Chapter 26
Takot si Naia lumapit sa mga mommies dahil iniisip neto na baka galit ang mga ito sa kanya.
Hinde naka tiis ang Mama ni Pablo at ito na mismo ang lumakad papalapit kay Naia.
Hinawakan naman ni Pablo ang kamay ni Naia habang papalapit ang Mama neto.
Nang nakalapit na si Grace at nakumpirmang si Naia nga, hinde rin ito nakapagsalita.
Pablo: Ma, si Naia po.
Grace: Pau, hinde ko alam kung nagmamalikmata lang ako o totoo ang nakikita ko, pero may paliwanag ba kayo?
Naia: Mama, I'm sorry po...
Pablo: Ako na po ang magpapaliwanag, pumasok na lang po muna tayo sa loob.
Inalalayan na ni pablo ang nanay neto, hinde naman natinag si Naia sa kinatatayuan neto, at napansin iyon ni Grace, "naia nak, halika na sa loob at mainit na dito" yaya ni Grace kay naia.
Nang marinig ito ni Naia saka lang ito lumapit at sumabay kay Grace at Pablo sa paglalakad.
Hinde makapaniwala ang mga nandoon na si Naia ang nakikita nila at halos walang nagsasalita sa kanila. Wala ring kumakausap kay Naia dahil hinde sila sure kung sya nga ba o kamukha lang.
Pagkatapos nilang kumain ay niyaya ni Pablo na magpahinga muna si naia "ako na ang magpapaliwanag sa kanila. Pahinga kana lang muna dito"
Lumabas ulit si Pablo at magsimula ng magpaliwanag sa mga tao na nandoon kung ano ang totoong nangyari kay Naia.
Mylene: Kung totoo man ang lahat ng kwento ni Pablo about sa nangyari kay Naia, meron bang makapagpatunay?
Justin: Hmm, tita My, tanungin nyo po ang mamanugagin nyong si cassandra, may alam po yun.
Stell: ayan na naman kayo, si Cassie na naman nakita nyo eh.
Josh: Stell, madadamay at madadamay sya dito.. wala ka ng magagawa dyan.
Mylene: Stell! Totoo ba yan?
Stell: Kalma Ma, pero yes po, totoo po at matagal ko na ding alam na buhay si Naia.
Mylene: anak ka ng tatay mong bata ka, bakit d ka nagsasabi?
Stell: ipinakiusap lang din ni Cassie na wag kong ipagasabi, kasi malilintikan sya kay tito robert eh.
Gemma: So, si Naia nga talaga yun? Bakit parang ang tahimik nya?
Justin: Kasi Mama, natatakot po sya na baka galit kayo sa kanya.
Gemma: Bakit naman kami magagalit sa kanya? Hinde nya naman ginusto ang mangyari.
Aldrene: Oo nga. Nakakaawa pa nga sya eh. Isipin mo yun, mag isa sya sa paris, ng walang pamilya.. OMG.
Hinde nagsalita at nagbigay ng komento ang Mama ni Pablo, umalis ito at pinuntahan si Naia.
Grace: Naia, nak, si Mama to.. pwedeng pumasok?
Naia: yes po ma..
Pagpasok na pagpasok pa lang ni Grace ay yumakap na agad si Naia dito at umiyak.
Grace: masaya ako at nakabalik kana.
Naia: Mama, Sorry po. Alam ko pong nahirapan po si Pablo ng husto dahil sa nangayari po sa akin.
Grace: Wag mo na munang isipin yun ok? Ang importante, masaya na ulit si Pau na nakabalik kana. Akala ko talaga nasisiraan na ng bait ang anak ko ng pumunta sya sa Paris. Iba talaga ata pagmahal mo ang isang tao, kahit alam mong imposible paniniwalaan mo na lang.