"Pagmamahal o Paghihiganti Full Story"

4 0 0
                                    

"Pagmamahal o Paghihiganti?"

Author: Bulakenyang Manunulat

Isang hamak na taxi driver ang ama ni Charlene ybanez na si Mang canor.
Nakatira sila sa Pasay city kung saan maraming dikit-dikit na bahay..
Tatlo silang magkakapatid at si Charlene ang panganay..Nagtatrabaho ito bilang isang Masahista sa isang kilalang Beauty Facial and Body Massage Center..

Simple lang ang buhay ng dalaga, sakto lang ang kinikita nilang mag-ama para sa pang araw-araw na gastusin..kasalukuyan pang nag aaral sa high school at elementary ang dalawa niyang kapatid..

Si mang Canor ay nagrerenta ng taxi sa isang malaking taxi company sa pasay..
Pag aari iyon ng multi billionaire na si Mr.Lopez...hindi lang sa pasay ito may taxi company kundi sa ibat ibang lugar sa pilipinas.

Isang tawag mula sa kapatid niyang si cara ang nagpa gulat sa dalaga...

" Ano???? saang prisinto?? sige..sige pupunta na ko jan.!" at binaba na nga ni Charlene ang cellphone.

Nagpaalam siya sa manager niya na mag a-undertime siya dahil sa nangyari..

Nasangkot sa isang operation ng mga police kontra droga ang taxi na gamit ng tatay niya.

Dalawang chinese ang sumakay sa tatay niya na kapwa drug dealer pala...
Kung kaya pati ang tatay niya ay kasamang inaresto ng mga police.

"Maam kailangan po natin i-detaine ang tatay niyo dahil sasakyan niya po ang gamit sa bentahan ng droga.!" ani mamang pulis.

"Sir nagkataon lang po na sa kanya nakasakay ung dalawang drug dealer na un! ani charlene.

" kaya nga maam..habang iniimbistigahan pa ang kaso mananatili muna dito ang tatay niyo.
pwede po siyang makalabas ky mabayaran niyo ang bail sa kanya na isang daang libo!" paliwanag ng pulis.

"jusmiyo saan naman po kami kukuha ng ganoon kalaking pera..mahirap lang po kami at hindi kami nakakahawak ng ganoon kalaking pera." ani charlene.

"wala po tayo magagawa maam kjndi hintayin na umusad ang kaso..at pag napatunayan po na hindi sangkot ang ama niyo pwede naman po siyang makalabas.

Bumuntong hininga ang dalaga at nag isip kung paano mailalabas ang ama.
Hindi pwedeng magtagal sa loob ng kulungan si tatay dahil matanda na ito at may konting karamdaman narin.

Mula sa prisinto ay nagtungo si Charlene sa opisina ni Mr.Lopez.
Hihingi siya ng tulong dito para mailabas ang ama sa kulungan.

Sa 10th floor matatagpuan ang opisina ng bilyonaryo..ngunit hinarang siya ng secretary nito.

" im sorry maam hindi po kayo pwedeng pumasok.!" wika ng sekretarya.

" kailangan kong makausap ang si Boss mo pakiusap! nadamay sa drug operation ang tatay ko at kailangan niya ng tulong ni Mr.Lopez!" nagmamakaawang sabi ni Charlene

"Naiintindihan ko kayo maam pero hindi po pwedeng basta-basta kayo papasok sa opisina...maupo po muna kayo at ipagpapaalam kita kay boss.!" wika ng sekretarya.

Naupo sa isang upuan malapit sa opisina ang dalaga..hinintay niya lumabas ang sekretarya para alamin kung pumayag ang boss nito na makausap niya.

Ilang minuto pa ng lumabas ang sekretarya nito.

"Maam sorry po pero hindi pwedeng makausap si Boss..May virtual conference po sila nh mga manager ng ibat ibang branch ng taxi company.! Pero nasabi ko na po ang pakay niyo...at pinabibigay niya ito!"

Isang sobre iyon na may laman na Limang libong piso.

Tinanggap ng dalaga ang sobre dahil malaking tulong din un,kahit na ang nais niya sana ay pakiusapan si Mr.Lopez na baka magawang ng paraan kung papakiusapan ang mga pulis na mabuting tao ang ama niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Pagmamahal O Paghihiganti"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon