PART 15: SAKRIPISYO

2 0 0
                                    

      Hunyo, 1972. Unang araw ng
pasukan. Dahil "first honor" si
Carding noong 1st year siya, na-
ging Section A na siya pagtun-
tong ng 2nd year. Ang girlfriend
niyang si Veronica ay kasama din niya sa Section A. Obvious
na ang relasyon nila sa buong
eskuwela mula 1st year hang-
gang 4th year. Ang kinatataku-
tan ng 14 anyos na dalagita ay
ang magulang baka alam na ng
mga ito na may karelasyon na
siya at totoo naman dahil nag-
mamahalan na sila ni Carding.
Ang best friend ni Venus na si Yolly ang higit na nakakaalam sa relasyon ng dalawa. Minsan ay naubusan si Carding ng papel
nang may "quizz" sila, inutusan
ni Venus si Yolly na bigyan ng papel si Carding bago magsimu-
la ang "quizz" nila. Sa totoo
lang ay laging kinakapos si Car-
ding dahil Piso lang sa loob ng
isang linggo ang ibinibigay ni
Teta na baun niya. Kinse senti-
mos pa lamang ang "minimum"
sa pamasahe noon. Treinta sen-
timos ang "round trip kaya pi-
nagkakasya na lamang niya ang
70 sentimos para sa biglaang pa-
ngangailangan habang nag-aa-
ral. Nasubukan niyang mag-
ulam ng bukayo sa almusal, bu-
kayo sa tanghalian at bukayo
pa rin sa hapunan dahil kahit
anong gawin niyang mathema-
tic ay talagang hindi magkakas-
ya ang Piso sa loob ng isang
linggo noong 1972. At dahil sa
kagustuhan niyang makatapos
ng pag-aaral, ang lahat ng sak-
ripisyo ay tiniis niya. Pilit ni-
yang ikinukubli ang tunay ni-
yang kalagayan sa mga kaesku-
wela. Masaya siya at nagpapa-
tawa pa, pero sa tunay niyang
pagkatao ay malungkot siya. Pa-
tuloy ang takbo ng buhay ni
Carding. Sa panahon ng kalung-
kutan ay pinalalakas ni Venus ang loob niya. Parang gusto na niyang huminto sa pag-aaral at
bumalik na lang sa Maynila at magkadi na lang uli. Ngunit pa-
ano ang relasyon nila ng napa- kabait niyang nobya? Mahal na mahal niya ito. Maaaring hindi
na siya muling umibig pa kung kung hindi rin lamang sila ang magkatuluyan. Maykaya sa bu- hay ang magulang ni Venus. Ma- lawak din ang kanjlang palayan at maisan. Pinalalakas din ni Roger ang loob niya.
      "Honor student ka Bro. Sa-
yang ang katalinuhan mo kung
hihinto ka sa pag-aaral," ani
Roger.
      "Konting tiis lang Brad. Ma-
kakatapos din tayo sa awa ng
Diyos," dugtong ni Roger. Si Roger ay naging kaklase niya pagtuntong ng 2nd year. Nang lumaon ay naging best friend na
niya ito. Kasapi sa ibang relihi-
yon si Roger. Si Roger ang pina-
kamatalino sa lahat ng kaklase
niya. Medyo may diperensya ito
sa paglakad. Kasabay ni Roger
ang kapatid niyang si Blessie sa
2nd year. Dapat ay 4th year na
sana siya pero nagkadiperensya
ang isang paa niya kaya dala-
wang taon siyang nahinto sa
pag-aaral.
      Septyiembre 21, 1972. Ibinag-
sak ni Pangulong Ferdinand Ed-
ralin Marcos ang "Martial Law."
Ang dahilan ni Marcos ay upang
protektahan ang Republika ng
Pilipinas at magtatag ng "Ba-
gong Lipunan." Maraming kala-
ban ng Gobiyerno ang nahuli.
May mga lumaban sa Gobiyerno
at sinawing-palad. Kamay na
bakal ang ginamit ni Marcos, ang ibig sabihin, nangibabaw ang kapangyarihan ng Militar
dahil lumalala na ang kasama- an ng mga tao. Wala nang takot
sa awtoridad ang mga kriminal at mga rebelde. Maraming mga baril ang nasamsam ng Militar. Maraming bawal katulad ng  pag-uumpukan sa pag-uusap. Naapektuhan ang pag-aaral ng
mga estudyante dahil pansa- samantala munang walang kla- sa mga eskuwela publiko man o pribado. Mga dalawang linggo ang nakaraan ay balik sa nor- mal ang lahat. Maraming tumi-
no sa panahon ng Martial Law
na tumagal ng pitong taon. Pina-
iral ang "curfew hour" mula  alas-10:00 ng gabihanggang  alas-4:00 ng Umaga. May pagba-
bago rin sa Konstitusyon na bi-
nuo  ni Marcos, ng Senado at ng
Kongreso.
      Lunes ng umaga hanggang
Biyernes ng hapon ay maligaya
si Carding dahil kasama niya
ang nobya sa loob ng limang
araw. Gabi ng Biyernes hang-
madaling-araw ng Lunes ay ma-
lungkot siya sa piling ng ama at
ng Madrasta na tila wala na ya-
tang pag-asang makasundo.
Nagkakamali din siya. Ang pro-
blema niya ay ang ibinibigay na
baun ni Teta na Piso isang Ling-
go. Noong 1st year siya ay tala-
gang Piso sa loob ng isang Ling-
go ang baun niya. Ngayong 2nd
year na siya ay Piso pa rin, hin-
di man lang nadagdagan kahit
singkuwenta sentimos. Gayun-
paman, tiniis niya ang lahat ng pagsubok sa kagustuhang ma-
katapos ng pag-aaral.
      Ikalawang Biyernes ng bu-
wan ng Marso, 1973. Umuwi si
Carding sa Minanga Norte dahil
bakasyon na. Sa Hunyo na sila
magkikita uli ni Venus. Dala-
wang buwan siyang magiging
laman ng bukid, tumana at ka-
ingin. Kailangan niyang dagda-
gan ang pagsasakripisyo niya.
Noong wala pang bakasyon,
kung minsan ay uma-absent si
Carding kapar araw ng Martes
pag araw ng Martes para mag-
hanap ng puso ng saging na bu-
tuan at papayang hilaw malapit
sa kaingin nila. Kinabukasan ng
Miyerkules na araw ng paleng-
kehan ay si Teta ang magbeben-
ta ng mga nakuha niyang puso
ng saging at hilaw na papayang
"native." Napipilitan siyang ga-
win ito kahit school days kung
may "projects" silang mga estu-
dyante dahil hindi naman siya
binibigyan ni Teta ng pera para
sa naturang project na kadala-
san ay sa subject nilang "Biolo-
gy." Masungit at istrikto ang gu-
ro nila sa asignaturang ito na si
Miss Tarcila Daguio na matan-
dang dalaga.
      Tuwing bakasyon ay parang
isang taon na kay Carding dahil
hindi sila magkikita ni Venus sa
loob mg panahong ito. Ang dala-
gita ay bihira ding lumuwas ng.
bayan dahil tinutulungan ang
magulang sa gawaing bahay at
kung minsan ay nasa bukid sa
kanilang Barangay na malayo
sa bayan ng Gattaran.
       Kung matatawag na "puppy
love" ang nararamdaman ni
Carding kay Heling noong 17 an-
yos siya at si Heling ay 15 lang,
para kay Venus ay "first and true love" ang nararamdan niya
rito. 23 anyos na siya Oktubre
30 at si Venus naman ay 15 na
sa Oktubre 31. Pero ang tingin
niya sa nobya ay parang dala-
gang-dalaga na. Puso kasi ang
tinitingnan niya sa babaeng ma-
hal niya at hindi ang panlabas
na anyo. At lalong hindi dahil
sa may kaya sa buhay ang ma-
gulang ng dalagita kundi tala-
gang tinamaan siya noong 1st
year pa lamang sila.
      Mabilis na dumaan ang dala-
wang buwan. Excited na naman
si Carding na ipagpatuloy ang
pag-aaral niya. 3rd year na sila.
Masungit ang Titser nila sa sub-
ject na "Biology," si Miss Tarcila
Daguio, ang matandang dala-
gang Guro pero matalino. Hindi
ito mahilig magsulat sa "black-
board." Puro "dictation" lamang.
Bahala na ang estudyante kung
maisusulat niya lahat ang mga
"explanation" ni Miss Daguio.
Ilang buwan ang nakaraan ay naging busy si Carding sa "Li-
terary Musical Contest" Laba-
nan ito ng mga estudyante ng
iba't-ibang bayan ng Unang Distrito ng lalawigan ng Caga- yan. Ang bayan ng Gattaran ay kasali. Ang "category" ay prima- ry, intermediate at high school. Tagalog songs ang dapat kanta- hin sa bawat category. Mayroon ding instrumental. Kahit anong instrumento ay puwede, isang
mabilis (halimbawa: chacha) at
isang mabagal (halimbawa ay ang Faithful Love). Si Carding ang kinatawan ng bayan ng Gattaran sa high school catego- ry. May kinatawan din sa prima- ry at intermediate. Ang kinata-
wan sa instrumental ay si Roger Salvatierra, ang first honor  noong 2nd year sila. 3rd honor
lamang si Carding dahil nagka-
roon ng "favoritism" ang Advi-
ser nila sa isang babaeng kakla-
se nila na siyang naging 2nd ho-
nor sa halip na si Carding. Para
hindi halatang "luto" ang pag-
bibigay ng "grades" ng Guro ay
ginamit ang kakulangan ni Car-
ding sa mga "projects" na hindi
rin dahilan para bumagsak siya
sa 3rd honor lang dahil sa mga
academic subjects ay lamang
siya sa nag-2nd honor. Anyway,
Hindi naman dinibdib ni Car-
ding ang unfair grading system
ng kanilang Adviser dahil alam
niya sa sarili na siya ang dapat
nag-2nd honor. Buong akala ding lahat ng estudyante ng
Northern Philippines Academy
nang taong yaon na si Carding
ang pumangalawa kay Roger
Salvatierra, ang best friend niya.
      Naglaban muna ang apat na
bayan sa Literary Musical Con-
test na iyon, ang Gattaran, Alca-
la, Baggao at Amulung. Sa lahat
ng category ay tinalo ng Gatta-
ran ang tatlong bayan na kani-
lang nakatunggali. Lovers Gui-
tar ang tinugtog ni Roger sa ca-
tegory ng Instrumental. Ito ang
fast niya. At ang slow niya ay
ang All of a Sudden ni Matt
Monro. Makaraan ang isang linggo, ang nakalaban naman ng Gattaran ay ang nanalo sa apat na bayan sa Timog Caga- yan. Naglaban muna ang apat na bayan ng Iguig, Tuguegarao,
Peñablanca at Solana. Tinalo ng Tuguegarao ang tatlong bayan sa Timog Cagayan, kaya ang maghaharap para sa Provincial
Level ay ang Gattaran at Tugue-
garao.
     Lumipas ang isang linggo,  nagharap ang Tuguegarao at
Gattaran para sa provincial level. Ang mananalo sa dala-
wang bayang ito ay ang magi-
ging kinatawan ng lalawigan ng
Cagayan para sa Regional Com-
petition na gaganapin sa Ilagan,
ang kabisera ng lalawigan ng
Isabela. Ang ibang school sa Northern Cagayan ay hindi sumali sa paligsahang ito sa hin-
di alam na kadahilanan.
       Nagharap ng ang Tuguega-
Rao at Gattaran. Hindi pinalad
ang mga kinatawan ng "Singing
Category" ng Gattaran. Natalo ang kinatawan ng Primary, In- termediate at High school, ngu-
nit nanalo ang Instrumentalist na si Roger Salvatierra. Gitara ang ginamit niyang instrumen-
to. Mas pinaboran ng mga Hura-
do ang gitara kaysa sa "Accor-
dion." Ang "Fast" ni Roger ay ang "Lover's Guitar" at ang isi-
naling "Slow" ay kantang pina-
sikat ni Matt Monroe, ang "All
Of A Sudden."
      "Hindi na ako sasali sa Regio-
nal Ric," wika ni Roger kay Car-
ding. Ric," ang tawag ni Roger kay Carding.
      "Bakit naman Friend. Sayang
ang pagkapanalo mo sa probin-
cial level. Kapag nanalo ka sa
Regional ay National na ang su-
sunod. Ikaw ang representative
ng Region 2 Cagayan Valley" sa
"Instrumental," wika ni Carding.
       "Kung kasama ka sana, tutu-
loy tayo sa Ilagan, Isabela," wika
uli ni Roger.
      "Wala tayong magawa. Hindi
pinalad ang "Singing Category"
natin. Nasabi tuloy ng Coach na-
ting si Miss Ralleta na "Lutong
Macao" daw. Pero ayos lang iyon
dahil nadagdagan ang "expe-
rience ko sa pag-awit," wika ni
Carding.
      "Okey lang. Baka pagdating sa Ilagan ay marami nang ma-
gagaling na "instrumentalist" na
na taga Isabela at Nueva Vizca-
ya," wika ni Roger uli.
      Sumunod na laban ay hindi
na nga tumuloy si Roger sa Ila-
gan kung saang gaganapin ang
Regional Literary Musical Con-
test. Siya sana ang kinatawan ng Cagayan sa"Instrumentalist Ca-
gory."
      Pebrero, 1973. Minsan ay
nagkayayaan ang ilang magka-
klase sa Section A ng 3rd year
na mamasyal sa Barangay nina
Venus. "Rough road" lang ang
kalsada patungo kina Venus.
Wala pang sasakyang duma-
daan dito pero kayang lakarin.
Hapon ng Biyernes iyon. Kapag
araw ng Biyernes ay maagang
pinapauwi ng mga Teachers ang mga estudyante ng Northern Philippines Academy dahil kara-
mihan sa mga ito ay nanganga-
sera lang. Isa pa, medyo mahi-
rap sumakay patungo sa mga
Barangay na masyadong malayo sa bayan ng Gattaran kapag ma-
dilim na.
      "Mga ilang oras ba nating la-
karin papunta sa inyo," tanong
ni Belma, isa sa mga kaibigan ni
Venus.
      "Mga isang oras. Ano, kaya
mong lakarin," tanong ni Venus.
      "Kayang-kaya "Classmate,"
wika ni Belma.
Tahimik lang si Carding. Hin-
di lang niya masabi sa mga ka-
klase na sanay siya sa lakaran
kahit bundok pa iyan dahil nag-
kakaingin sila ng magulang. Isa
pa, dati siyang Caddie. Kulang-
kulang anim na kilometro ang
nilakad niya sa loob ng apat na
oras na paglalaro ng mga player
na pinagkakadihan niya sa Va-
lley Golf Club sa Antipolo, Rizal.
      Pasado alas-5:00 ng hapon
nang marating ng mga magka-
klase ang tinitirhan nina Venus
sa Barangay Cabayo, Gattaran,
Cagayan. Bale anim sila, tatlong
babae at tatlong lalaki. Malaki
ang bahay nila Venus. Halatang
may kaya sa buhay ang magu- lang niya. Nang panahong yaon ay Kapitan ng Barangay ang Tatay ni Venus, si Kapitan Luis.
Matagal nang Kapitan ng Ba-
rangay Cabayo si Kapitan Luis. Ibig sabihin ay magaling siyang
mamuno ng mga kabarangay
niya kaya laging nananalo tu-
wing may Barangay Election.
      Pinakbet ng mga Ilokano ang inihandang pagkain ng mabait na Ina ni Venus. Mayroon ding
ginisang munggo na may sahog na inihaw na dalag at tinolang
manok na "native." Ang panghi-
magas ay pulot na gawa sa tubo.
Ito ay medyo "liquid" na kung
tawagin sa wikang Ilokano ay
"pulitipot."
      Pagkatapos ng hapunan ay may konting "bonding" ang mga
magkaklase. Isang oras ang lu-
mipas, mga alas-8:00 na ng gabi
nang sila'y natulog. Maliban kay
Carding na hindi agad dinalaw
ng antok, ang limang kaklase ay
tulog na tulog na. Inisip niya na alangan siya sa pamilya ng ka-
sintahan kung "standard of li-
ving" ang pag-uusapan. Kaya ka-
ilangang makatapos siya ng pag- aaral para hindi na siya maging
alangan kung sila nga ang mag- kakatuluyan. Kinabukasan ay
araw ng Sabado, araw ng pa-
lengkehan sa Gattaran.  
      Pagkatapos ng kanilang al-
musal ay gumayak na ang li-
ma. Sa hapon pa ng Linggo lu-
luwas si Venus papuntang Ga-
ttaran. Libre siyang nanganga-
sera sa Tiyahin niya na ang ba-
hay ay kaharap lang mismo ng
kanilang eskuwela. Si Carding
naman pagdating sa Gattaran ay
hinanap niya si Teta na regular
na namamalengke tuwing araw
ng Sabado para lang bumili ng
lamang-loob ng karne ng kala-
baw na ginagawang pinapaitan
lalo na tinatawag na tuwalya-
tuwalyahan at isaw.
      Mga alas-11:00 ng umaga ay
ay pauwi na sina Carding kasa-
ma ang ilang Taga Minanga sa-
kay ng bangkang de sagwan.
Mga 30 minuto lang ay sinapit
nina Carding ang kanilang Na-
yon. Mabilis ang pauwi dahil
paayon sila sa agos ng Cagayan
River. Pagdating sa bahay ay
naroon na si Melania, ang bun-
song anak ni Teta. Grade 6 siya
sa Gattaran Central School. Pa-
dado alas-12:00 ng tanghali nang nanghalian ang pamilya
Pinapaitang lamang-loob ng ka-
labaw ang ulam nila na si Car-
ding mismo ang nagluto. Gus-
tung-gusto ni Teta ang timplada
ni Carding sa kahit anong ulam
ang niluluto. Mahilig kasing magluto si Carding. Paborito ni-
yang iluto ay ang pinakbet.




           (may karugtong)











NANG SUMILAY ANG LIWANAGWhere stories live. Discover now