"Muling Hagkan Ang Kahapon Book 1"

2 0 0
                                    

"Muling Hagkan ang Kahapon"

Anak ng isang kilalang negosyante si Tyron Garcia..Ang ama niya na si Don Cyrus Garcia ang nag mamay-ari ng isang trucking company sa Probinsya ng Nueva Ecija..
Sa isang Farm sa Gabaldon Nueva ecija namamalagi ang pamilya Garcia.

Dalawang magkapatid sina Tristan at Tyron,
Si Tristan ay namamalagi sa kanilang lolo na nasa makati,doon ito nag-stay para may kasama ang lolo nito. Umuuwi lang ito kung may Special na okasyon..
Tanging si Tyron lang ang lumaki kasama ang mga magulang kung kaya mas malapit ito sa mga magulang.

Labing tatlong taon gulang palang si Tyron nasa high School level na siya ngaun ng maging kaklase niya ang kababata na si Miesha. Anak ito ng kanilang katiwala na si Manong celso. Elementary palang ay hanga na ang binatilyo sa dalagita dahil sa talino nito. Lagi itong nangunguna sa klase kung kaya hindi nakapagtataka kung makapag-aral ito sa Private School kahit na kapos sa pera.
Tuwing Sabado at Linggo ay sumasama ito kay Manong Celso para mamitas ng mga bungang puno sa Farm. Binibigyan din kasi ito nila Mommy at Daddy ng konting pera pakonswelo dahil sa pagtulong nito na mamitas ng prutas at gulay.

"Miesha tara sumama ka nalang sakin dun tayo sa ginawang kubo ng Tatay mo!" aya ni Tyron.

"Hindi na boss Tyron hindi pa kami tapos ni tatay na mamitas!" wika ni miesha.

"Ano ka ba ok lang yan! kaya na yan ni Manong Celso!" ani Tyron.

"Sorry pero di pwede..pagkatapos nalang!" ani Miesha.

Nakangusong lumapit si Tyron sa dalagita..

"Ano yan ginagawa mo?" tanong ni Miesha.

"Tinutulungan ka!" wika ni Tyron.

" baka makita ka ng mommy mo pagalitan pa kami!" wika ni miesha.

"hu hindi,matutuwa pa nga un at nasasanay ako sa gawain sa Farm!" ani Tyron.

" ok bahala ka,tara bilisan mo na jan ng matapos na tayong mamitas!" ani Miesha.

"ok,para makapunta na tayo sa kubo!" ani Tyron.

Alas tres na ng hapon ng matapos mamitas sina Tyron at Miesha. Natanaw nila si Donya Carmen na dala ang tray ng miryenda.

"Mommy dun na po kami magmimiryenda ni Miesha sa ginawang kubo ni manong celso!" paalam ni Tyron.

" Ok sige hijo,dalin niyo na itong tray ng miryenda!" wika ng donya.

Bitbit ang tray ng miryenda nagtungo ang magkababatang sina Tyron at Miesha sa kubo na gawa ng matanda.

" Wow ang galing naman! kubo sa puno ng mangga?!" gulat na wika ni miesha.

"ikaw eh kanina pa kita inaaya hindi ka agad sumama!" nakangusong sagot ni Tyron.

"eh hindi ko naman alam na ganito pala kaganda ang kubo na ginawa ni tatay!" ani Miesha.

Mula sa dalawang mataas ng puno ng mangga nakapatong ang isang kubong yari sa kawayan..Nakaharap ito sa mahabang ilog ng gabaldon na napapaligiran ng mga bundok. Presko na presyo ang simoy ng hangin sa itaas ng puno kung kaya masarap tumambay doon.

" Tyron baka pagalitan tayo ng Mommy at Daddy mo kapag nalaman na ginawa nating tambayan ito?" alalang tanong ni miesha.

"Hindi ah pinagawa talaga ito nila mommy para daw mayron akong tambayan pag nag aaral ng mga lesson sa School.

" Naks sana all talaga richkid..." wika ni miesha

" keri mo din maging richkid someday! ikaw pa ba ang talino mo kaya! sigurado ako na pagtanda mo makakahanap ka rin ng maayos na trabaho." wika ni Tyron.

"Muling Hagkan ang Kahapon Book 1"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon