MAGIC 5: Meet Her

1K 78 0
                                    


EMPERYO NG LEM

MAJO ACADEMY

Her POV

Marami akong estudyanteng nakita na tinutulungan ng mga Heal Official. Masyadong maraming sugatan at marami ring nagkalat ng bangkay ng mga taga Khou Empire at kaunti lang sa mga taga academy.

Masyadong masalimuot ang nangyari ngayon. Isang digmaang hindi inaasahan. Pero bakit sandali lamang sila dito at naglaho na lang ng parang bula?

Masugid kong tinititingnan ang aking dinadaanan patungo sa kagubatan. Halos wala ng etudyante dito.

Nang makarating ako sa kagubatan, may natanaw akong isang lalaking nakahiga roon. Mukhang hindi naman sya kalaban at lalong hindi rin ya mukhang taga-academy. Saan sya galing?

Agad ko syang nilapitan at isinandal sa isang puno. Napansin kong nakatitig lang sya akin kaya balak ko sana syang tanungin ng mapansin kong unti-unting pumipikit ang kanyang mata at bago tuluyang nawalan ng malay.

Binalak ko din sanang basahin ang isip nya pero nahuli na ko.

^^ Ako nga pala si Sherry Dee. Mind Reader. At isang Official ng headmistress.

Agad akong nagtawag ng tulong para buhatin papuntang clinic yung lalaki. Hindi ko sya kaya kasi sinubukan ko na syang buhatin at ambigat nya kahit fit naman sya. May abs kaya sya? Ay! Erase erase. Ang gwapo at cute nya. Aaayyyy!! Anu ba namang tong pinag-isip ko..

Dumating na yung mga healer na kayang magteleport kaya iniwanan ko na sila don at saka nagpunta sa office ng Headmitress.

Tok. Tok. Tok.

"Come in" sabi ng Headmitress kaya pumasok na ko.

"Anong balita? Kamusta ang mga estudyante?"

"May kaunti pong namatay at halos lahat ay sugatan pero natulungan na po sila ng mga Heal Officials"

"Mabuti kung ganon"

"Pero may natagpuan po akong isang lalaking sugatan sa kagubatan at hindi po taga-academy at hindi rin po syang mukhang kalaban"

"I see. Bantayang mabuti yung lalaki para makasigurado at pag nagising na sya at ayos na ang kalagayan,dalhin agad sya selda"

"Pero bakit po?"

"Hindi tayo nakakasiguro sa kanya at saka isa syang trespasser"

"Masuunod po" sabi ko bago tuluyang lumabas ng office nya at saka nagtungo sa clinic kung saan andun yung lalaki.

Pagkadating ko doon ay kakaalis lang nung healer pero tinanong ko muna sya.

"Kamusta ang kalagayan nya?"

"Masyadong maraming hiwa ang meron sya sa katawan na parang galing sa latigo at satingin koy masyado syang pagod kaya hindi kinayanan ng katawan nya"

"Ganun ba? Sige maraming salamat"

Pagkaalis nya ay agad akong tumungo sa hinihigaan nung lalaki at umupo sa isang tabi.

Pinagmasdan ko sya. Parang naawa ako sa kalagayan nya. Ano kayang nangyari sa kanya? Mukha namang ambait-bait nya at mukhang anghel habang natutulog. Hindi naman siguro to kagagawan ng Khou Empire hindi ba?

--

Halos dalawang araw na pero hindi pa rin sya nagigising. Dinadalaw ko sya dito at dinadalhan ng bulaklak. Hindi ko nga alam kung bakit ko to ginagawa eh.

Hindi pa rin halos nakakarecover tong academy kaya wala pa ding klase hanggang ngayon.

Halos mabasag ko naman tong vase na hawak ko ng mapansing gising na sya at nakatingin sakin.

"Gising ka na pala. Kamusta ang pakiramdam mo?"

Hindi naman sya sumagot at umiwas ng tingin. Aba. Aba. Ang cold naman neto. Parang tinatanong lang eh pero di ko na lang pinansin.

"Gutom ka na siguro noh? Teka ka lang ha ipagkukuha kita ng makakain"

Tumango lamang sya at saka ako tuluyang lumabas. Mabuti naman at may nakuha akong response mula sa kanya.

Pagbalik ko ay nakaupo na sya sa kama at nakatingin lamang sa bintana.

Inilapag ko sa table sa tabi ng kama nya yung pagkain. Kinuha naman nya agad ito at tahimik na kumain.

Pinagmasdan ko lang sya habang kumakain hanggang matapos sya. Hindi man lang nya ako magawang kibuin. Niyapos nya lang yung tuhod nya at saka pinatong ang mukha nya don. Mukhang malalim ang iniisip nya ha.

Kinabukasan, ganun pa rin ang nangyari. Tahimik lang sya at nakitingin sa kawalan.

Hanggang sa Dumating na yung apat na lalaki na magdadala sa kanya ng selda. Nilagyan sya ng posas pero tiningnan nya lamang ito at hindi man lang nagtanong o umapila man lang .

Sumunod ako sa kanila hanggang sa kulungan nito. Hindi na sya umangal at dire-diretso lang sa loob at bago naupo at niyapos ulit ang mga tuhod at nakatingin ulit sa kawalan.

Ano bang problema nya? Naaawa na ko sa kanya. Hindi ko naman magawang basahin ang inisip nya dahil parang may humaharang dito.

Sa pagkaka alam ko, tanging Mind Reader lang din ang nakakaharang dito. Mind Reader din kaya sya?

The Extreme MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon