Chapter 1

158 6 2
                                    

Simula nang gabing iyon ay hindi na muli pang nakita ni Alex si Eli. She watched Eli's back as she ran away with tears out of the gymnasium. Nabalitaan na lamang niya sa mga kaibigan nito na pumunta na ito sa England kung saan naroon ang ama nito. Doon na ito magtatapos ng pag-aaral. Labis ang pagsisisi ni Alex sa nagawa nito kay Eli. Hindi siya makapaniwala sa sarili niya. Paano niya kinaya at hinayaan lamang ito na itulak at lait-laitin ni Heidi? At ang malala pa ay paano niya nasikmurang saktan ang damdamin nito sa harapan ng maraming tao. Hindi man umiba ang pagtingin at paghanga sa kanya ng karamihan ngunit umiba naman ang pagtingin sa kanya ni Eli. Iyon ang nasisiguro niya.

Kaya nangako siya sa kanyang sarili na hahanapin niya si Eli ano man ang mangyari upang makahingi ng tawad at maibalik ang dating pagtingin nito sa kanya. She wants Eli back in her life...

again.

12 years later...

Eli took another photo of her wedding dress and sigh. Ilang beses na niya itong kinukuhanan ng litrato ngunit agad niya rin itong binubura. Hindi siya makontento sa pag-iimagine lamang ng kanyang sarili na suot ito ngunit higit pa doon ang nais niyang gawin. Kung bakit ba kasi paulit ulit na umaalingawngaw ang boses ng kanyang ina sa isipan niya na huwag na huwag niya itong isusukat. Pwede niya raw itong hawakan ngunit bawal niya itong isuot kapag hindi pa araw ng kanyang kasal. Hindi daw kasi matutuloy ang kasal niya kapag ginawa niya yun.

Nakuntento na lamang siya sa pagtitig at paghawak dito. Napakaganda kasi nito kaya hindi niya masisi ang kanyang sarili kung bakit gustong gusto niya na itong isuot. It was her design after all. Her masterpiece. Ito talaga ang klase ng wedding gown na gusto niyang isuot sa araw ng kanyang kasal. Ang kasal na dati ay pinapangarap niya lamang kasama ang nag iisang tao na minahal niya ng buong buo. Ang taong matagal na niyang kinalimutan kasama ng pag-ibig na ibinaon niya lahat sa limot.

Muli siyang nagpakawala ng malalim na hininga bago siya bumalik sa office table niya. Marami na ang nagbago kay Eli. Hndi lang sa pisikal na anyo ngunit pati na rin sa estado ng pamumuhay. She owned a fashion boutique na siya lahat ang nag dedesign. Ang pangalan niya ay unti-unti nang nakikilala sa fashion industry. Hindi na siya badoy manamit kagaya noong highschool siya. Wala na ang kanyang kulay pink na braces at ang makapal niyang eyeglasses ay napalitan na nang contact lense. Hindi na rin siya utal magsalita at tumaas na ang level of confidence niya. Ibang-iba na siya sa dating Eli na binubully noong bata siya. And she is now engaged to the business mogul, Billy Han-Sy.

Nakilala niya si Billy sa Paris noong nag-aaral siya ng fashion design. Nagkasundo sila agad dahil sa marami silang pagkakapareho. Umuwi si Eli ng Pilipinas 2 years ago at nag desisyon na magtayo ng sarili niyang botique sa tulong ng kanyang ama. Ito ang Eli's fashion botique. Aaminin niya na ang pagpapakasal niya kay Billy ay hindi dahil sa mahal niya ito kundi dahil sa practicality. Kapag pinakasalan niya ito ay sigurado na ang future niya pati na rin ng mga magiging anak niya. Eli doesn't believe in love anymore. She believed it once and after of what she'd been through, she decided not to believe in it ever again.

Eli is trying to make a new design in her sketch pad when her cellphone rings. Bigla siyang napangiti ng makita ang caller i.d. She pick it up and answer the call.

"Yes, hello?" She smiled soflty.

"Hey baby, what are you doing?" It was Billy on the line.

"Eto... nagpipigil ng sarili na wag isuot ang wedding dress ko." Natawa siya sa kanyang sinabi.

"Hahaha. Can't wait for the wedding day huh?"

His laughter is like music to her ears. Masaya siya na marinig ang tawa nito. They started off as friends kaya kahit paano ay masaya si Eli na malamang napapasaya niya si Billy.

I Want You Back (FREENBECKY)Where stories live. Discover now