Photo

0 0 0
                                    

Masarap na sana tulog ko ngayon eh, kung wala lang talagang eepal.

"Hoy Amydep*taa!"
"Gumising kana abaa!" sigaw pa nito.

"ANO BA LECHE NAMAN OH!"  Paepal talaga amp.

"Bumangon kana kasi!"

"Ano ba kasing meron Marites?!"

"MARI hindi MARITES!"

"Oo na, ano ba kasi yun?" Bagot na saad ko.

"Ala lang hehehe" saad nito.

"Alam mo, lumayas ka nalang sa harap ko dahil nandidilim paningin ko sayo." Sambit ko.

"Labyu Insan! HAHAHAHAHA" sambit nito bago lumabas sa silid ko.

Balak ko pa sanang matulog kaso dina ko makatulog, kaya naisipan ko nalang buksan ang rp acc ko. Pag open ko ng acc ko yung message ni Blake agad inuna ko. I received 50+ messages from him, kaya sinimulan ko ng basahin.

"Babyy!"
"Goodmorningg!" 
"Iloveyousomuch baby!" message ko dito.

Yes I have a boyfriend in rpw. He's name is Blake, and he know me as Arshia in this world. We've been in a relationship for almost 2 years.

Never kaming nagpakita ng op, kahit rn namin ay hindi namin pinaalam sa isa't isa.
Kontento kami sa set up ng relasyon namin.

"Baby kumain kana?" Tanong nito.

"Hindi paaa" saad ko.

"Kumain kana muna shia" saad nito.

"Maya naaa!"

"Kulit." Nag kwentuhan lang kami saglit ni blake bago ako nag paalam para kumain na.

"Insan, kamusta kayo ng jowa sa rp?" Tanong ni Mari habang nakain kami.

"Okay naman." Sagot ko at nagpatuloy sa pagkain. Alam ni Mari ang relasyon namin ni blake.

"Kayo ba ni Mark?" Tanong ko. Mari have a boyfriend, and his Mark. I guess 3 months palang silang dalawa, and never ko pang na meet ito.

"Okay lang din naman ang relasyon namin." naka ngiting saad niya.

After kung kumain, ginawa kona muna ang mga gawain ko bago mag open sa rp.

"Baby tapos nako kumain" chat ko dito.

"Good." Masaya kaming nag kwekwentuhan ni blake hanggang sa...

"Baby? Can we meet? I want to see you."

Sa sobrang bigla ko ay hindi ko alam kung anong irereply ko dito, kaya aligaga kong tinawag yung pinsan ko

"MARITESS!!!" Sigaw ko.

"Ano ba! Mari nga sabi eh!" Reklamo nito.
Nakatitig lang ako dito at di malaman kung anong gagawin.

"Hoy ano na? Natulala ka sa ganda ko? Insan alam kong maganda ako pero---" pinutol ko na ang sasabihin nito.

"Si blake..."

"Anong nangyare? Nakipag break ba siya?!" Tinignan ko siya ng masama.

"Gusto niya ng makipag kita sa'kin. Anong gagawin ko?!" Tarantang wika ko.

Nanlalaking mata siyang tumitig sakin bago tumili!

"Woi ano ba! Tumigil ka nga!" Saway ko.

"Pumayag kana! Makikita mo narin si blake, ayaw mo ba nun?!"

"Malamang gusto!"

"Oh ayon naman pala eh!"
____________________

Maaga akong kumilos nung sumapit ang araw ng pagkikita namin ni Blake.

"Pwede naba tong ayos ko?" Tanong ko kay Mari.

"Ang gandaa mo! Mana sa'kin hihi" parang baliw na saad nito. Sinipat sipat ko ang aking sarili sa salamin at nang makontento na sa ayos ko ay hinarap ko ang pinsan ko.

"Kinakabahan ako" sambit ko dito.

"Wag kang kabahan ano kaba!"

"Samahan mo kasi ako!" Pag pipilit ko dito.

"May sariling date nga kami ni Mark! Kaya mo nayan ang laki laki mona eh!" Siraulo amp.

"Oo na leche!"

"Insan." tawag ni Mira Kaya nilingon ko ito.

"Oh?"
"May uso kasi ngayon, yung i-edit mo ang pic mo into chaka." Sambit nito at taka ko naman itong tinignan.

"May oras pa naman so
I-edit natin yung pic mo, gawin nating panget. I mean papangitin natin yung pic mo, gagawin nating oily yung face mo chuchu. Tas tignan natin kong kaya ka ba niyang tanggapin kahit na ganon yung itsura mo. And after nun, yung tunay mo ng pic yung isend mo." Mahabang lintaya nito.

Pinag isipan ko ang sinabi nito, at mukhang maganda nga kaya ayon ang ginawa namin.

"Okay na!" Sambit niya. Lumapit ako kay Mari para tignan ang ginawa niya.

"Pwede na." Saad ko.

Nag open ako saglit sa rp ko para malaman kong may message si Blake.

"Nabyahe na siya!" Sambit ko.
Muli akong humarap sa salamin at inayos ang sarili.

"Dalian mo, malapit narin daw si Mark!"

Bumyahe na kami ni Mari papuntang Amusement park. Maya maya din nakarating na kami.

"Hoy iikot na muna ko, dyan kana muna." Sambit nito bago ako iwan. Nag open ako sa rp at bumungad sakin ang message ni Blake.

"Baby nandito na ko." Message niya.

"Nandito narin po ko" reply ko.

"Shit excited nakong makita ka shia" saad nito na siyang nag pangiti sakin.

"Baby send pic ng mahanap kita."

Nagsend naman ito at grabe ang titig ko sa aking phone ng makita ang mukha nito.

He's handsome.

"Baby, your turn."

Nagdadalawang isip ako kung isesend ko ba ang inedit ni Mari o hindi. Pero bandang huli, sinend ko parin. Halos mabitawan ko ang cp ko ng mabasa ang sabi nito.

"Shit Shia is that you?! You're ugly! You don't deserve a guy like me, you're too ugly for heaven sake! Let's break up."

Sunod sunod nag si bagsakan ang aking mga luha matapos mabasa ito.

Ilang minuto narin akong nakaupo habang pinagmamasdan ang mga taong dumadaan sa aking harapan. Para akong baliw na umiiyak jusko haha.

"Insan?" Agad kong inayos ang aking sarili bago humarap sa'king pinsan.

Halos manlambot ako ng makitang nasa likod niya ang taong Mahal ko.

"Insan siya nga pala si Mark, boyfriend ko." Masayang pagpapakilala ni Mari kay blake.

Nginitian ako nito na siyang lalong nagpadurog sa puso ko.

"Amy." Saad ko at pilit na ngumiti bago sila talikuran.

Ano pa ba kasing gagawin ko dun? Ayoko ng lalong saktan ang sarili ko.

Damn. My boyfriend is my cousin's boyfriend.

@ 𝗟.𝗔

One Shots StoryWhere stories live. Discover now