CTJOL 13: Nightmare

48 1 0
                                    

KASALANAN MO! KASALANAN MONG LAHAT TOH!

H-hindi ko alam ang sinasabi mo.

HINDI MO ALAM! PAANONG HINDI MO ALAM! KUNG HINDI DAHIL SAYO BUHAY PA SANA SYA!

W-ala akong alam sa sinasabi mo. Sino ka ba? Bakit mo ko sinisisi sa hindi ko naman alam?

KUNG IKAW LIMOT MO NANG LAHAT NG KASALANAN MO! AKO HINDING HINDI! KASALANAN MO KAYA SYA NAMATAY! KAYA DAPAT SAYO MAMATAY NA DIN! MAMATAY KANA!!!

H-HWAG! H-HWAGGGG!!!

Air POV:

H-HWAGGGG!!!

Panaginip. Masamang panaginip.
This past few days lagi nalang akong nananaginip nang masama. Paulit ulit. Iisang senaryo.

Ano ba yun? Bakit ako nananaginip nang ganun? Sino ba sya? Sila?
____________________________________
Sea POV:

Nandito ako ngayon sa labas nang pinto ni besty. Anong oras na kasi hindi parin sya bumababa. Anyari kaya dun? Napapadalas na ang paggising nya ng tanghali.

"BES! HOY BESTY! ANONG ORAS NA TULOG KA PA BA?!"

huh? Hindi pa din sumasagot. Pasukin ko na kaya baka kung ano ng nangyari dun.

"Bes pasok na ko ha. Hindi naman nakalock pinto mo"

Pagpasok ko palang sa pinto ramdam ko na ang lamig para akong sisipunin sa lamig. Nasan na ba un?

Bawat kwarto kasi namin kakaiba. Hindi lang sya basta kwarto parang ibang demensyon sya. Gaya ng nabanggit ko dati parang heaven ang kwarto ni Air dahil sa mga ulap na nakalutang dito.

"Bes nasaan ka ba? Hwag mo naman akong pahirapan maghanap ng higaan mo. Maliwanag na dito dapat gising kana. Where na ba you? AIR ZIRCON NASAAN KANA?"

may nangyari ba na hindi ko alam? Hindi naman sya ganito.

Wait nakita ko na sya.

"Bes! Nandito ka lang pala. Anyari sayo?"

Tulala sya. Gising sya pero hindi umiimik. Nag aalala ako. Naulit na naman kaya.

Naulit na naman Sea. Ung panaginip ko. Habang tumatagal mas nagiging nakakatakot.

Sambit ni bes.
Naulit na nya sakin ito pero hanggang ngayon wala parin kaming clue kung bakit nananaginip sya nang ganun.

"Bes hwag mo ng isipin un. Magiging ok din lahat. Hindi man sa ngayon pero soon."

Pero Sea parang totoo talaga sya. Sa tingin mo may dahilan kaya kung bakit ako nananaginip ng ganito. Pangitain ba toh.

Halata sa mukha nya ang kaba at takot. Kung ano man yon sana naman hindi totoo.

"Pasensya kana Bes pero hindi ko din alam eh. Hayaan mo na lang muna yan. Hinahanap na nila tayo kaya tara na bilis."

Un lang ang tanging nasabi ko sa kanya. Ayokong mag isip ng iba sa ngayon. Ayokong pangunahan lahat ng nangyayari ngayon samin. Sa mundong ito madaming posibleng mangyari higit pa sa kaya mong isipin.

Pero Sea.-Air

"Tamana yan Bes. Wala ng pero pero.
Tara na. Sige na. Kung iisipin mo ng iisipin yan walang mangyayari kaya hayaan mo na lang. Tsaka mo na problemahin pag nandyan na. OKEY."
____________________________________

Steel POV:

YOH! Kilala nyo naman na siguro ako kaya hindi na ko magpapakilala.

Nandito kami ngayon sa Training Area. Hinihintay namin sila Air at Sea. Anong oras na kasi hindi pa bumaba si Air kaya pinasundo na namin sya sa bestfriend nya.

CRYSTAL (The Journey of Light)[ON GOING]Where stories live. Discover now