Noong unang panahon, Kalangitan at Karagatan pa lang ang mayroon. May isang Malaking Ibon na pagod na pagod na kalilipad ang naghahanap ng madarapuan. Pero wala. Sa inis, binuyo nito ang Kalangitan at Karagatan na mag-away. Nagpaulan, nagpakulog, at nagpakidlat ang Kalangitan. Bilang ganti, nagpaalon at nagpabagyo naman ang Karagatan. Para matigil na ang Karagatan, binato ito ng Kalangitan ng malalaki at tipak-tipak na bato. Nang maglaon, ang mga bato ay naging mga isla ng Pilipinas.
Sa paglipad ng Malaking Ibon ay natanaw nito ang isang punong kawayan sa gitna ng kakahuyan. Nang dumapo ito rito para magpahinga, nakarinig ito ng katok.
TOK TOK TOK!
"Tulungan mo ako... Palayain mo ako..." sabi ng boses na nanggaling sa loob ng kawayan.
Tinuka ng Malaking Ibon ang punong kawayan. Pagkabiyak, lumabas ang matipunong lalaki at mahinhing babae.
"Salamat sa tulong mo, Ibon. Ako si Malakas at siya naman si Maganda."
BINABASA MO ANG
Myths, Legends, and Folklore (Fanfic)
FanfictionReimagination of myths, legends, and folklore of the Philippines 1. Si Malakas at Si Maganda 2. ?