CTJOL 17: The Hunter of Fairies

34 2 0
                                    

Zia POV:

Ate nakakatakot po ba talaga si Prinsesa Florania?

Tanong ng bunso kong kapatid na si Zoe.
Ako nga pala si Zia Icarian at isa akong fairy.

"Hindi naman sa nakakatakot sya Zoe. Iba lang talaga si Prinsesa Florania."

Pero sabi po ni Kuya Zion nakakatakot daw sya. Bago sya pa ang dahilan kung bakit nasira ang mundo natin.-Zoe

Hindi naman talaga nakakatakot si Prinsesa Florania. Mataray at mailap na bata sya pero may kabaitang taglay din naman kaya hindi ko akalain na magagawa nya ang bagay na iyon.

Ate Zia bakit kailangan pa nating magtago kung hindi naman sya nakakatakot?

"Kailangan lang natin mag-ingat. Hwag kana pating makulit Zoe."

Alam mo Ate sila Ate Alice nawawala sila. Noong nakaraang araw pa. Susunod na din ba tayo?

Masama ang kutob ko sa pagkawala nila Alice pero ayaw kong mag-isip ng masama. Sana naman mali ang kutob ko.

Sa wakas nakita ko din kayo Zia.

Hindi ito maaari. Sya na ba talaga yan. Ang batang sumira sa mundo ng Fairyland. Ikaw na ba talaga yan Florania.

"Prinsesa Florania ikaw ba yan?"

Sa itinagal tagal ng panahon nahanap na din kami. Ang batang paslit palang noon ay dalagang dalaga na ngayon. Napaka ganda mo Florania.

Ate Zia.-Zoe

"Pakiusap Florania hwag mo kaming papatayin."

Sabi nila pag nahanap kana ni Prinsesa Florania tiyak na kamatayan ang mangyayari sayo. Lahat ng madadaanan nya o makikita na fairy pinapatay nya. Yan ang nakarating na balita sa amin noong kasagsagan ng digmaan. Noong una hindi ako makapaniwala hanggang sa nakita kong nawawasak na ang mundo namin at dahil ito sa kanya.

Pati ba naman ikaw Zia ganyan ang tingin sakin. Hindi mo na ba talaga ako kilala?

Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko Florania. Ano ba talaga ang nangyari sayo.

ATE ZIA! ZOE! LUMAYO KAYO SA KANYA!

sigaw ng kapatid kong si Zion at humarang sa harapan namin ni Zoe.

Ikaw na ba yan Zion. Ang laki mo na.-Florania

Lumayo ka sa mga kapatid ko.-Zion

Masyado kang matapang.-Florania

Pagkasabi ni Florania non biglang may tubig na pumulupot sa leeg ni Zion.

WALA KANG KARAPATANG UTUSAN AKO! BAKA NAKAKALIMOT KA! AKO SI FLORANIA ONYX ANG PRINSESA NG AQUALAND!

"Pakiusap Prinsesa Florania hindi makahinga ang kapatid ko."

Umiiyak kong sabi. Nahihirapan na si Zion kaya napaluhod na sya. Ang kapatid ko.

Kuya Zion.-Zoe

Hwag kang mag-alala Zia wala akong balak patayin kayo kaya matulog na kayo.

Hwag kang mag-alala Zia wala akong balak patayin kayo kaya matulog na kayo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
CRYSTAL (The Journey of Light)[ON GOING]Where stories live. Discover now