Chapter 4

214 4 2
                                    

Alex groan while sticking her tongue inside her cheek matapos niyang ilapag ang cellphone sa kanyang table. Deretso niyang tinungga ang baso ng wiskey pagkatapos ay pinuno muli ito. Nandito siya ngayon sa opisina niya sa bar na pagmamay-ari niya at nilulunod ang sarili sa alak. She's been texting and calling Eli for several times ngunit hindi ito sumasagot sa kanya. For the last attempt she dialed Eli's number and to her dismay, nakapatay na ang cellphone nito. Obviously ay ayaw siya nitong kausapin. Naiintindihan naman niya kung bakit hirap na hirap itong paniwalaan siya. Pero papaano niya maaayos ang lahat kung sa bawat subok niya ay agad siyang hindi binibigyan ng pagkakataong magpaliwanag.


Twelve years ago simula nang hiwalayan niya si Eli ay sinubukan niyang sundin ang kagustuhan ng kanyang ama. Inayos niya ang relasyon niya kay Heidi alang-alang sa negosyong bumubuhay sa kanila lalong lalo na sa ate niya. Kahit hirap na hirap siyang pakitunguhan ito ay pinilit pa rin niya ang sarili niya. Mabuti na lamang at sa states ito nag-aral ng college kaya medyo naging magaan sa kanya ang lahat.

Nang gumraduate siya ay sinikap niyang magtrabaho sa kompanya nila. Nagtagumpay naman siyang iangat muli sa pagkakalugmok ang kompanya nila as she became the new CEO of Chankimha's corporation which supplies spare parts of cars sa iba't ibang bahagi ng bansa. Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya upang maging magaling sa trabaho niya. Her father became so proud of her. Little did he know na kumukuha lamang siya ng tyempo upang mag ipon at magtayo ng sarili niyang negosyo. Which eventually happened after some years of sacrificing.

Not until one day. Nagulat na lamang siya nang madatnan ang bagong dating galing abroad na si Heidi kasama ang mga magulang nito sa bahay nila at kausap ang parents niya. Ang buong akala niya ay simpleng pagtitipon lamang ang nagaganap ngunit yun pala ay pinagpaplanuhan na ng mga ito ang nalalapit nilang kasal. She was so disappointed at that time sa parents niya lalong lalo na sa daddy niya. Although naka recover na sa sakit ang ate niya pati na rin ang kompanya ay nagawa pa rin siya nitong ipatali sa taong hindi niya mahal. Hindi pa rin pala naging sapat lahat ng paghihirap niya kapalit ng kalayaan niya.

Hindi niya alam kung hanggang kailan niya isasakripisyo ang kaligayahan niya para sa pamilya niya. Hanggang sa dumagdag pa sa sakit na nararamdaman niya ang balitang ikakasal na si Eli sa iba. Mabuti na lamang at agad niyang nakontak ang pinsan niyang si Kirk na nabibilang ngayon sa pinakakilala at pinakamagagaling na abogado sa bansa. Hindi siya nag atubiling humingi ng tulong dito upang huwag mawala ng tuluyan si Eli sa kanya. Hindi naman lihim dito ang sa kanila ni Eli dahil ito pa nga ang pinakiusapan niya noon na sumundo at maghatid dito noong prom night nila. Kaya ito ang naging daan sa pag peki ng kasal nila.

In an instant, para na rin siyang nakawala sa hawla nang hindi natuloy ang kasal nila ni Heidi dahil sa pag-aakala ng mga ito na kasal na siya kay Eli. Noong una ay ayaw pa nilang maniwala dahil ni minsan ay hindi pa naman nila nakikilala si Eli maliban na lang kay Heidi. Kaya nangako siya sa mga ito na dadalhin niya si Eli sa kanila at ipapakilala. Lingid sa kaalaman ng mga ito na walang kaalam alam ang huli sa mga pinagagawa niya. Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin siya dahil kahit papaano ay nakagawa siya ng paraan upang makabalik ito sa kanya.

Samantala...

Saktong inilo-lock na ni Eli ang pintuan ng kanyang botique nang bumuhos ang napakalakas na ulan. Pinauna niya kasing umuwi ang assistant niyang si Shelly dahil may kailangan pa siyang tapusin sa opisina. Napamura siya at mabilis na binuksang muli ito at patakbong pumasok sa loob. Pag minamalas ka nga naman. Sumakto pang sira ang kotse niya ngayon. Nagdesisyon siyang bumalik na muna sa opisina niya at hintayin na lamang ang pagtila nito bago umuwi. Kung tutuusin ay pupwede naman siyang magpalipas ng gabi dito dahil meron naman siyang sariling kwarto sa office niya. Pinasadya niya talagang palagyan ito doon para sa mga pagkakataong katulad nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 22, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Want You Back (FREENBECKY)Where stories live. Discover now