Nagising ako dahil sa pagtama ng sikat ng araw sa mukha ko, minulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang tahimik naming bahay.
Wala ang mga kapatid ko dahil may mga pasok, habang sila mama at papa ay nasa trabaho na siguro.
Tiningnan ko kung anong oras na at 8:30 am na, kailangan ko nang mag ayos dahil baka ma dis oras ako ng pasok pero bago yon ay naglinis muna ako ng bahay at pinakain ang mga alagang hayop.
Pumunta na rin ako kay mama para humingi ng pambiling ulam dahil malapit lang naman kung saan nag t-trabaho si mama.
Bumili nalang ako ng luncheon meat at prinito ito. Natapos ko na lahat ng gawaing bahay at sarili ko naman ang inihanda ko.
Dumating na rin ang kapatid kong bunso na si Ethan, siya ay 11 years old na. Ibinilin ko na kumain na siya at ako ay aalis na.
“Sa kanto lang po” saad ko sa tricycle driver at sumakay na.
Pinagmasdan ko lang ang mga bata na nagsisiuwian na, mga batang pawis dahil paniguradong naglaro ang mga ito.Napangiti na lamang ako dahil naaalala ko noong ako ay elementary student pa lang. Masyadong mabilis ang panahon at ngayon ay graduating na ako ng High School.
“Ne, sa kabila ka ba?” kaya tumango ako at pagkababa ay nagbayad na at nagpasalamat. Nang may makita akong jeep ay ipinara ko ito at sumakay na, nagbayad ako at ipinikit na lang ang mata dahil malayo-layo pa ang byahe.
Iminulat ko ang mata ko at nagulat dahil malapit na pala ako, buti na lang at hindi ako lumagpas.
Bumaba na ako ng jeep kung saan ang babaan at sinimulan nang maglakad.Mausok at mainit kaya nahihirapan akong huminga ng maayos, pero hindi ko na ito masyadong pinansin pa.
Nakarating na ako sa room na hinihingal dahil 3rd floor pa ang room namin, nandoon na rin si ate Arella, katapat ko lang naman siya ng upuan kaya tumabi muna ako sa kaniya para makipag kwentuhan.
Maya maya pa ay dumating na rin si ate Dara, ate Kira at ate Aelia kaya naging maingay na.
“May recitation daw ngayon sa Philosophy!” biglaang sabi ng isa naming kaklase na si Aria kaya binalot ako ng matinding kaba, hindi ako handa at natatakot ako na baka hindi ko masagot ang tanong sa’kin.
Dahil sa recitation kailangan mong tumayo kapag ikaw na ang sasagot kaya ang mga mata ay asahan mong nakatingin sa’yo.
Umingay ang buong room at pare-pareho kami ng nararamdaman, mga kinakabahan.
Nagsimula kaming magbasa ng mga notes nila ate Dara habang si ate Aelia ay nagbibiro pa dahil masyado raw kaming seryoso. Alam kong dinadaan na lang din ni ate Aelia sa biro ang kabang nararamdaman nito.
“Bakit ang bilis lumamig sa room ngayon?” pabirong saad ni Jeyden.
“Hindi ako handa!” pasigaw na sabi ni Ivy.
Mga hindi matigil dahil sa kabang nararamdaman, nagkakagulo at nag heheraman ng notes para mag review. Pero natigil kami at natahimik ng dumating ang prof namin sa Philosophy at may dalang index card.
“Hinga Chandra, index card lang iyan, ikalma mo lang.” sabi ko sa isip ko dahil nanginginig na ako sa kaba.
Bigla kaming tiningnan lahat ni sir Kevin at natawa sa mga reaksyon namin.
“Oh ang tahimik niyo naman ata ngayon?” tanong niya. Nagulat ako dahil sabay sabay na nag react ang mga kaklase ko kasama na ang mga kaibigan ko.
“Eh sir sino ba naman pong ‘di kakabahan, sinabi po may recitation daw!”
“Ayan na ang mahiwagang index card!”
“Mag dasal na kayo!”
Kaya lalong natawa si sir Kevin. Pinatayo muna kami nito para mag dasal at tsaka siya bumunot ng isang index card.
“Garcia, Clyde” napakamot sa ulo si Clyde at tumayo.
“Sir pass po!” natawa kaming lahat sa sagot niya.
“Wala pa nga eh, pero eto na… It is the study of beauty and arts…” saad ni sir Kevin at napangisi si Clyde dahil madali ang tanong na napunta sa kaniya.“Sir Aesthetics po” proud na sagot niya kaya pumalakpak at napatayo pa ang mga kaibigan, nakipag apiran pa sila kaya umingay ang buong klase, dahilan para matawa si sir at pinaupo na si Clyde.
Kinakabahan na ako kaya hindi na ako makapag isip ng maayos, napansin yata ako ni ate Dara kaya hinawakan niya ang kamay ko.
“Okay ka lang ba bunso?” concern na tanong ni ate ate kaya napailing ako. “Kinakabahan po ako ate” hindi na siya nagsalita at hinawakan na lamang ang aking kamay kaya kahit papano ay nabawasan ang kaba ko.
Marami na halos ang natawag sa mga kaklase ko at bilang nalang kaming hindi pa natatawag.
“Okay! Next… Beatriz, Dara!”
Kaya tumayo na si ate Dara at nakinig nang mabuti sa tanong ni sir. “What is the importance of Philosophy?” lahat ay hinihintay ang isasagot ni ate Dara dahil isa siya sa matataas ang mga nakukuhang scores.“Sir try lang po… The importance of philosophy po… is to encourage people to think carefully and meticulously about important issues or problems po.” sagot ni ate Dara at lahat ay pinalakpakan siya dahil sa galing niyang sumagot.
Napangiti si sir Kevin at nag sulat sa index card ni ate Dara. Inaasahan ko na, na ako ang matatawag kasunod ni ate at hindi nga ako nagkamali.Tiningnan naman ako ni ate Arella at tinanguan at huminga ako ng malalim bago tumayo.
“Okay Chandra, here’s your question… The study of knowledge is called…”
Alam ko ‘to, nabasa ko ‘to kanina, tandaan mong maigi Andra.
“E-epistemology po” nauutal ko pang sagot at tumango naman si sir na sinasabing tama ako kaya nakahinga ako ng maluwag at natawa pa kami nila ate Aelia.Natapos na ang oras ng Philo kaya oras na ng break time, as usual pumunta kami ng cafeteria at bumili lang ng fries dahil hindi naman kami gutom.
Paakyat na kami sa room at dahil 3rd floor nga ay nakakatamad akyatin kaya habang paakyat na sa hagdan ay naglalaktaw ako ng isang baitang at ginaya naman ito ni ate Arella. Napakunot ang noo ko dahil minsan ay dalawang baitang pa ang nilalaktawan niya kaya nauunahan niya ako.
Tinakbo ko nalang ito hanggang sa nagpapabilisan na kami ni ate Arella sa pag akyat. Nang makarating na sa 3rd floor ay ganon nalang ang hingal ko kaya nasermunan ako nila ate Dara.
“Ayan takbo pa, ngayon naghahabol kayo ng hininga” saad ni ate Dara habang nakatingin sa amin ni ate Arella.
“Ikaw kasi eh, kulit mo”
“Ikaw po kaya yon, nanggagaya ka po!”
Hanggang sa nakapasok kami ng room at nag simula na ang klase.Natapos ang klase at ganon nalang kami kapagod dahil maraming pa games lalo na sa PR, masyadong competitive ang iba kaya naging mainit ang laban pero masaya.
Uwian na at sabay kaming naglalakad ni ate Dara palabas ng school dahil nauna na sila ate Aelia. Mahaba na naman ang pila sa sakayan nila ate Arella kaya nakita pa namin siya.
Kumaway lang kami at dumeretso na kami sa kapitolyo dahil gusto ko ng umuwi para mag pahinga. Marami ang mga naghihintay ng jeep,kaya medyo natagalan pa kami sumakay.
Kalahating oras lang halos ang byahe dahil mabilis kung magpatakbo ang driver kaya nang ako ay makauwi na ay nagpalit lang ako ng damit at inaya ang mga kapatid ko na manood ng movie dahil weekends naman pala bukas.
Natulog na rin kami after namin manood ng movie dahil baka pagalitan kami ni papa pag nakitang gising pa kami.
