--
Ito na yata ang pinakamalalang tampuhan namin ng syota kong si Stephanie.I mean,hindi tampuhan ang tawag ko dun kundi away. Nagsimula ito noong June 5 NBA Finals,kasagsagan iyon ng Game 1,Cavs vs. Warriors.
Golden States Warriors siya,Cleveland Cavaliers ako.Kay LeBron James ang loyalty ko.
Biniro ko lang naman siya"nangangamoy na ako ng panalo,siguradong Cavs ang magiging champion nito"
Nagalit agad"Golden States Warriors ang 2015 NBA champions"
Pikon,simula nun hindi na niya ako kinibo,ni hindi man lang siya tumawag,nagte-text o kaya pumupunta dito sa bahay.
Kahit may pustahan kami 'wag naman sana niyang personalan.Kapag mananalo ang team niya,bibilhan ko siya ng t-shirts/jersey na original ni Stephen Curry.
Ganoon din sa akin..
Kapag mananalo ang Cavs bibilhan din niya ako ng Jersey ni LeBron James.
Nakapagtataka dahil hindi naman ganoon si Stephanie.Mapagpasensyahin siyang tao kaya nga kami tumagal ng limang taon.Di tulad sa mga ex-girlfriend ko na hindi man lang umabot sa isang taon.Mapride akong tao,kaya walang nagtagal na girlfriend sa akin.Si Stephanie lang ang nagtagal.Kahit nagtatampuhan kami minsan,siya ang unang nakikipag-ayos kahit kasalanan ko pa iyon.
Kahit si mama ay nagtatanong na rin tinatanong kong nagkatampuhan kami ni Stephanie.Nasanay kasi siya na araw-araw pumupunta si Stephanie.
"Susmaryosep,ganyan na ba kakitid ng utak mo LJ?"react ni mama ng magtanong kung bakit kami nga-away ni Stephanie."Hala!Ayusin mo 'yan,Hindi palagi si Stephanie ang sumosuyo."
"Siya ang pikon 'ma,biniro ko lang naman!"
"Kahit na,ikaw ang lalaki,okay,kung ayaw mo nasa sa iyo na 'yan.Pero kapag humantong sa hiwalayan 'yang relasyon nyo ni Stephanie.wlang sisihan ah?Pairalin mo pa yang pride mo may mapapala ka dyan."
"Lalake ako ma,hindi yan gawain namin."
"Sinong nagsabi na babae ka ah?Basta kapag maghihiwalay kayo ni Stephanie,huwag kang maglalasing. Mas maswerte ka nga sa kanya eh,masyado siyang ngapakatanga sayo."
"Dahil mahal niya ako 'ma."
"Mahal ? Nakakapagod ang magmahal LJ kapag ikaw lang ang laging nag-e-effort."Litanya ni mama. Bago pa umabot sa kung saan ang usapin ni mama,nag-walk out na ako.
Mahilig kasing manood ng Telenovela at dagdagan pa ang pagbabasa ng pocketbook kaya may pinaghuhugotan.
Kung hindi si Stephanie ang makipag-ayos sa akin.Bahala siya,sigurado ako na hindi yun makatiis,pupuntahan at pupuntahan niya ako nun.
Pero natapos ang Game 2,3,4,5,6,nanalo ang Golden States Warriors,ne ha ne ho ay wala parin akong balita sa kanya. Gusto kong kabahan,iniisip ko ang sinabi ni mama.Baka katulad ng ibang ex-girlfriend ko si Stephanie.Baka humantong sa hiwalayan ang amin relasyon.
Hindi,mahal na mahal ako ni Stephanie alam ko 'yun.Pero paano kung napapagod na siya.Na lagi nalang siya ang umaayos sa relasyon namin kapag may gusot.Siya nalang palagi ang umiintindi,siya nalang palagi.Paano kung totoo ang sinabi ni mama na napapagod na siya sa relasyon namin dahil puro nalang siya.Tao lang naman siya.
Break kung Break!
Lumilipas ang minuto,oras at araw,nauubos na ang oras ko sa pagiisip pero hindi parin ako nakapagdesisyon.Umiiral parin ang pagiging mapride ko.
Hanggang gumising ako isang umaga na parang may kulang.Hungkag ang aking pakiramdam,kulang ng sigla ang bawat araw,hindi na ganoon kakulay,hindi na positibo.Kabaliktaran na.
Alam ko kung anu yun,si Stephanie.... Hinahanap-hanap ko ang text niya,mga lambing,marinig ang boses niya,mahigpit niyang yakap,ang lahat-lahat.
Huli ko na realize na mali ako,naalala ko ang sakripisyo niya sa relasyon namin.ang pagmamahal niya sa akin. Kaya nakapagdesisyon na ako bago pa mahuli ang lahat.Lulunukin ko nalang itong walang kwentang pride.Kaysa naman na masira ang relasyon namin ni Stephanie.
Handa na akong pumunta sa kanila dala ang Jersey/t-shirts ni Stephen Curry.
Pero bago ako nakaalis ay kausap na siya ni mama.
"LJ,asikasuhin mo nga itong girlfriend mo."sabi ni mama.
Nagkahiyaan pa kami ni stephanie,Nagpakiramdaman kung sinu ang unang magsalita.Awkward.
"Kamusta!"sabay naming sabi.
Napayuko siya,halatang umiiwas ng tingin.
"Anung ginagawa mo dito?"kaswal kong tanong pero ibig ko na siyang yakapin,pinigilan ko ang aking sarili.
"Ahm.yu-yung Jersey ni Stephen Curry,yung pustahan natin?"nauutal niyang sabi,halatang kabado.
Gusto kong mapamura pumunta siya dito dahil dun .
Kinuha ko ang plastic bag ,ininigay sa kanya.
"Here!"inabot niya,pero hindi ko binitiwan.
"Pumunta ka dito para kunin 'to?"
"O-Oo,akin na!"Pilit niyang hinihila pero hinigpitan ko ng hawak.
"Sinungaling!"galit kong sabi.
"Okay,pumunta ako dito dahil namimiss kita,gusto kitang mayakap,gusto kitang mayakap.Pero ......ayaw ko na LJ,napapagod na ako."umiiyak niyang sabi.
"Steph.." Hinawakan ko siya sa balikat pero tinabing niya.
"I hate you! I hate you for doing this to me!"naiiyak niyang sabi habang sinusuntok ako.
Niyakap ko siya,habang nagpapalag..Patuloy parin siyang umiiyak.Nang huli ay hindi na siya nanlaban ng yakapin ko siya.
"I'm sorry babes...I'm sorry ..."
--
endBeten ne nemen hehe.maraming salamat ulit sa pagbasa :)
-yelogrin
![](https://img.wattpad.com/cover/42254955-288-k766600.jpg)