Chapter 3

82 4 0
                                    

Eli impatiently tapping her fingers at the table of the restaurant where she in while keep on glancing at her wrist watch. It's 9:00 a.m already. Kanina pa siya bagot na bagot habang hinihintay ang pagdating ni Alex. Oo napapayag siya nito na makipagkita dito. Kung hindi lang talaga dahil sa kalokohang ginawa nito ay hinding-hindi talaga siya makikipagkita pa dito kahit kailan.

"Hello?" Walang gana niyang sagot sa kabilang linya nang mag ring ang kanyang cellphone.

"Good morning, miss El. I would like to inform you na nandito ngayon si Ms. Jane and her staff of Meg Magazine. She was asking if available ka today for the interview about our new summer collection." Pormal na sabi ng assistant niyang si Shelly.

Napahilot nalang ng noo si Eli. Andami niyang kailangan gawin sa botique pero andito siya ngayon mukhang ewan na naghihintay sa walang kwenta niyang ex.

"I have an appointment today. Tell her to be back later of the week."

"Okay miss El I'll tell her. And oh! One more thing miss El. Tumawag yung supplier ng mga threads natin. They said na baka ma delay daw yung delivery due to upcoming storm. They were asking for your consideration."

"Oh well... ano pa nga ba magagawa ko?" Napabuga siya ng hangin.

"And..." Sabi ni Shelly na nahalatang nag aalangan pa. Na sesense siguro nito ang pagka stress niya.

"Spit it out Shelly."

Bumwelo muna ito bago sumagot. "Mr. Han-Sy lawyer also called and would like to have a word with you this afternoon."

Napatigil si Eli sandali sa narinig. She was expecting it from Billy to send his lawyer but she's not expecting it this soon.

"Call him and tell him I'll be back by lunch." She said at tinapos na ang usapan nila.

"I can't believe this!" She hissed nang muli niyang tingnan ang kanyang relo bago sumimsim ng tubig. She's stressing out dahil sa sunod-sunod na problema niya. Dumagdag pa itong si Alex. Kung hindi lang dahil sa sinabi nito noong huling pag-uusap nila ay wala sana siya ngayon dito. Klaro pa sa kanyang isipan ang pinag-usapan nila one week ago...

"What the hell do you want from me Alex?!" Eli asked angrily nang makabawi ito sa pagkagulat.

Alex composed herself bago ito sumagot. "How are you?"  Pagbabalewala nito sa galit niya.

Lalong uminit ang kanyang tenga dahil sa iritasyon."Seriously? Ang kapal din ng mukha mo para itanong sakin yan." Bwelta naman niya. "Pagkatapos ng gusot na ginawa mo itatanong mo pa sakin yan?"

Alex took a deep sighed. "I'm tired, Eli... I don't want to argue."

She rolled her eyes. "Bat parang naging kasalanan ko pa? Kailangan ko ba ma guilty dahil galit ako sayo sa ginawa mo gayong pagod ka? Damn you Alex! Napaka selfish mo! Tingin mo ikaw lang yung napapagod? Ako pagod na pagod na ako sayo at sa mga kasinungalingan mo! Maayos na ang buhay ko pero heto ka't ginugulo mo na naman ako! Ayusin mo tong ginawa mo para hindi na ako namomoblema pa sayo."

Alex holds her chest for the stinging pain she felt. She can't blame Eli though. Masyado malaki ang kasalanan niya dito para kausapin siya nito ng maayos.

"That hurts..." Alex whispered more to herself pero narinig pa rin ito ni Eli basi sa mapang uyam na ngisi nito. Sh*t! But she can't turned herself down. Not now.

"I see... so you really wanted to marry that guy huh?" Hindi niya maintindihan pero parang may biglang bumara sa lalamunan niya sa isiping iyon. Thinking that Eli was about to get married puts her in the pit of hell.

I Want You Back (FREENBECKY)Where stories live. Discover now