Chapter 1

3.8K 69 1
                                    

MILLERS SERIES 2
DROWN ME WITH YOUR KISS
"DARLENE"
By....emzalbino


Hayun na naman at mataas na ang haring araw ngunit si Darlene ay nananatiling nakabaluktot sa kanyang kama habang ito'y nakatalukbong ng kumot,..Napapabuntong hininga sabay kamot ng ulo si Margaux dahil kada umaga nalang ay siya ang nagsisilbing alarm clock ng kanyang bunsong anak...

"Darlene! Darlene! Gising na at tanghali kana sa opisina!.....yugyog ni Margaux kay Darlene na ungol lang ang isinagot nito at ni hindi man lang gumalaw sa kanyang higaan..

"Ano kaba Darlene! Kung hindi lang nasa bakasyon ang kakambal mo ngayon eh hindi ka sana aabalahin ng ganito dahil alam naman naming hindi mo gusto ang pamahalaan ang negosyong ipinundar ng iyong ama. Just wait for your brother to come back para siya nalang ang mamahala ng lahat dahil ni hindi ka man lang maasahan sa mga ganitong bagay!......sermon ni Margaux sa anak na siyang nagpabangon dito...

"Eh bakit pa kasi umalis alis para mag honeymoon eh buntis na nga si Eloisa!.....nakasimangot na turan ni Darlene saka napasandal sa kama...

"What! How could you say that anak? Karapatan nila iyon bilang mag asawa kaya wag mong hahadlangan ang kanilang kaligayahan! Baka pag ikaw ang nasa katayuan nila ay mas grabe ka pa! Ni baka kahit man lang sa phone ay ayaw mong maabala!.....iiling iling na sabi ni Margaux.

"Of course dahil kung sakali man na ako ang nasa honeymoon ay naka turn off lahat ng mga gamit ko maging ang intercom ng hotel na aming tutuluyan ng magiging asawa ko kaya ngayon palang mommy tandaan mo iyan!......maya maya ay sabi ni Darlene na may ngiti sa kanyang labi...

"Ewan ko lang sayo! If i know na wala ka namang boy friend kaya papaano ka makakapag asawa eh wala naman yatang nanliligaw sayo".....napapangiti nang sabi ni Margaux sa kanyang anak..

"Just wait and see mommy dahil hindi magtatagal ay makikilala mo na ang future son in law mo!.....may pagmamalaking saad ni Darlene..

"Weeehh ang yabang mo eh wala ka namang manliligaw!....muling wika ni Darlene..

"Dahil naaalangan sila sa beauty ko, because they knows na masyado akong maganda para sa kanila kaya hanggang tingin nalang ang mga guys".......

"Anak alam mo kung magiging kilos babae ka lang, iyon bang medyo girlie ang dating at itikom mo kunti iyang bibig mong prangka ay maraming aakyat ng ligaw sa bahay natin! Pero naiilang ang mga guys dahil sa style mo eh! Bawasan mo akya ang pagiging pilya mo para maging seryoso ang mga tao sa paligid mo?.....pahayag ni Margaux kay Darlene..

"Mommy alam mo, kung talagang mahal ako ng isang lalaki, he will appreciate all my tantrums, all my stupidity and all my mistake dahil nga sa mahal niya ako but if sa isang mali ko lang ay aayaw na agad, it means he doesn't care about me!.....ani Darlene saka nagkibit balikat na tumayo sa kanyang kama..

"So what do you mean by that?......tanong ni Margaux..

"I will wait my prince to come over but if he won't come on time, i'll be the one to give move and catch him!.....pakindat kindat na turan nito sa ina..

"That's what you are Darlene! Lahat ng bagay sayo ay puro kalokohan kaya hanggang ngayon ay heto ka laging ganyan nalang araw araw ang nangyayari sayo! Kung hindi ka gisingin aabutin ka ng paglubog ng haring araw at kung hindi naman ay andun ka sa mga kaibigan mo! Haaaayyy anak time is passing by,so please spend it wisely hindi iyong nasasayang nalang na wala ka man lang nagagawang tama!......sermong muli ni Margaux sa anak saka tumalikod ito at iniwang nakapamewang ang sutil nitong bunso...

"Hmm iyan ang akala mo mommy! One day magugulat kana lang na mayroon na akong boy friend".......bulong ni Darlene saka ito dumeritso sa banyo upang maligo...

MILLERS SERIES 2....Drown Me with Your Kiss..."Darlene"....by...emzalbinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon