MAGIC 21: Preparation

928 62 1
                                    


MAGIC 21: Preparation

Aly's POV

Nagfofocus ako sa pagbabasa ngayon ng libro mula sa library dito sa loob ng gymnassium sa isang tabi tungkol sa pagiging copier ko pati na din sa Wind Mahō na ginagamit ko kung ano pa ang mga kaya nitong gawin habang yung iba ko namang classmate ay patuloy sa pakikipag esparing sa isa't isa, mga nagpapalakas ng katawan at sinasanay nila ang mga Mahōkist tool nila.

Si Sherry naman nandon sa may ensayuhan ng bow and arrow dito sa loob ng gymnassium din. Ang galing nya nga eh, palipat lipat siya ng posisyon at tumatakbo takbo pero nagagawa nyang tamaan yung center ng circle. Long range shooter sya. Ang galing.

Si Alice naman, nasa isang room dito kaso yung kayang imanipulate yung gravity. Pinapalakas nya din siguro yung Mahō nya at pinapabilis ang sarili nya gamit yun.

Hindi ko na din naman gaano kailangan magpraktis sa physical kasi tinuruan na ako ni Lele. Kailangan ko na lang muna yung atensyon ko sa kung paano gagamitinn ng ayos ang Mahō ko.

Binalik ko yung atensyon ko sa pagbabasa. Hmmm.

Wind Mahō is an elemental Mahō that can manipulate wind and other Mahō that connected to it. Like Sounds, gravity, oxygen, invisibility, mind reading, teleportation, telepathy, puppeting/controlling, attraction and repulsion, levitation, flying/floating and many more.

Ow. So mind reading is part din ng wind Mahō at pwede ko na syang idahilan kay Sherry kung bakit di nya kayang basahin ang isip ko haha.

Binuksan ko din agad yung isa pang librong hawak ko kung papaano ko magagamit lahat ng Mahō na isinaad kanina. Wala kasing nakalagay kung paano eh.

Scan. Scan. Scan. Wala. Haaay.

Isinara ko bigla yung libro na hawak ko bago ako umiwas sa isang bagay na patama na sakin. Kaya tiningnan ko kaagad kung ano yun pagkatama nito sa pader. Isang arrow.

"Kyaah! Aly! Sorry! Sorry!" napalingon ako kay Sherry na humahangos sa pagtakbo, hinabol nya siguro kung saan tatama yung arrow nya.

"Okay lang. ang layo ng pwesto mo ha, paanong napunta sa direksyon ko yung arrow mo?"

"Waaah! Sorry talaga! Ah eh may nabasa kasi akong spell eh, na kayang pasunudin yung isang bagay kahit anong sabihin mo, ang kaso nagkamali ata eh!" nilapitan nya yung arrow nya bago binunot at kinuha "nakakainis!"

"Eh ano ba yung sinabi mo at sa direksyon ko pumunta?"

"Naku! Ang sabi ko kaya doon sa manikin na walang puso! Ang adik, nagkamali lang talaga ako.." napahawak ako sa dibdib ko at pinakiramdaman ang puso ko, para kasi akong na-stiffed bigla doon sa inabi nya, hindi ko alam kung bakit.

"..Huy wag ka nga! bakit mo naman hinawakan yung dibdib mo? May puso ka naman malamang ahaha"

Prrrrt!!!

Napalingon kami bigla kung saan nanggaling yung pagpito at nakita namin yung proctor namin na pinapalapit kaming lahat sa kanya.

"So kamusta naman ang pagpapraktis nyo? Now, tapos na muna ito kaya magbreak na kayong lahat At magpahinga. Dismissed"

Kinuha ko muna yung mga libro na kinuha ko sa libro na nasa isang tabi tapos bigla na lang akong hinila ni Sherry.

"Tara Aly sa canteen, tapos wala ka na namang gagawin pagkatapos hindi ba?"

Bukod sa pagbabasa ng libro, wala na namang iba kaya tinanguan ko na lang sya.

"Yey! Tulungan mo na lang ako sa pag-aasikaso para sa school festival haha"

The Extreme MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon