Chapter 25
Mabigat ang at malungkot ang araw na yun, specially kay Naia.
Habang nag uusap ang mga boys umalis ito at umakyat sa kwarto ng mga bata. Tamang tama at gising na si Kenzo kaya kinuha nya na ito at dinala sa kwarto nya.
Naia: hello my bunso, kilala mo ba ako?
Yumakap si Kenzo sa kanya at "Mama" mahinang sambit neto.
Naia: ang galing naman pala ng baby ni Mama.
Habang nawiwili si Naia kay Kenzo. Hinahanap naman sya ni Pablo sa baba.
Pablo: Saan na naman si Naia?
Stell: Umakyat sa taas, gising na ata si Kenzo
Pablo: Saglit akyat muna ako. Tignan ko lang sila.
Unang sinilip ni Pablo ang mga bata at gising na si Hana kaya nilapitan nya na ito agad at kinarga papunta sa kabilang kwarto.
Pagpasok neto sa kwarto humalik agad ito kay Naia.
Naia: Are you ok?
Pablo: Yes, I'm ok na, nandito kana kasi.
Naia: Ok tay, alam mo bang tinawag akong mama ni Kenzo. Nakakatuwa lang kasi despite sa 2years na hinde nya ako nakita, kilala nya ako. Thank you tay..
Pablo: Syempre, wala naman sila pwedeng maging nanay kundi ikaw. May guardia sibil kasi sa pamilya eh.
Naia: So, what do you want for lunch?
Pablo: Hmmm, yung sinigang mo sa paris nasa ref pa talaga yun Nay..
Naia: Omg, inuwi mo yun tay?
Pablo: pinauwi ni Julia eh, dinala ko na lang.
Naia: Gusto mo ba ng sinigang? Pwede akong gumawa..
Pablo: Samahan kita sa baba, dalhin na lang natin mga bata doon.. nandon naman mga boys para magbantay.
Naia: Tara na. Baka gutom na rin ang mga boys. Pero mauna kana muna tay ha, may gagawin lang ako saglit.
Pagtalikod ni Pablo, si Naia naman ang uminom ng gamot.
Pagkababa neto, dala na neto si Kenzo.. agad namang kinuha ni Ken ang bata kay Naia at nilaro nya na ito.
Si hana naman ay Kasama ni Justin at naglilinis ng mga dahon sa pool.
Si Stell ay nag umpisa ng maghanda ng iluluto nila at si Josh.
Naia: Hey, nag umpisa na pala kayo. Anong iluluto mo Stell?
Stell: Fried chicken para sa senyoritang si Hana. Then for us, sinigang and what else do you want?
Naia: I'm craving for....
"Craving?!!!??" Sabay na tanong ni Stell at josh..
Stell: Naia!! Wag naman please.. nakakatrauma ka magbuntis beh.
Naia: no, hinde ako buntis.. this time hinde na talaga. Wala na akong matres. Lalaki na ako.
Josh: thank you. As much as we want to have more little tyanaks and impaktitas running around, but we can't take the risk anymore. Antayin na lang natin magbuntis si Cassie.
Naia: Speaking of Cassie. I need to talk to her Stell, may kasalanan pa sya sa akin.
Stell: grabe naman yan. Hinde nga nagpapakita kay pablo kasi binantaan na. Ngayon ikaw na naman?
Naia: I just need to clear things up with her. Thats all.
Stell: Ok, ako na bahala sa luto at kayong dalawa, you need to catch up with each other.