Humakbang si Dante palapit sa kaniya. Jenica's lips curved into a smile and sipped some wine while staring at the dark expression of the man.
"It's your scheme," sabi ni Dante nang tumayo ito sa harap niya.
Binaba niya ang wineglass sa mesa at sinalubong ang matalim na titig ni Dante. "What are you saying? I don't understand."
"What the hell, woman!" impit nitong bulong at nilapit ang mukha sa tainga niya. "Wait and I'll rip that smile from your lips!" babala nito bago naglakad palayo.
Pinilig ni Jenica ang ulo sa kanan at kumurba na naman ang mga labi. Ang assistant niya ang inatasan niyang mag-hack sa security system ng hotel upang mailagay ang mga hubad na pictures ni Gia. Good luck sa security ng hotel sa pag-trace ng device na ginamit.
Hindi nagtagal ay muling bumalik ang ama ni Gia sa stage. "Everyone, we found out the culprit. We'll impose proper discipline and ask every media to properly choose what content you'll publish later."
Natahimik ang mga bisita sa babala ni Mr. Antonete. Marahan na namang natawa si Jenica. Alam niyang ganito ang kahihinatnan. Fuego alone had the power to threaten the media, and now that Antonete's having connection with the powerful clan, madali na lang sa kanilang i-control ang media. Of course, not every media platform could stop the spread, right?
Tulad na lang ng social media.
Kanina pa na-publish ng assistant niya ang content ng projector images sa social media at inaasahan niyang magiging trending mamaya ang nasabing post, lalo pa't isang sikat na personalidad si Gia. She's also thankful that Gia's an influencer or else hindi madali ang pagkalat ng post na iyon.
"What the! It's all over the socMed!" bulong ng babaeng nakaupo sa tapat ng table niya habang nakatingin sa cellphone.
"Sinong nagpakalat sa pictures? They will not end well."
"Tingnan mo, nasa socMed ang photos ni Miss Gia. Tsk, tsk. Sira na ang pangalan niya. Sayang naman. Ang ganda pa naman ni Miss Gia."
"Paano na 'yan? Half of her fans believe what is written in social media!"
Nagkagulo ang buong hall while Jenica was having her time watching the good show. Biglang nag-vibrate ang cellphone niya at sinagot niya ang tawag ng assistant.
"Agent J, someone tried to trace the IP address but I blocked that person. I'm afraid, some professionals are with you right now."
Jenica pursed her lips and looked around. "Roger that." Saka binaba ang cellphone.
Professional?
Hindi basta-basta ang kakayahan ng assistant niya sa pag-hack ng security protocols pero nag-alala ito sa kakayahan ng taong nais mag-counterattack. Ibig sabihin lang no'n ay meron sa loob ng hall, o sa likod ng Fuego at Antonete, na kayang makipagsabayan sa skills niya pagdating sa hacking.
Naging isang linya ang mga labi niya. Sino naman ang taong iyon?
Kumurap si Jenica nang magtama ang tingin nila ni Alex. The man was staring at her the whole time at ngayon lang niya napansin. She secretly scolded herself. Tinagurian siyang top agent sa organization pero ni hindi niya napansin na may nakatitig sa kaniya at asawa pa niya mismo?
Or maybe in her subconscious mind, she felt safe with Alex that's why her body neglected his gaze knowing that he would threaten her at all?
Hindi ito maganda.
Jenica moved and tried to walk out of the hall pero mas mabilis sa kaniya si Alex. Nahuli nito ang palapulsuhan niya nang malapit na siya sa nakasarang malalaking pinto.
BINABASA MO ANG
Hidden Mafia King and the Fearless CEO
RomanceWanted: Generous, rich, and dying man. Isa lamang 'yong biro ng kaibigan pero nakita ni Jenica ang sariling kaharap ang pinakamayamang lalaki sa siyudad, nakaupo sa wheelchair, at nasa huling hininga. Imbes na tutulan ay diretso niyang pinakasalan...