--
Para kay dayday Thank you :) lablablab
--
Akala ko
by yelogrinMga bata pa lang kami pards,kasa-kasama ko na siya tuwing maglalaro.Kapag kasali ako sa laro,siya ang una kong pinipili para maging kagroupo.Ayaw ng mga kalaro namin sa kanya.
Una,patpatin siya sabi nila isang ihip lang ng hangin siguradong mapapatid na siya.
Pangalawa,mabagal siyang tumakbo.Kapag hindi ako magaling siguradong palagi kaming taya sa habulan,slipper games,tumbang preso,hide and seek atbp.
Pangatlo,uhugin siya pards,nandidiri sa kanya ang mga kalaro namin lalo na ang mga babae.Puro ew!yuck!duu!kaderder ang naririnig ko sa kanila kapag nakikita nila si Hanna.Hindi kasi siya malinis sa sarili ang nas isip ay laro at kumain.
Todo salba naman ako sa kanya pards,Nakakaawa naman kapag hindi siya isasali sa laro.Malungkot siya sa tabi na parang iiyak.
Hindi maiwasan na matukso kaming dalawa pards.
"Uy,Karl ikaw ah!me gusto ka kay Hanna uhugin no?" kantyaw ni Milton na kalaro namin.
Natural pard todo tanggi ako,nakakahiya kapag umamin siguradong pagtatawanan nila ako.
"Hindi a! parang kapatid ko lang yan tol!"
Pero ang totoo napakasinungaling ko pards,uso naman!
Ang katotohanan dun,me gusto ako sa kanya,kay Hanna na patpatin,mabagal tumakbo at uhugin.
Simula noong naglalaro kami ng tagu-taguan.Sa bilis kong tumakbo hindi ko alintana ang matutulis na bato.Nadulas ako pards,tumama ang talampakan ko sa matulis na bato.Ramdam ko ang paghiwa sa talampakan ko.Sobrang sakit pards!Parang pupuslit na ang ihi ko sa sakit.
Humingi ako ng tulong sa mga kalaro ko.Pero nang makita nilang may dugo ay nagsitakbo sila palayo.
Isa lang ang batang babae na naiwan si Hanna pards.
Pero mali yata ako tulad ng ibang bata tumakbo din siya palayo.
Pero nagulat ako ng bigla siyang na umiyak,may dala-dalang halamang gamot.
Ginamot niya ako pards,habang umiiyak sobrang kinakabahan siguro sa dugo kaya umiyak.
Tahimik nang ako,tiniis ang sakit at hapdi.
Kung hindi lang ako sa ganung sitwasyon gusto ko siyang pagtawanan .hehe
Dagdagan pa pards kapag ngumingiti siya,lumilitaw ang biloy sa magkabilang niyang pisngi.
Ang korning sabihin pero ang cute niya pards.tsk
Simula noon pards, kapag inaaway siya ng mga klasmeyt at kalaro namin.Parang gusto kong manuntok at sarap pihitin sa leeg para mabigyan ng leksyon.Naisumpa ko sa sarili na protektahan ko siya kahit anung mangyari kahit tuksuhin pa kami wala akong pakialam.Basta hindi ko lang siya makitang malungkot o umiiyak.
Hanggang sa nagsilaki kami pards,kung dati'y buto-buto siya
Ngayon,me laman na!Malaki na ang pinagbago niya.May hubog na ang kanyang katawan.Ang ganda-ganda niya pards.Marami na din ang mga lalaking nanliligaw sa kanya.Yun pang nambubully sa kanya dati.Mga walang 'ya ang mga tarantadong iyon ang lakas ng loob na manligaw pero noong mga bata palang kami walang awang paiyakin si Hanna.Nahinto lang iyon nang ipagtanggol ko siya,ako ang nakikipagsuntukan sa kanila.At dun ko din nalaman na puti ang mga itlog ng mga lalaking iyon.Ayaw nila akong labanan.Mga duwag!
Pero ngayon kulang nalang at sambahin nila.
Sa katunayan pards,may malalim pa akong dahilan kung bakit ganun ko siya protektahan.Lihim akong nagseselos kapag may mga lalakeng nanliligaw sa kanya pards.