambal.

"Mommy, i know what I'm doing to my life!" iritadong sagot ni Darlene.

"If you really know what are you doing about! Why you did this to Jake huh! Ginawa mo siyang isang katawa tawa! Pinahirapan mo siya sa kahahanap sa kanyang blue print na kahit na alam mong napaka importanteng bagay ay nilakipan mo ng biro! Nakakasawa na ang ugali mong iyan Darlene!" nanggagalaiting turan naman ni Darylle.

"Sige! Pagkaisahan niyo ako dahil kahit kailan naman ay napakasama ko sa paningin ninyo! Never naman na pinuri ninyo ako, dahil ako ang black sheep sa pamilyang ito!..." emosyonal na sigaw ni Darlene at tumayo ito at deritsong nagmartsa pabalik ng kanyang kwarto saka ikinandado at doon ibinuhos ang sama ng loob.

"Humanda ka sa akin Jake dahil sa pagsusumbong mo kay Darylle!" nagbabantang bulong ni Darlene habang nag uunahan sa pagbagsak ang mga luha nito.
......

Ding dong....ding dong.....

Napabangon ng wala sa oras si Kate ng marinig nitong tumutunog ang doorbell ng kanyang condo unit. Tiningnan niya ang oras at alas otso ng umaga. Halos ilang oras palang siya nakakatulog kaya medyo antok na antok palang siya.

"Sino kaya ang  kay aga agang bisita kong iyan?" tanong ni Kate sa sarili saka isinuot ang kanyang roba para takpan ang suot nitong night dress. Nang makarating sa may pinto ay sumilip muna siya sa may peephole upang tingnan kung sino ang nasa labas.

Napataas ang kanyang kilay ng makilala ang nasa labas ng pinto at agad niya itong binuksan....."Come in!" Naghihikab pang sabi ni Kate....."Bakit ba ang aga mo?" tanong nito kay Darlene na abala sa pagngunguya ng chewing gum.

"Eh papaanong hindi ka lalayas sa bahay eh pinagtutulungan nila ako!" nakaingos na sagot ni Darlene saka dumiretso sa sofa at ibinagsak doon ang  sarili nito.

"May dahilan ba sila para pagalitan ka?" nakataas ang kilay na tanong ni Kate sa kaibigan dahil kilala na niya ang buladas nito.

"Nagsumbong kasi ang Jake na iyon eh!" sagot ni Darlene saka iniunat ang likod sa may sofa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MILLERS SERIES 2....Drown Me with Your Kiss..."Darlene"....by...emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon