Circle of Friends

0 0 0
                                    

"Hoy mga panget!" Sigaw ni tina na kadarating lang galing canteen. Hindi namin siya nilingon at pinagpatuloy lang namin ang mga ginagawa namin.

Nandito kami ngayon sa garden tumatambay habang wala pang klase. Actually dapat sila lang eh, kaso sinama nila 'ulit' ako.

"Kingina ng mga toh, bakit di kayo nag silingon??" Takang tanong nya.

"Excuse me?" Mataray na saad ni kim.

"Dadaan ka?"

"What the--"

Nagsimula ng mag bangayan ang dalawa. Sanay na sila d'yan at kahit naman ako, kaya di nalang namin sila pinansin.

Maya maya din ay nag aya na si Lana na bumalik na dahil malapit na ang sunod na klase kaya kasalukuyang naglalakad kami ngayon patungo sa room.

Tinitigan ko lang silang apat na nauuna sakin. Si Tina at Kim na patuloy na nag babangayan, at sina Lana at Maki na nagkwe-kwentuhan.

Sila lagi ang magkakapartner, lalo na pag dating sa klase, kaya ang bagsak ko ay lagi akong naiiwan.

Never akong nagreklamo dahil lagi akong napapatanong na 'May karapatan ba'ko?'

Sabit lang naman ako sa pagkakaibigan nila, yung tipong bigla lang akong dumating para sirain yung pagkakaibigan nila.

Matagal na silang magkakaibigan at nung 'Nasali ako' sa circle of friends nila, nasira ko lang 'to. Nagselos sila Lana at kim nun kasi laging na sakin ang atensyon nila Maki at Tina, hanggang sa nag kasagutan sila na muntik ng humantong sa 'FO' nayan.

Dumating yung time na kinopronta ako nila Lana at Kim.

"Simula nung dumating ka ay nasa sayo na ang Atensyon nila!" Sigaw ni Lana sakin.

"This is all your fault." umiiling na dugtong pa ni kim bago nila ako talikuran.

Simula nun umiwas ako, sinasama parin nila ako pero bihira nalang.

Wala silang narinig sakin na kahit ano, kasi alam kong wala akong karapatan.

Because I knew from the start that I'm not belong. I'm too boring for being someone friends. Talking about 'Comparing' and 'Favoritism' damn. I know. I will never be win.

@ 𝗟.𝗔

One Shots StoryWhere stories live. Discover now