Nagpaalam na ako kay mama na aalis na ako dahil ako ay may pasok ngayon.
(September 28, 2022, 11:30 am.)
Kung nagtataka kayo kung bakit ganitong oras ako papasok ay dahil hapon ang schedule namin ngayong 1st semester. 1 pm ang start at 6 pm ang tapos, para sa akin ay hassle ito dahil anong oras na nakakauwi ang iba dahil sa walang masakyan kapag gabi at ramdam ko iyon kaya madalas ay pagod kami kung umuwi.Isang oras halos ang byahe papunta sa paaralan na aking pinapasukan kaya maaga ako kung pumasok dahil ayoko naman na ma late ako sa klase.
Ako nga pala si Chandra Vasquez. Labing pitong taong gulang at nag-aaral sa isang pribadong paaralan sa Bulacan bilang grade 12 student.
Ako lang ang babae sa aming magkakapatid Ang sabi ng iba buhay prinsesa kapag ikaw lang mag-isa sa inyong magkakapatid na babae.
Ano kayang feeling non?
“May bababa ba sa crossing?” pasigaw na tanong ni manong driver.
Naghihintay ako kung mayroong sasagot, hindi naman kasi gano’n kalakas ang boses ko kaya nahihiya akong magsalita.
At nagpapasalamat ako na mayroong sumagot. Inihinto naman ni manong driver ang jeep sa kapitolyo dahil sa taas sila dadaan, at no choice ako kundi lakarin hanggang school.
Bumaba na ako ng jeep at sinalubong ako ng malamig na simoy ng hangin dahilan kung bakit gumaan ang aking pakiramdam. Ilang minuto akong naglakad bago makarating sa school, masyado yata akong napaaga dahil uwian pa lang ng mga pang umaga.
Binati ako ng "good morning" ng mga security guard kaya ibinalik ko rin ito sa kanila. Pumunta na ako sa building namin at bumungad sa akin ang nag bababaan na mga estudyante kaya dumeretso na ako sa room, binaba ang bag at umupo kung saan ako naka pwesto.
Ilang minuto lang ay marami na kami sa room, hinintay lang namin ang prof na naka assign sa amin ngayon at nagsimula na itong magklase.
“Bakit ba kasi naisipan ko pang mag STEM!” reklamo ni ate Aelia, isa sa mga kaibigan ko at siya ang pinaka hyper sa aming lima or should I say, ang extrovert sa amin.
Natawa naman kaming apat dahil sa reklamo niya.
Kakatapos lang kasi namin mag klase sa physics, puro pa computations ang lesson kaya ganito kapagod sa utak HAHAHA…“Sige, lipat ka na sa ABM, sumasakit na rin tenga namin dahil sa kaingayan mo.” pabirong saad ni ate Kira.
Si ate Kira ang kasama ni ate Aelia lagi sa biruan, soft girl siya para sa akin pero maraming tao ang ilang sa kaniya dahil daw sa masungit itong tingnan pero kabaligtaran naman ito sa ugali niya.
Natawa nalang kami nila ate Dara at ate Arella dahil sanay na kami sa kanila.
Si ate Dara ang pinaka matured kung kumilos o mag-isip. Siya rin ang pinaka magaling sa amin pag dating sa acads para sa akin dahil sa kasipagan nito.Habang si ate Arella naman ang pinaka matangkad sa amin at hindi masyadong showy na tao. Nasa cafeteria kami ngayon dahil break time at dito kami madalas tumambay kapag walang magawa sa room.
“Anong susunod na klase?” tanong ni ate Dara kaya sinilip ko ang schedule at sinabi na Chemistry.
Umawang ang labi ni ate Aelia at alam ko na ang ipapakita nitong reaksyon kaya pinipigilan ko na ang tawa ko.
“Ayan! Isa pa yang Chemistry na yan! Hirap niya intindihin!” pasigaw na sabi niya sabay subo ng fries sa bibig niya.
“Hoy! Ang lakas talaga ng boses mo kahit kailan, tingnan mo pinagtitinginan na tayo.” sita sa kaniya ni ate Kira habang natatawa.
Nilibot naman nito ang kaniyang paningin at nakita na marami ngang nakatingin kaya nahihiya siyang ngumiti at kumaway sabay sabing “Hello po” kaya halos maubusan kami ng hininga kakatawa.
“Ugali talaga neto eh” sabi ni ate Arella habang napapailing pa.
Umalis na kami ng cafeteria dahil oras na para sa next subject, wala raw kaming teacher sa chemistry dahil may importante itong pinuntahan kaya halos may sariling mundo ang mga kaklase ko.
May naglalaro ng ML, may nag t-TikTok, may mga nag tatawanan at kwentuhan at mayroong mga natutulog.
Natapos na ang oras ng chemistry at FPL naman ang susunod, nag discuss lang at nang natapos ay pinauwi na rin kami.
Kasabay ko si ate Dara umuwi dahil pareho kami ng daan pauwi, habang si ate Aelia at ate Kira ay malapit lang sa school. Pero si ate Arella ay ibang daan.
Nasa labas na kami ng campus at nakita namin kung gaano kahaba ang pila sa jeep, kung saan sasakay si ate Arella mabuti na lamang ay may iba pa siyang kaibigan na nakapila na roon.
Nagpaalam na kami sa isa’t isa habang kami ni ate Dara ay pumunta na ng kapitolyo at doon naghintay ng masasakyan pero anong oras na rin kami nakasakay dahil maraming tao ang naka abang para makasakay din. Siksikan pa sa jeep na lalong nag pahirap sa amin.
Sinabihan ako ni ate Dara na magchat kung nakauwi na ako dahil kailangan na niyang bumaba sa jeep.
Ilang minuto ang nakalipas ay nakauwi na rin ako, nag chat ako kay ate Dara at ginawa lang ang mga dapat gawin at nag pahinga na dahil sa pagod hanggang sa makatulog ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/352848977-288-k489628.jpg)