PART 3: CAGAYAN RIVER

12 0 0
                                    

      Ang bayan ng Gattaran sa Cagayan ay matatagpuan sa ta-
bing-ilog at silangan ng Cagayan River, ang pinakamahabang ilog sa buong Pilipinas. Isa sa Bar-
yong sakop ng bayang ito sa
kanluran ng Cagayan River ay ang nayon ng Macatabang na matatagpuan sa tabing-ilog ng
Zinundungan, isa sangang-ilog ng Cagayan River.
      Dahil sa mabilis na pagdami ng tao sa kanluran ng bayan ng
Gattaran, ang mga tao sa lugar na ito ay gumawa ng resolusyon na magkaroon ng hiwalay na bayan para mapamahalaan ang
mga Baryo sa kanluran ng Caga- yan River na sakop ng Gattaran. Kung sakaling maging bayan
na ang Baryo Macatabang ay  may treseng nayon na nasa ila-
lim ng Macatabang. Iminung-
kahi ni Paulino Alonso, ang  Kongresista ng ikalawang Distri-
to ng Cagayan na ang gagawing bagong Munisipyo ay ang nayon ng Macatabang na matatagpuan sa tabing-ilog ng Zinundungan River, isa sa mga sangang-ilog ng Cagayan River, ngunit papa- litan ito ng pangalang Santo To-
mas. Ngunit nag-object si Kong- resista Cabarroquis ng Nueva Vizcaya. Samantala, nagkaroon ng dalawang "faction" sa lugar
na ito, ang Jurado Faction na pu-
mapanig sa mga nakatira sa na-
yon ng Macatabang. Ang Isa pang "faction" ay ang Arce Fac-
tion na pumapanig sa mga taga
Baryo Nabannagan. Ipinaglala-
ban ng Arce Faction na ang ma- giging bagong bayan ay ang Bar-
yo Nabannagan, ang balwarte ng mga Ibanag. Ang Jurado Fac-
tion ay balwarte naman ng mga
Ilokano nang panahong yaon. Para hindi na humaba ang pag- tatalo, nagkasundo ang dala-
wang faction na magkaroon ng
eleksiyon para sa Mayor lang.
Isa sa kinatawan ng Jurado Fac-
tion at isa rin sa kinatawan ng
Arce Faction. Ang mananalong
Mayor, ang lugar niya ang ma-
giging bagong bayan at tuluyan
ng hihiwalay sa pamamahala ng
bayan ng Gattaran. Pinalad ang
kandidato ng mga taga Baryo
Macatabang na si Ignacio Jura- do at ang Baryo niya ang naging bayan ayon sa pinagkasunduan ng dalawang paksyon sa Timog- Kanluran ng Cagayan.
      Hunyo 13, 1950 ay idineklara ni Pangulong Elpidio Quirino na ang magiging bagong bayan ay ang Macatabang ngunit pinali-
tan ito ng LASAM bilang pagpa- parangal sa ikaanim na naging Gobernador ng lalawigan ng Ca- gayan, si Honorio Lasam. Ang mga Baryo sa ilalim ng bagong likhang bayan ng Lasam ay ang Callao, Aggunetan, Calapangan na matatagpuan sa tabing-ilog ng Cagayan River. Ang iba pang Baryo ay ang Nabannagan, Alannay, Malinta, Tucalan-Pas-
sing, Finugo-Tarao, Sicalao, San
Pedro, Peru at Minanga. Iyan ang unang 13 Baryo na nasa pa- mamahala ng bagong bayan ng Lasam. Nasa dulong hilaga sa tabing-ilog din ng Cagayan ang
pinakahuling Baryo, ang Mina-
nga sa boundary ng Baryo Ba- ngag na nasasakupan ng bayan
ng Lal-lo, balwarte ng mga kila- lang pulitiko sa Cagayan, ang Dupaya Clan."
      May 505 kilometro ang haba
Cagayan River. Nagmula ito sa
Caraballo Mountains malapit na sa Central Plain of Luzon. Umaa-
gos ito pababa ng Dupax del Sur, isa sa bayan ng lalawigan ng Nueva Vizcaya. Tutuloy ang agos nito sa lalawigan ng Quiri-
rino, Isabela, Cagayan at magta-
tapos sa bunganga ng Babuyan Channel malapit sa bayan ng Aparri, Cagayan na nakaharap sa Philippine Sea. Ang Cagayan River ay napapaligiran ng Sierra Madre Mountains sa silangan, Caraballo sa Timog at Cordillera sa kanluran. Ang mahabang ilog na ito ay nagsilbing daanan ng mga Galleon ng mga Kastila na
nagnenegosyo noong araw. Ito ang dinadaanan ng sundalong Hapones sa pamamagitan ng
Lantsa noong World War II. Nang matapos ang giyera noong
1945, naging daanan pa rin ng
lantsa ng ilang negosyanteng Pi-
lipino at Intsik tulad Redwood
Company, isa sa pinakamatagal nang "logging company sa Caga-
yan. Ang isa pang kumpanya ng
pagtotroso ay ang Northern Lu-
zon Mahogany Exporter. Ang
kumpanyang ito ang naglulu-
was ng mga troso sa bansang
Japan. Tungkol sa mga logging company, tinatarget ng mga ne-
gosyante ang mga virgin forest"
na karamihan ay sa kanluran ng
Cagayan matatagpuan sa kanlu-
rang bahagi ng bagong bayan ng Lasam, ang dating Baryo Ma-
catabang tulad ng mga Baryo ng San Pedro, Sicalao at Minanga.
Mayaman sa isdang-tabang ang Cagayan River tulad ng kanduli
at mga isdang may kaliskis na hindi natin kilala pero masarap  ulamin tulad ng "Ludong" at "Dulong." Ang dalawang isdang
ito ay "seasonal." Ang Ludong ay buwan lamang ng Nobyiembre lumilitaw na nagmumula pa sa bayan ng Aparri na ang tubig dito ay sakop ng Philippine Sea sa Babuyan Channel pasalungat sa agos ng Cagayan River paak-
yat hanggang sa lawigan ng Isabela. Ang ludong ayon sa Gui-
ness Books of Records ang pina-
mahal na isdang-tabang sa buong mundo. Nagkakahalaga lang naman ito ng 4.5K per kilo.
Ang isdang ito ay parang hugis ng bangus pero kulay itim ang kaliskis at kulay puti ang tiyan nito. Lumalaki rin ang isdang ito tulad ng Taiwan karpa o yung tinatawag na "big head." Sob-
rang sarap at linamnam ang isdang ito lalona ang madilaw
nitong itlog. Parang may piyesta sa Cagayan River kapag katapu-
san ng buwan ng Nobyiembre
dahil sa pagdagsa ng ludong. Ang mga tao na nakatira sa ta-
bing-ilog ng Cagayan River ay may kanya-kanyang bangka na
medyo mahaba at malaki na sadyang ginawa para sa pagli-
taw ng ludong. Ang dulong na-
man ay lumilitaw tuwing kabi-
lugan ng buwan kapag buwan
ng Enero. Ayon sa mga mangi-
ngisda, Ang dulong daw ay ang
biya kapag malaki na. Kaya na-
giging "endanger species" ang
mga biya kapag hinuhuli ang
mga dulong. Masarap kasi tala-
ga ang dulong lalo na ang ba-
goong nito at mahal din ito sari-
wa man o bagoong na. Ang du-
long ay malaki lang nang konti
sa pinakamaliit na isda sa bu-
ong mundo na may "scientific
name" na "Pandaka Pigmea" na
na matatagpuan lamang sa isa
sa Natural wonder of the World
ayon sa Guinness Book of Records, ang "Underground River" sa lalawigan ng Palawan.
Ang panghuli naman sa ludong ay ang malaking bubu na gawa sa kawayan. "Kaput" o Salap
"Salap" sa Katagalugan ang  panghuli naman ng dulong na ang tela nito ay parang sa ku- lambo. Ang ludong ay lumilitaw
araw man o gabi, samantala ang
dulong ay madalas na lumitaw
sa gabi. Hinahabol nito ang li-
wanag ng petromax ng mga ma-
ngingisda. Katulad ng ludong,  ang dulong ay nagmumula sa Aparri pasalungat ng agos. Ito daw ang binhi ng biya. Naging endanger ang biya dahil sa
panghuhuli ng dulong. Nakaka-
excite ang panghuli ng ludong. Isa itong bubu na may taas na anim na piye. May paimbudo ito
sa loob na gawa din sa kawayan na may matulis na dulo. Pahiga sa ilalim ng tubig ang bubu na ang bunganga ay na nakaharap paayon sa agos dahil ang isda ay pasalungat sa agos kung luma- ngoy. Kung ilang isdang ludong ang matapat sa bunganga ng bubu ay ito ang dami ng mahu- huli. Ang diyametrong luwang
ng bubu ay kasya ang dalawang tao sa loob nito. Dahil talagang kawan ang ludong, hindi na hi- hintayin ng mga mangingisda na mapuno ang bubu dahil ma- sisira ito. Agad ito pinapandaw. Sa pagpandaw, dapat dalawang katao ang kailangan dahil mala- laki at mabibigat ang mga ito. Inilulubog ito sa tubig ang bubu sa dalawang katao ang sukat.
Kapag nasa loob na ng bubu ang ludong ay hindi na makalalabas
ito dahil magugulo na ang agos
sa loob ng bubu.
      Makaraan Isang taon ay na-
kilala ni Luis ang Ibanag din na si Conchita Cayari. Nagkamabu-
tihan at sila at nagpakasal. Su-
munod na taon ay nakilala rin ni Antonio si Maria Melgar na isa ring Ibanag mula sa Baryo ng Aggunetan, Lasam, Cagayan.
isa sa Barangay sa tabing-ilog ng
Cagayan sa gawing Timog na sa-
kop ng Lasam. Pinakasalan ni Luis si Concgita Cayari. Si Luis
ay mas mahilig mangisda kaysa magsaka. Si Antonio maman ay mas gusto ang pagsasaka kaysa
pangingisda. Isang taon ang lu-
mipas, sina Antonio naman at
Maria ang nagpakasal.






             (may karugtong)


NANG SUMILAY ANG LIWANAGWhere stories live. Discover now