Chapter 28
Dumating ang araw na pinakahihintay ng grupo, ang pagpunta nila ng Siargao, napakasayang okasyon at core memory para kay Stell.
Pagkatapos ng kasal, mas pinili ni Naia ang umupo sa buhangin habang hinahampas ng mga kalmadong maliiit na alon ang ang mga paa neto at pinagmamadan ang takip silim.
Hinde neto napansin ang pag upo naman ni Stell sa tabi nya, "hey princess, hinde ka pa kumakain" nag aalalang bungad neto kay Naia
Isinandal ni Naia ang ulo neto sa balikat ni Stell "ang payapa dito,salamat at ipinakilala mo ako sa lugar na to" malumanay na tugon ni Naia.
Stell: Yeah, dito kita unang nakilala.
Hinawakan ni Stell ang kamay ni Naia "salamat at nakilala kita, kung hinde dahil sayo wala tayo ngayon dito"
Naia: You deserve this Boyfie, kung ano mang meron ka ngayon. Hinde ko alam kung hanggang saan pa ang pwede kong mawitness sa journey mo, ninyo, pero salamat dahil minsan ikaw ang naging pahinga ko. Kaya ngayon, kasama mo na ang magiging pahinga mo, bumalik kana don at asikasuhin ang mga bisita nyo.
Stell: Ok ka lang ba na mag isa ka dito?
Naia: Oo naman, wag mo kong alalahanin.
Stell: Ok, babalik ako later. I love you my princess
Naia: I love you boyfie.
Lingid sa kaalaman ni Naia ay tinawag ni Stell kung sino man sa mga boys ang una nyang nakita.
Patuloy na pinagmamasdan ni Naia ang kulay kahel na langit at paghalik ng araw sa dagat ng yumakap naman si Justin sa kanya galing sa likuran.
Justin: Bakit malungkot ang beshy ko?
Bahagyang natawa si Naia sa banat ni Justin "wala, hinde naman ako malungkot, inienjoy ko lang pagmasdan yung paglubog ng araw.
Justin: Diba ang amazing, yung pag iiba ng kulay ng kalangitan sa twing hahalik ang araw sa dagat.
Naia: Yeah, so relaxing, kasi hudyat na sya na magpapahinga na.
Dahil nasa likod ni Naia di Justin, hinde neto pansin na dahan dahan ng pumapatak ang mga luha neto.
Justin: Yeah tama ka, makakapagpahinga na ang haring araw, hinde na sya mapigilan. Pero ang kagandahan lang, mawawala man sya sa gabi alam mong darating ang oras na sisikat syang muli.
Napatango lang si Naia at sumang ayon sa sinabi ni Justin
Justin: Sana ganon din sa tao, kahit alam mong mawawala sya, pero hinde ka malulungkot kasi alam mong babalik parin naman.
Dahil sa mga sinabi ni Justin, saka lang ito naintindihan ni Naia at saka neto hinarap ang kaibigan.
Pinunasan neto ang luha na sa mga pisngi neto "Jah, I'm sorry if I can't stay longer, I tried and I fought death for like ilang beses na ba? Hinde ba dapat by this time handa kana to let go?"
Justin: I know, pero I still cannot bare to think na baka eto na pala ang huling pag uusap natin or huling yakap ko sayo.
Naia: lumalaban pa naman ako Jah, pero kung ito na man ang huli, gusto kong malaman mo na, Mahal na mahal kita, thank you for the love, thank you for the friendship, and thank you for making me feel special, for the longest time after my 1st heartbreak. Ikaw yung unang nagpakita ng empathy sa akin. You helped me kahit d ko pa ako nakilala noon. And sobrang grateful ako because of you, nabigyan kami ni Pablo ng another chance at nakilala ni Hana ang tatay nya. Ikaw ang bumuo sa samin.
Niyakap ni Naia si Justin ng mahigpit hanggang sa lumapit na si Era at nakisali sa yakapan nila.
Naia: Era, iyakin na si Bujah, ipatahan
mo na nga. Go na, enjoy nyo na ang party.