Mactan International Airport.Hila-hila ang maleta ay lumabas mula sa airport si Jenica. Hawak ng isang kamay ang handle ng maleta habang hawak ng kabila ang maliit na kamay ng batang nasa limang taong gulang pa lamang.
Nakasimangot ang bulilit at pilit nitong tinitingala ang matangkad na postura ng ina. "Mom, I want Tita Carol, not other nannies!" maktol nito.
Bumuntong-hinga si Jenica. "Tita Carol is busy. Be good and I'll buy you your favorite mocha cake. Is that alright?"
Walang nagawa ang paslit kundi tumango at busangot na sumunod sa yapak ng ina.
Tinanaw ni Jenica ang naglalakihang mga gusali sa hindi kalayuan. "Fuego Empire," bulong niya na may ngiti sa mga labi. "It's been five years... I'm back."
Limang taon na nang lumipad siya sa ibang bansa upang takasan ang naghihingalong asawa. Nawalan siya ng komunikasyon sa lalaki gayunpaman, inaalam pa rin niya ang mga balita ukol dito.
"Kyah! Magpapakasal na si Miss Gia! Tingnan niyo girls, owner ng Fuego Empire ang fiance niya!" excited na sigaw ng babaeng kasabay niyang lumabas ng airport.
Pasimple siyang bumaling sa dalawang babae na kapwa nakatingin sa cellphone.
"Sure ba yan?" tanong ng kasama nito.
"Yes! Kilala mo si Miss Gia, 'di ba? Siya 'yong magaling na singer songwriter plus award winning artist. Idol na idol ko 'yan. Nagpalabas na siya ng statement na engage na siya sa CEO ng Fuego Empire."
CEO ng Fuego Empire?
Naningkit ang mga mata ni Jenica. Sa pagkakaalam niya ay asawa niya ang CEO ng Fuego Empire pero bakit sinasabi nilang fiance ito ng babaeng nagngangalang Gia?
Sumagi sa isipan niya ang maputlang mukha ng asawa at dumilim ang paningin niya. Her husband really has the guts to find another woman after five years? Good. Very good.
Kumunot ang noo niya at kumuyom ang mga kamao sa inis. Nagulat na lang siya nang maramdaman ang maliit na palad ng anak sa mga kamay.
"Mom, are you okay?"
Tumingin siya kay Shamrock at ngumiti. "Good Sham, Mom is okay." At marahang hinaplos ang malambot nitong buhok na hanggang balikat.
Isa sa mga dahilan kung bakit siya lumipad pabalik sa bansa kasama ang anak ay dahil nalaman niyang magpapakasal si Alexander, ang walang hiyang asawa niya.
Liban sa nakatali pa siya sa lalaki, binuntis siya nito na kinatakot niya noon. Ayaw niyang maging bastardo sa paningin ng publiko ang anak kaya kahit labag sa kalooban ay lumipad siya pabalik sa bansa.
Huminto ang taxing sinasakyan sa isang magarang subdivision. Hinawakan niya ang kamay ni Sham at akmang papasok sa loob ng gate nang sitahin siya ng guwardiya.
"Miss, sandali. Bawal pumasok sa loob kung hindi homeowner."
Tumingin siya sa guwardiya. "Asawa ako ni Mr. Fuego," aniya.
"Ah, Miss..." Natawa ang guwardiya. "Ilang babae na ang nagpakilalang asawa at girlfriend ni Mr. Fuego pero walang ni isa ang nakapasok sa loob. Kung ayaw mong makaladkad palayo ay kusa na kayong umalis." Bumaba ang tingin nito kay Sham. "Huwag mong sabihing anak ito ni Mr. Fuego? Miss, marami nang sinungaling na pinakulong ni Sir." Ngumisi ito.
Kumulo ang dugo ni Jenica sa sinabi ng guwardiya. "Hindi mo ba ako kilala? Five years ago, dito ako nakatira!" aniya.
"Miss, marami nang babae ang nagsabi niyan kaya hindi uubra ang rason mo."
BINABASA MO ANG
Hidden Mafia King and the Fearless CEO
RomanceWanted: Generous, rich, and dying man. Isa lamang 'yong biro ng kaibigan pero nakita ni Jenica ang sariling kaharap ang pinakamayamang lalaki sa siyudad, nakaupo sa wheelchair, at nasa huling hininga. Imbes na tutulan ay diretso niyang pinakasalan...