MAGIC 35: Well Done

792 48 2
                                    

MAGIC 35:  Well Done

Sherrys POV

Patuloy ko lamang sinusundan kung saan patungo si Cana, yung babaeng walang kakayahang magsalita, habang patuloy nya ding ipinapaliwanag sakin ang nangyayari sa pamamagitan ng pagbabasa ko sa kanyang isip o pagtetelepathy na din.

"Ang may kakagawan ng lahat ng ito ay ang Ghost Mahōkist kung ganon tama nga ang hinalang nabasa ko Nawalan sya ng Control sa Mahō nya kaya sya na mismo ang nilamon nito"

"Paano mo naman nalaman ang lahat ng ito?"

"Nakikita ko sila Ms. Sherry, ang Mahō ko ay kayang makakita ng mga kaluluwa sa paligid ko kaya nakakasigurado ako na Ghost Mahōkist ang may gawa nento pero ang pinagtataka ko ay hindi ko Makita si Mr. Aly sa paligid"

"Anong ibig mong s-sabihin?"

"Wag kang mag-alala, nasa ibang lugar lang siguro sya nagpunta na hindi ko pa napupuntahan. At Yung mga taong ito na nakikita ko? Para silang mga ulilang walang kasama sa mundong ito di tulad ng mga tunay na kaluluwa ng pumanaw na. Nakakalungkot at siguradong nakakabaliw"

Pinapakinggan ko na lamang kung ano ang mga pinagsasabi nya sa isip nya habang hindi ko pa din maiwasan kabahan. Nasaan ka Aly? Ayos ka lang ba?

"Sabihin mo sakin, paano natin sila magagawang tulungan?"

Wala syang sinagot pero iniling nya lamang ang kanyang ulo bago sya tumigil sa paglalakad at nagpunta sa isang gilid na tila nagtatago.

"Nakikita ko na ang taong may kakagawan ng lahat ng ito, isang batang babae na may kakaiang presensya di tulad ng iba, halika dito Sherry magtago ka din, kailangan natin mag-ingat sinasabi nya sakin kung ano ang ikinikilos ng batang ito, para daw syang may hinahanap sa paligid nya."

"Kyaah! Nakita nya tayo! At papunta sya sa direksyon natin!"

Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ang pagsigaw nya sa isip at mas dumoble ito ng marealize ko ang sinabi nya.

Agad kaming umalis sa kinalulugaran namin at tumakbo, sabi nya, para daw nakakutob ang bata na nakikita nya sya kaya patuloy nito kaming sinusundan.

"Wala ba talagang paraan?!"

"H-Hindi ko alam. Tanging kakayahan ko lamang ay Makita sila at sabihin ang kalagayan nila, P-pasensya n-na"

Namumuo nanaman ang mga luha sa mga mata ko dahil umasa nanaman ako na matutulungan ko si Aly at ang iba. Binigo ko sya.

Patuloy kami sa pagtakbo at parehas namin hindi napansin ang isang napakalaking ugat ng isang puno sa dinadaanan namin kaya parehas kaming nadapa at nagasgasan sa tuhod at braso.

"Malapit na sya s-satin" inalalayan naming tumayo ang isat isa pero sa di inaasahan ay natumba akong muli.

"N-nahawakan na nya ko.." biglang tumibok ng napakalakas ang dibdib ko sa sinabi nya lalo nat magkalapit lang kami at sa di malamang ay susunod na ako. Unti-unti nang naglalaho ang katawan nya sa paningin ko kaya napapikit na lamang ako pero hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga huling sinabi nya sa isip ko.

"Di mo na kailangan matakot pa dahil dumating na ang taong makakatulong satin, ang Legendary Copier"

Haalos mawalan ako ng hininga sa lakas ng presensya na naramdaman ko malapit sakin. Sa Legendary Copier nga siguro ito. Halo halong emosyon ang nararamadaman ko sa mga oras na ito, saya  na may halong kaba at takot sa maaring mangyari na naging dahilan upang bumigay ang katawan ko at nawalan ng malay.

--

May nararamdaman akong hangin na tila dumadampi saking mukha na tila hinahaplos ako nito kaya nagising ako mula sa pagkakatulog at ipinagtaka ko kung bakit ako nasa lupa nakahiga. Anong nangyari?

The Extreme MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon