Dare

0 0 0
                                    

"babe goodmorning!" Chat sakin ni kyle boyfriend ko.

"Goodmorningg din babee!!"

Nagkakilala kami ni kyle dahil sa isang gc. Lagi kasi nya kong inaasar, ako naman tong si gaga pinapatulan din siya.

Sa sobrang sweet namin sa isat isa, kahit kami mismo ni lalanggam na HAHAHAHAHA.

Walang araw na hindi kami nag uusap ni kyle, puro asaran nga lang ang nagaganap.

Hanggang sa may naisip akong dare para sa kanya.

"Babee may dare ako sayo!" Message ko.

"Ano yun babe?" Mabilis na reply nya.

"Magbibigay ako ng no. den kung anong no. yung binigay ko, ibibilang mo yun sa active list mo." Reply ko.

"Tapos?" Sagot nya.

"Kung kanino huminto i-chat mo ng 'Ang panget mo' Game?" Reply ko.

"Game babe."

"Number 6 babe!" Sa totoo lang ako yung kinakabahan para sa kanyan nyeta.

"Done." sabi nya

"Anong sabii?"  Exzoytedd na tanong ko.

"Pakyu daw Haha." gagi HAHAH.
_______________________

Ilang araw din ang lumipas matapos ng dare na yun, at bihira nalang kaming mag usap ni kyle.

"Babeee miss you naa!"
"Woi okay ka lang baa??"
"bihira nalang tayong mag usap babee!"
"May problema ka ba?" Sunod sunod na chat ko dito.

"Nahh. I'm okay." Reply nya.

Actually Ilang araw ng ganyan si kyle laging late reply, minsan di pa nya ako narereplyan

At..

Ang cold nya pa.

"babe okay kalang ba?"
"Woii miss na kitaaa!"
"Hindi mo'ko miss!"
"tampo na ako hmp."
"Grabe seen langg"  sunod sunod na chat ko.

"Sorry babe, May ginagawa lang ako." Reply nya.

"Eh? Are you sure?" Tanong ko

"Yeah."

Malapit na ang monthsary namin ni kyle, pero ganun parin sya.

"Babee Happy 6th mothsarryyy satinn"
"Babe namimiss na kita"
"bihira nalang tayong mag usap"
"okay kalang ba?"
"Monthsary natin ngayon babe."
"Babe?"  Sunod sunod na reply ko.

"Ry, Let's break up."

"W-wait. Are you serious?" Of course not! For sure isa na naman 'to sa mga prank niya, lalo na Monthsary namin ngayon kaya ng t-trip na naman 'to---

"Naalala mo yung dare?"

"Yes, why?" Hindi ko na alam sasabihin ko punyeta.

"It's a girl, and that girl is the one i love now."

Tang...ina.

"Are you kidding, right? Okay lang naman kung prank 'to babe! Hindi ako magagalit... promise." I started crying.

"Ry, thankyou. Dahil nakilala ko siya nang dahil sa'yo."

"Let's end this." Dugtong pa niya.

Damn. Nang dahil sa pisting dare na yan..nawala yung taong Mahal ko.

Tang...ina.

@L.A

One Shots StoryWhere stories live. Discover now