Fanfic 1: Si Malakas at Si Maganda

9 0 0
                                    

Noong binato ng Kalangitan ng tipak-tipak na bato ang Karagatan para mapigilan ang galit nito noon, di sinasadyang naisama ang punong kawayan sa mga ibinato. Nabaon ito sa bato na kalaunan ay naging isla.

Sina Malakas at Maganda na laman ng punong kawayan ay nawalan ng malay dahil sa impact ng pagkakabato. Nang magkamalay, makikita nila ang kapaligiran sa labas ng punong kawayan, na nasa kakahuyan sila.

Hindi nakahubad sina Malakas at Maganda kundi naka-skin toned bodysuit. Maraming button at lever na mukhang high-tech ang loob ng punong kawayan. Wala nga lang itong ilaw at mukhang nag-malfunction dahil kahit anong pindot at pukpok, ayaw bumukas ng pinto. Buti na lang nakita nila ang Malaking Ibon na dumapo sa kanila at namahinga.

TOK TOK TOK!

"Tulungan mo ako... Palayain mo ako..." pagmamakaawa ni Malakas habang kumakatok si Maganda.

Tinuka ng Malaking Ibon ang punong kawayan. Pagkabiyak, lumabas ang matipunong lalaki at mahinhing babae.

"Salamat sa tulong, Malaking Ibon. Ako si Malakas at siya naman si Maganda."

Natakot sa kanila ang Malaking Ibon na sumigaw pa. Napayuko ang dalawa sa takot nila sa growl nito. Pumagaspas at lumipad palayo ang Malaking Ibon habang napaluhod ang dalawa to protect themselves.

Nang makaalis na ang Malaking Ibon, nagpalinga-linga sila sa paligid.

"Tama ba tayo ng napuntahan?"

"Ang tanong, gumana ba?"

"Mukha naman. 'Yung Malaking Ibon kanina, extinct na 'yon e."

"Sabagay." After a while, mahaba na ang nilalakad nila sa kagubatan nang mag-usap uli sila.

"Assuming na tama tayo ng ni-landing-an, nakaisip ka na ba ng paraan paano natin ie-execute ang plan? Ako, 'yun pa ring patayin ang Serpent ang boto ko."

"Sa totoo lang, di ko pa rin maisip paano natin pipigilan si Eve na kainin ang Fruit. Besides, ni hindi nga tayo sure kung tama ba tayo ng timing e."

"Ano kaya ang mabubuong kwento pag di nakain ni Eve ang Fruit ng Tree of Knowledge, 'no?"

"Sana naman good na. Pag di siya nakakain, titira na lahat sa Garden of Eden."

"Di na mahihirapan manganak ang mga babae."

"Di na mapapagod mag-toil ng soil ang mga lalaki."

"Di na gagapang ang mga ahas."

"Haist, kung alam lang nila ang hirap na mararanasan sa labas."

Nahinto si Maganda sa paglalakad at natulala sa isang higanteng puno sa kalayuan.

"Is that what I think it is?" Kumikinang ang mata niya sa pagka-mesmerize. Tree of Knowledge of Good and Evil in the flesh!

"Oh, shit-" Natakpan agad ng nagulat na si Malakas ang bibig niya sabay hila sa braso ni Maganda.

"Why-" Nakahanap sila ng bushes na pagtataguan.

"Huli na. Nakagat na ni Eve ang Fruit." Sumilip si Maganda sa direksyon ng puno. Nakita nga niya na ngumunguya na si Eve habang pinagmamasdan ang hawak na Fruit. Nakita rin niya ang Serpent na nakalingkis sa tree branch.

"Patayin na natin ang Serpent," aya ni Maganda sabay dampot ng bato.

"Teka, wag ka magpadalos-dalos. Ano pa magagawa niyan e nangyari na. Di na mababago ang kwento kahit patayin ang Serpent," pinakalma ni Malakas si Maganda.

"Pwede pa, pwede pang mabago. Si Adam!" excited si Maganda sa naisip niya. Nangiti nang maluwag si Malakas.

Minamanmanan nila si Adam na natutulog sa damuhan. They smirked at each other.

Nagpupumiglas ang mga paa ni Adam habang tinatakpan ni Malakas ang bibig nito mula sa likod.

ADAAAM!

Malalagpasan ni Eve si Adam na hinila nina Malakas at Maganda sa bushes.

"Pinadala ba kayo ng Ama para may makasama kami ni Eve? Pero bakit n'yo ako kailangan itago? Isa ba itong laro?" sunod-sunod na tanong ni Adam nang makalayo na si Eve at tinanggal na ni Malakas ang kamay nito sa bibig niya.

"Aalukin ka ni Eve ng Fruit, ang pinagbabawal," inform ni Maganda.

Matitigilan si Adam. "Kumain siya?"

"Oo, kaya wag kang papayag. Mahigpit na ipinagbilin na wag kayong kakain," paalala ni Malakas.

"Kung nakakain na siya, huli na. Anuman ang mangyari sa kanya, mangyayari rin sa akin," malungkot na sabi ni Adam.

"Bakit, kung di ka naman kakain?"

"Ang Serpent naman ang nag-udyok. Labas ka sa usapan nila."

"Inihabilin sila sa akin kaya responsibilidad ko sila. Kaya anuman ang gawin nila, kasalanan ko dahil di ko sila napigilan." Iniwan na ni Adam ang dalawa para puntahan si Eve.

Napanood nina Malakas at Maganda nang hanapin sila ng Ama, nang dinamitan ni Eve sila ni Adam para takpan ang kanilang kahubdan, at nang palayasin sila ng Ama sa Garden of Eden kasama ang Serpent.

"Bigo tayo sa mission," malungkot na sabi ni Maganda.

"Mababago pa rin naman ang kwento dahil kahit napalayas sila, di naman nakakain si Adam ng Fruit. Wala siyang alam sa good at evil," kumbinsi ni Malakas.

"At dahil dun, baka maabuso pa si Adam. Baka gawan siya ng masama at tanggapin na lang niya 'yon dahil di niya alam na masama pala."

Sumakay na uli sila sa punong kawayan. Nagpipindot sila sa mga button sa loob nito hanggang sa mapaandar na nila ito.

"Time to go back," malungkot na announce ni Malakas.

"Hindi ito sapat. What if ulitin natin? I-set natin ng mas maaga para makarating tayo sa time na di pa nakakain ng Fruit si Eve. Subukan natin uli."

Napaisip si Malakas. May pinindot si Malakas. Napangiti si Maganda.

Rewind.

Noong binato ng Kalangitan ng tipak-tipak na bato ang Karagatan para mapigilan ang galit nito noon, di sinasadyang naisama ang punong kawayan sa mga ibinato. Nabaon ito sa bato na kalaunan ay naging isla.

Sina Malakas at Maganda na laman ng punong kawayan ay nawalan ng malay dahil sa impact ng pagkakabato. Nang magkamalay, makikita nila ang kapaligiran sa labas ng punong kawayan, na nasa kakahuyan sila. Nakadapo na sa kanila ang Malaking Ibon at namamahinga. Nangiti sina Malakas at Maganda.

To be continued.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Myths, Legends, and Folklore (Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon