--PARIS LAUNA POV--
"WOOAAHHH!!"
"PARIS AKIN KA NALANG!!"
"MYGAAADDD PARIS!!"
Sigawan ng mga students habang todo bigay ako sa pagsasayaw.
Actually I'm a dancer and that's one of my skills, dancing, specializes in swag and style and new hiphop.
Kasalukuyan akong nagpeperform sa isang event dito sa campus namin, dahil my fundraising ang department namin.
Madami ang pwedeng salihan pero itong dance in stage ang sinalihan ko.
Tinapos ko ang pagsasayaw ko sa pagbaba ng sumbrero na siyang nagpalakas sa pagtili ng mga manonood.
Grabe ang mga sigawan!
Para akong artista!
Ako nga pala si Paris Launa Sureda, 20 years old, kasalukuyan akong nasa 2nd year sa college.
Ngumiti ako ng malaki bago ako nagbow tsaka ako bumaba ng stage, hanggang pagbaba ko todo sigawan padin sila sa pangalan ko, puro mga babae at lalaki pa.
Ganon ba sila nabaliw sa moves ko?
"Paris!" Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko at makita ko ang tatlo kong matatalik na kaibigan.
Ngumiti ako ng malaki, bago ako tumakbo papalapit sa tatlo.
"Naks! hoy ang galing mo!! may nakita nga kaming nag-aaway na magjowa dito, nagseselos yung lalaki kasi todo tili at parang mahihimatay na girlfriend niya." Natatawang kwento ni Tristan dahilan para matawa din ako.
"May nakita din ako, magjowa na palabas, nag-aaway din kasi pinag-aagawan ka." Lalo akong natawa sa sinabi naman ni Kenzo.
Grabehan!!!
"No lie, ang galing mo, mapababae man o lalaki ay nababaliw sa mga galaw mo." Matteo.
"Magtigil nga kayo, tignan niyo nalang tong suot ko, okay lang ba? hindi ba pangit kanina habang nagpeperform ako?" Tanong ko.
Tinignan naman nila ang kabuuan ko.
"Okay naman, maganda." Tango-tango ni Tristan.
"What's wrong?" Tanong ni Matteo.
"Uncomfortable ba?" Tanong naman ni Kenzo.
Ngumiti ako at umiling "Hindi naman, alam niyo naman na gusto ko laging maganda sa mata ng mga manonood yung suot ko diba." Sabi ko.
Tinanggal naman ni Kenzo ang suot kong sumbrero "Maganda ka, kahit anong suotin mo babagay sayo." Napangiti naman ako sa sinabi ni Kenzo.
"Maganda kana gwapo kapa!" Tristan.
"Walang papantay sayo." Matteo.
Napangiti ako ng malaki.
Grabe! sobrang swerte ko sa mga kaibigan ko! Wala na akong hihilingin pa!
"Treat ko, bar tayo mamaya!" Biglang aya ni Kenzo.
"Putangina G!!!" Biglang masiglang sabi ni Matteo.
"Oh basta alak, energetic oh!" Tulak ko ng mahina kay Matteo.
"Gusto mo din naman!" Tulak din ni Matteo saakin pero malakas!
Ayos ha! mahina lang pagkakatulak ko sakanya pero sakanya malakas?!
"Gago ka ha!" Ng animong aambahan ko ng suntok si Matteo ay inawat kaagad ako ni Kenzo.