CHAPTER 2

0 0 0
                                    

--PARIS LAUNA POV--





Nagising ako ng may humahalik-halik sa labi ko.

Kaya kinusot ko pa muna ang mata ko bago ko imulat yun at bumungad saakin ang nakangiting si Kenzo. "Good morning babe." Nakangiting aniya tsaka ako muling halikan sa labi.

Agad na nilibot ng paningin ko ang paligid.

Nasa ako ni Kenzo ngayon?

Ng may bigla akong maalala.

Bigla akong napalunok.

Parang biglang bumalik sa ala-ala ko yung mga nangyari kagabi sa kotse.

Tandang-tanda ko pa lahat.

Kung gaano kainit yung gabing yun.

"Are you okay?" Muli akong napatingin kay Kenzo.

"Ha?" Tanong ko.

Tanga Paris!!

"Ang sabi ni Matteo nahimatay ka nung nagpahangin kayo sa labas, sobrang dami ba ng alak na nainom mo? I told you huwag ka masyadong uminom, dahil mabilis kang malasing." Sabi ni Kenzo habang hawak ang kamay ko.

Ayun ba ang dinahilan niya?

Basta ang naalala ko lang ay nakatulog ako pagkatapos nung mga nangyari, tapos paggising ko ay nandito na ako.

"Nasan si Matteo?" Tanong ko.

"Nasa bahay niya, why?" Tanong ni Kenzo.

Umiling naman ako bago ako tumayo sa pagkakahiga at sunggaban ng yakap si Kenzo. "I love you babe..." Bulong ko.

"I love you too Babe, gutom ka na ba?" Tanong ni Kenzo. 

Agad na nagsalubong ang kilay ko.

"Can you say i love you again?" Utos ko.

Natawa naman ng mahina si Kenzo "I love you so much babe." Ulit ni Kenzo.

Bakit wala akong nararamdam na saya sa mga salitang yun mula kay Kenzo?

Eh dati naman pag sinasabi ni Kenzo yun ay grabe makatalon ang puso ko ha.

"Come on, let's eat, pinagluto kita ng paborito natin, carbonara." Kumawala agad si Kenzo sa yakap namin at alalayan akong makatayo.

Pilit naman akong ngumiti.

Anong nangyayari?

Parang may mali.

--

Pagdating namin sa dining area ay inalalayan din ako paupo ni Kenzo bago ito nito lagyan ng carbonara ang plato ko at plato niya tsaka siya naupo sa harapan ko.

"Ano palang ginawa niyo ni Matteo sa labas ng bar kagabi? lumabas kami ni Tristan pero hindi namin kayo nakita." Napaiwas naman ako ng tingin.

"P-pumunta kami sa malapit na store para bumili ng... pagkain." Pagsisinungaling ko tsaka simulang haluin ang carbonara.

"Wala bang ginawang kakaiba si Matteo?" Napatingin ako kay Kenzo.

"Huh? What do you mean?" Parang biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko.

"Nilagyan kasi namin ng robust yung iniinom kagabi ni Matteo, nakita kasi namin maraming babae sa bar kagabi kaya ayun, napatripan namin ni Tristan si Matteo." Tawa ni Kenzo.

"Wala naman.. he's fine, wala namang... kakaiba." Ani ko.

"Ganon? baka hindi effective, sinubukan lang namin kung effective yun, mukhang hindi naman pala." Hindi ko naman siya sinagot bagkus ay nagpatuloy ako sa pagkain ko ng carbonara.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Veiled hearts (ON GOING)Where stories live. Discover now