--
"Kyaaaaah ! ate,eksayted na ako sa darating na 1st grand alumni natin, miss na miss ko na ang mga timang Kong BFF."
"haha.timang talaga! Ako din anu,After 6 years magkita-kita na kami ng mga kabatsmeyt ko."
"naman ate,maging si papang,mamang at mga kapitbahay natin at eksayted na din sila ,hamakin mo simula 1975 hang gang 2015 ,grabe ! Siguradong masaya 'to ate Jeana!"
"Eksayted much!"
"ma-eksayted much ka talaga 'te kasi nga uuwi si mac-mac-mac haha!"
"Hah!sinong mac-mac-mac? Yung bang commercial sa teeve?anu bang kinalaman nun?"
"Naku! Mahina talaga ang WiFi kaya loading tuloy,yung Hello Crush mo,do you remember?"
"Si-si Marco?"
"Mabuti't alam mo ,siya nga! Nakita ko sa post niya sa FB kahapon na uuwi daw sya dahil a-attend din siya ng grand alumni."
"Sure ka uuwi sya?"
"Ay hindi ,babalik na sya sa Saudi!"
"Jenny naman eh, diba 4 years ang contract nya sa Saudi bilang engeenir,e mag to-two years palang. "
"Abah yan kasi e-block block pa kasi sa fezbuk tapus magtatanong , Pero infairness ate eksayted na ako sa pagkikita nyo ! bwahaha. "
"Heh !manahimik ka nga !"
"Mac-mac-mac-mac-mac-mac-mac-mac-mac !" Nang aasar nyang sabi na ginaya ang ginagawa nung bata sa commercial sa teeve( yung sa mcdo )
"Isa ! Jennytot hah !" Nagpout lang sya bago umalis .
Si Marco Patiňo , Sya lang naman ang ultimate crush ko noong elementary hanggang highschool . Sya rin ang dahilan kung bakit palagi akong nasa top10 noon, at kung bakit hanggang ngayon NBSB parin ako. Sa sobrang dead na dead ako sa kanya gumawa ako ng paraan para mapansin nya . Nagmessage ako sa kanya thru Facebook .At sinabi ang matagal kong tinatago-tagong feeling para sa kanya ,walang preno iyon ,straight to the point na!
Parang gumaan ang aking pakiramdam dahil nasabi ko na ang feelings sa kanya.Eksayted na din ako sa maging reply nya .
Pero kinabukasan ,bumulaga sa news feed ko ang ipinadala Kong mensahe kay Marco . Naka screenshot iyon .Maraming nagkomento sa post ko na iyon . Karamihan ay mga negatibo. Umiyak ako sa sobrang kahihiyan. Sinisi ko ang aking sarili dahil masyado ko nang pinababa ang pagkatao ko. Wala manlang akong palabra-de-honor. Nalimutan ko yata na babae ako ,na ako pa ang may lakas na loob na manligaw. Labag din sa kalooban na bin--block ko sya. Iyon lang ang naisip Kong magandang sulosyon. Nagtatalo ang ang puso at ang isip ko paminsan minsan dahil gusto ng puso ko na makita siya ,pero malaki ang pagtutol ng isip ko na 'Huwag'. Pero ngayon wala na yatang iwasan na mangyayari dahil sa madali't malaon ,magkikita na din kami.
Dumating na ang araw ng alumni . Halos hindi ko na makilala ang mga dati Kong kaklase. Ibang-iba na sila sa dati. Karamihan sa kanila ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Magaganda't mga ga-gwapo sila. Walang katapusang kwentuhan ,kuhaan ng picture at kulitan. Pagkatapos ng napakahabang parade ay nagsimula na ang mga palaro. Volleyball, palosebo ,stop dance ,limbo rock ,siki-siki atbp. Magla-lunch na kami ng magsalita ang emcee na may ibibigay silang sorpresa para sa amin. Bubunot ng 20 na pangalan na inilagay namin kanina sa box. Ang masuwerting mabunot ay pwedeng mamili ng prizes na gadgets,appliances at cash. Mas mabuti kapag naunang mabunot ang iyong pangalan para malaya kang makapili.
"Hanubayan,pang-siyam na ang tatawaging winners,Pero Hindi pa tinatawag ang name ko!"reklamo ng batsmeyt ko.
"Asa ka pa,sa dinami-rami ba natin,maswerte na matawag ang pangalan natin"sabad ng isa. "Hay naku,nakakastress talaga!"
![](https://img.wattpad.com/cover/42254955-288-k766600.jpg)