PART 12: KALAYAAN NGA BA?

2 0 0
                                    

      Natapos ang piyesta. Pabalik
na sina Rogelio at William sa
Antipolo, Rizal.
      "Kuya, hikayatan mo si Tatay
na maisama mo na ako pag-alis
ninyo. Gusto ko na ring magtra-
baho. Gusto ko na ring tumayo
sa sariling paa."
      "Sige, susubukan kong kau-
sapin si Tatay. Kaya lang, naka-
kaawa naman siya kapag ini-
wan mo. Wala na siyang maka-
katulong sa bukid lalona sa pag-
aalaga ng kalabaw."
      "Wala namang problema sa
pag-aalaga ng kalabaw. Yung
mga inahing kalabaw ay puwe-
deng ipaalaga sa ibang tao sa
kondisyong ang anak ng kala-
baw ang magiging kabayaran
ng pag-aalaga nila. Ang kalaka-
ran tungkol sa pag-aalaga ng
inahing kalabaw ay palitan sa magiging guya. Ibig sabihin, ang unang anak ay sa tagapag-alaga. Ang susunod na guya ay sa May-
ari na ng kalabaw. Isang beses
lang sa loob ng isang taon pu-
wedeng manganak ang kalabaw
ganoon din ang baka at kabay
Taun-taon nanganganak ang ka-
labaw. Kaya dadami pa rin ang
kalabaw natin," wika naman ni William.
      Pumayag nga si Antonio na
kasama na si Carding sa pagba-
balik nina Rogelio at William sa
Antipolo at ipapasok na rin siya
doon sa golf course kung saan
nagkakadi ang mga Kuya niya.
Si Carding ay magiging Caddie
na rin sa Valley Golf Club.
      Miyerkules ng hapon nang
sumakay sina Rogelio, William,
Carding sa PANTRANCO Bus patungong Maynila. Kasama rin
ang Tiyuhin ni William na si
Dante at ang pinsan ni William na si Oscar. Ipapasok din sila ni
Rogelio bilang Caddie. Dumada-
mi na kasi ang mga mayaya-
mang naglalaro ng golf. Mada-
las na nagkakaubusan ng Ca-
ddie sa Valley Golf tuwing Sa-
bado, Linggo, holiday at kung
may tournament.
      Tumatakbo na ang bus na
sinakyan ng lima patungong
Maynila. Ang pakiramdam ni
Carding sa sarili ay para siyang ibong nakawala sa hawla. Mata-
gal na niyang gustong lumayo
kina Antonio at Teta dahil hindi
naman sila magkasundo ng
Stepmother niyang si Teta. Inii-
sip din niya kung ano ang mang-
yayari sa ikalawang yugto ng
buhay niya na malapit sa siyu-
dad. Iba kasi ang takbo ng bu-
hay ng mga probinsyano sa tak-
bo ng buhay ng mga taga siyu-
dad. Sa siyudad ay mas mala-
mang ang tukso. Maraming ma-
paglilibangan dito at marami
ring bisyo. Isa pa, madaling ku-
mita ng pera sa lunsod kaysa sa
lalawigan. Sa lalawigan ay med-
yo nakakahawak lamang ng
medyo malaking halaga pagsa-
pit ng anihan kung masipag ka.
      Wala pang NLEX noon kaya
ang mga bus na biyaheng Mani- la-Aparri o mga bus galing sa
Norte ay sa McArthur Highway
dumadaan. Eksakto lang dahil
sa Valenzuela, Bulacan nakatira
ang isa sa mga kapatid ni Teta,
si Josefina na nakapangasawa
ng Bikulano na nagtatrabaho
sa Malinta, Barangay ng Valen-
zuela. Matagal nang nakatira
ang mag-asawang Josefina at
Ben sa Malinta. One ride lang
sa trabaho ni Ben ang tinitirhan
nila sa Malinta. Dito bumaba  ang grupo nina Rogelio. Kinabu-
kasan sila lumuwas patungong
Antipolo, Rizal.
      Probinsya rin ang Rizal. May
mga bukid din sa bayan ng Tay-
tay, Cainta at ilang lugar ng An-
tipolo bagama't bulubundukin
ang lugar na ito kung saan ma-
tatagpuan ang Valley Golf Club.
      Sa isang kubo nakatira sina
Rogelio at William. Nakatayo ito
sa labas ng pader ng Valley Golf.
Walking distance lang ang layo
nito sa mismong golf course.  Nagpaiwan si Oscar sa Malinta
dahil ipapasok daw siya ni Jose-
fina bilang "houseboy" sa Caloo-
can. Pagkakadi talaga ang gusto
ni Dante. Susubukan daw niya
ang trabahong ito.
      "Sumailalim muna kayo sa
dalawang linggong training. Ang
Caddiemaster ang magte-train
sa inyo. Basta ang pinakamaha-
sa pagkakadi ay malinaw ang
mata ninyo para hindi mawalan
ng bola ang amo ninyo lalona
kung may pustahan sila," wika ni Rogelio kina Carding at Dan-
te.
      "Araw ng Lunes ang training
ninyo dahil maglalaro si Mr.
Decena, yung Caddiemaster. Ang gagawin muna ninyo ay
tingnan maigi kung saan pupun-
ta ang bola nila. Kalaro ni Mr.
Decena si Mr. De la Cruz, yung
professional golfer na nagturu-
ro ng mga baguhang player.
Pagkakadihan ninyo yung mga magte-train sa inyo pero wala
kayong bayad dahil training
nga. Kayo ang magdadala ng
golf set nila," wika naman ni
William.
      Sumunod na Lunes ay nag-
simulang magsanay sina Dante
at Carding. Si Mr. Decena Ang
pinagkadihan ni Carding at si
Mr. De la Cruz ang pinagkadi-
han ni Dante. Magaling magtu-
ro si Mr. Decena dahil dati si-
yang Caddie sa Club Filipino
De Cebu. Nag-kampeon na si
Mr. Decena sa Philippine Open
Golf Championship noong 1938 sa Wack Wack Golf And Country
Club, Inc. sa Mandaluyong, Rizal
(Hindi pa City noon).
      September, 1968. Unang na-
pagkadihan ni Carding si Mr.
Charles Glacier. Alas-4:00 ng ha-
pon noon. Wala nang naglalaro
dahil alas-3:00 pa lang ng hapon
ay wala nang masyadong nagla-
laro. Kung mayroon man ay hin-
hi na matatapos ang 18 holes
kung apat sila. Ang kumpletong
laro kasi sa loob ng apat hang-
gang apat na oras at kalahati ay
18 holes. Kaya kapag alas-4:00
na ng hapon nagsimulang mag-
laro ay 9 holes na lang ang ma-
tapos ng player. Nang hapong
yaon ay unang player na napag-
kadihan ni Carding ay si Mr.
Charles Glacier nga. Mabait Ang
Amerikano. Tinuturuan pa si
Carding kung magkadi. P3.00 ang per 18 holes noong araw ka-
pag Class C. Ang bayad sa Class
B per 18 holes ay P3.50 at ang
Class A ay P4.00. 15 sentimos ang minimum sa pamasahe sa
dyip. Kaya kapag binayaran ang
Caddie ng P5.00 per 18 holes ay
tuwang-tuwa na ang Caddie da-
hil may "tip" siyang Piso per 18
holes. Ang telang pang-pantalon
ay limang Piso. P5.00 din ang ba-
yad sa pinakasikat na tailoring
shop sa Taytay, Rizal. Sa bayang
ito namamalengke sina Rogelio
at William. Per salup pa ang
bentahan ng bigas noon sa hala-
gang P1.50. Ang isang salup ay
katumbas ng dalawang kilo at
kalahati. Per tumpok naman ang bentahan ng isdang bangus.
Mula sa Lawa ng Laguna ang
mga isdang-tabang tulad ng ba-
ngus, tilapia, biya at ayungin. Ang bangus at tilapia ay inaala-
gaan sa baklad o fishpen. Sa-
mantala ang biya at ayungin ay
nahuhuli sa labas ng baklad. May nahuhuli ding mga hipon, gurami, hito, dalag at martiniko.
      Masaya pala ang makina-
bang sa pinagpaguran o pinag-
pawisan. Ang patakaran nina
Rogelio ay hati-hati sa gastusin
sa bahay. Wala pa namang kur-
yente noon kaya pagkain pa la-
mang ang pinag-aambagan nila.
Ang ambag nina Carding at Dan- te ay kung magkano lamang ang kaya nila dahil bago pa lamang sila at mahina pang kumita. Ka-
dalasan ay araw ng Sabado at
Linggo lamang sila nakapagka-
kadi dahil mas maraming pla-
yer ang naglalaro ng weekends o kung may private tournament
na kadalasan ay pa-tournament ng mga negosyanteng Hapones.
      Kapag tag-ulan na pumapa-
tak ng buwan ng Hunyo hang-
gang Septyiembre ay walang
masyadong naglalaro mula Lu-
nes hanggang Biyernes. Kapag
nataon ng Sabado at Linggo na
umuulan ay kokonti pa rin ang
naglalaro ng golf. Pagtuntong
ng Oktubre ay medyo marami
nang player. Pagsapit naman ng
buwan ng Disyiembre lalona
kung malapit na ang Pasko ay maraming galanteng player.
      Makaraan pa ang ilang bu-
wan ay lalong lumalakas ang
kita nina Rogelio, William, Car-
ding at Dante. Ibig sabihin ay
parehas na ang ambagan nila
sa pagkain. Kanya-kanya lang
sila ng bayad kapag nanonood
sila ng sine sa Taytay o Pasig.
Kapag kumakain sila sa labas
ay kanya-kanya rin sila ng gas-
tos.
      18 anyos na sina Carding at
Dante. Sina Rogelio naman at
William ay 20 anyos na. Lunes
ang pinaka-day-off ng mga Ca-
ddie dahil sa ganitong araw ay
madalang lamang ang naglala-
ro ng golf. Hindi kasi basta-bas-
ta ang magiging miyembro ng
isang golf club. Karamihan sa
mga ito ay "Big Time Business-
man," na may sariling kumpan-
ya kagaya ng pamilya Tuason,
Ortigas, Madrigal, Elizalde at
ibang milyonaryong Pilipino.
      Gabi ng Lunes. Nagyaya sina
Rogelio at William na pumunta
sa Caddie House malapit lamang
sa tinitirhan nila upang uminom
ng kahit tig-lilimang serbesa. At
dahil hindi pa sanay uminom ng
alak sina Carding at Dante ay ti-
nablan agad matapos maka-tat-
long bote ng San Miguel Pale
Pilsen sa Caddie House. Ang Ca-
ddie House ay tirahan ng mga Caddie na walang tinitirhan. Ka-
ramihan sa mga Caddie ay na-
katira sa Cainta, Taytay at Rosa- rio, Pasig (hindi pa City noon).
Puwedeng tumira sina Rogelio
dito, ngunit mas gusto nilang
tumira sa kubo ng isa sa traba-
hador ng golf course, si Borja
na kaibigan ni William. At dahil
libre naman kaya hindi na sila
tumira sa Caddie House. Isa pa,
malapit sila sa ilog, ang Taktak
River, ang kilalang talon sa An-
tipolo, Rizal. Ang inuman na
iyon sa Caddie House ay hindi
naman ipinagbabawal ng ma-
nagement ng Valley Golf basta
huwag lamang daw mag-aaway.
      Naulit pa ang inumang iyon
hangga't naging bisyo na ito pa-
ra kay Carding lumalakad na
siyang mag-isa papuntang Cain-
ta, Rizal kung saan ang "junc-
tion dito  ay maraming "beer house" at "disco pub" o "Caba-
ret." Nakahiligan na ito ni Car-
ding. Kung minsan ay sumasa-
ma sa kanya si Dante. May kan-
ya-kanya nang lakad ang apat.
Magkasama sina Rogelio at Wil-
liam sa lakad nila na kadalasan
ay Lunes. Hiwalay naman ang
lakad nina Carding at Dante.
Patuloy na lumala ang pagkahi-
lig ni Carding sa beer house at
Kabaret. Nang lumaon ay ma-
dalas na siyang nagsosolo ng
lakad dahil si Dante ay umuwi
na sa Cagayan. Mas gusto daw
niya ang magsaka kaysa mag-
kadi. Kung minsan ay madaling-
araw na kung umuwi. Hindi si-
ya masaway-saway ng Kuya ni-
yang sina Rogelio at William dahil kung tutuusin, ang dala-
wa ang nagturo sa kanya na
uminom ng alak. Sa probinsya, noong nagbakasyon sina Roge-
lio at William ay niyaya nila si
Carding na sumama sa kanila
sa pagdalaw sa isang dalaga sa
kanilang Barangay. Ang magu-
lang ng dalaga ay nagtitinda
ng alak na gawa sa tubo. Dala-
wang piso isang bote ng gin.
Matamis na medyo mapakla
ang lasa ng alak na ito na kung
tawagin sa wikang Ilokano ay
"Basi." Ang tubo ay ginagawang
pulot at asukal. Ang unang alak na natikman ni Carding ay ang
basi na ang lasa ay medyo mata-
mis at medyo mapakla. Masakit
sa ulo ang "hang-over" nito.
      Lumala nga ang hilig ni Car-
ding sa bisyo niya tulad ng alak,
sigarilyo, sugal at pagkahilig sa
kabaret. Madalas ay madaling-
araw na kung umuwi. Kalayaan nga ba ang pagkalayo niya kina
Antonio at Teta. Maaaring kala-
yaan nga sa panig ng ama at ng
Madrasta, ngunit kasalanan ang
ginagawa niya tulad ng bisyo na
hindi na siya nakalaya dito. Na-
ging alipin na siya ng pita ng
laman at hindi niya alam kung
tuluyan na siyang mabihag ng
mga bisyong ito.





               (may karugtong)

     









NANG SUMILAY ANG LIWANAGWhere stories live. Discover now