Chapter 3 ( Encounter)

365 12 1
                                    

Chapter 3 ( ENCOUNTER)

Kill or Hell POV

1 MONTH PAST

Naglalakad kami ngayon ni lily pababa sa kabundukan dahil ito ang araw ng usapan namin na mamasyal, one month na din ang nakalipas simula ng tumira ako sa bahay ni lily at sa isang buwan na yun ay natutunan ko kung paano gamitin ang mga nakatagong kapangyarihan ng katawan ni Zannarah katulad ng pagtakbo ng mabilis na sing bilis pa kay flash, pagpapahaba ng aking mga kuko ( 8 inch ang haba na kayang pumatay kapag nasugatan ka gamit ang aking mga kuko dahil may lason ito), kaya ko rin lumipad kahit walang pakpak, kaya kung makita ang mga nakaraan ng mga tao sa pamamagitan ng paghawak ng kanilang mga kamay, kaya kung makapag anyong parrot, kaya ko ring magpaggaling ng sugat at sakit, at ang pinakagusto sa lahat ay ang kakayahang kung bumasa ng isip ng isang tao ( natuklasan ko ito nung nagsalita si lily gamit ang kanyang isip)

"Kill nandito na tayo sa Earthost Kingdom" turan ni lily pagdating namin sa Earthost Kingdom

"Tayo na at gusto ko ng makita ang mga paninda at ang mga taong nakatira dito"

"Okay, tara na" lily

FF

Sa tatlong oras naming paglilibot sa Earthost Kingdom ay doon ko nakita ang mga masasayang mukha ng mga taong nakatira dito kasama ang mga fairies

"Hell tayo na at maglilibot pa tayo sa ibang kaharian" tawag ni lily sa akin ( Hell ang tawag niya sa akin kapag maraming tao dahil iyon ang aming napag usapan noong nakaraang buwan)

"Hmmm" yun lang ang sagot ko sa kanya

Habang naglilibot kami ay nakuha ng aking attensyon ang isang tindahan ng may iba't ibang sandata at isa lang ang nagustuhan ko ng subra at yun ay isang pana. Ang pana ang pinakapaborito ko sa lahat ng sandatang aking nahawakan lalot bihasa ako sa paggamit nito. Hindi na ako nag atubili at nilapitan ko na ang tindero ng panang aking nakita...

"Ahh, manong magkano po ang benta nyo sa panang iyon"  sabay turo sa pana

"Ah, bakit iha, eh isa lamang iyang pangkaraniwang pana" tanong ni manong

"Paborito ko po kasi ang pana at isa pa magaling akong gumamit nun kaya kasi nitong patayin ang isang tao kahit malayo" cold na wika ko kay manong

"Maaari mo bang hawakan iha?" tanong ni manong na ikinataka ko,kahit nagtataka ako ay hinawakan ko na lang ito na siyang pagkagulat sa mukha ni manong

"Bakit po kayo nagulat?" tanong ko nito

"Ka-kasi ang panang iyan ay espesyal, at walang kahit sino man ang pwedeng humawak nyan kung hindi ka karapat dapat, at kung sino mang humawak niyan na hind karapat dapat ay tiyak na mamamatay dahil kusa itong kumukuryente kung hindi ka karapat dapat" mahabang pahayag ni manong

"So ibig nyo pong sabihin ay ako ang karapat dapat sa panang ito dahil hindi ako nito kinuryente?"tanong ko kay manong

"Oo, at walang sino man ang makakahawak nyan maliban sayo, at kahit hindi mo yan dalhin ay lalapit yan kapag sinabi mo ang katagang CYTRUS, lilipad yan papunta sa iyong mga kamay " mahabang paliwanag ni manong

"Kay ganda naman pala ng panang ito, magkano po ba ito?" nakangising tanong ko kay manong

"Hindi na iha at sayo narin yan" sagot ni manong

"Maraming salamat po!" umalis na ako para hanapin si lily dahil nalayo ata ako sa kanya nung pinuntahan ko ang nagtitinda ng pana

"Hell, Hell, Hell" napalingon ako sa tumatawag sa akin

"Hell saan ka ba galing at bigla bigla ka nalang nawala sa likuran ko, alam mo namang hindi mo kabisado ang lugar dito " naiinis na wika ni lily

"Nothing" cold kung sabi na ikinasimangot niya

Mafia Queen Reincarnated In A Weak Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon